Trinity's POV
NOTHING could beat the moment when my so-called squad graduate at the same time, same school, together, nothing was left. These could be the start of our gradual success and the beginning of our next journey in life.
This is what they call squad goals. We are now on another step for the next milestone in our life. After senior high school, college life is waiting for us. But, before entering college we will set time for ourselves to enjoy.
Me and my friends, elementary friends to be exact, is currently having a small talk in a restaurant. A long table for a group is enough for us.
"What is our plan for this coming vacation guys?" Angel Hoders asked, she was dubbed as the "beauty with a brain of the group".
Kaya marami ang humahanga sa kaniya dahil sa taglay niyang alindog, at hindi rin maipagkakaila na kadalasan siyang nananalo sa mga sinasalihan niyang mga beauty contest.
"Why do not we go on a road trip,"
"Or on a hiking, o beach nalang kaya," magkadugtong na sabi nina Rio Lawson at George Fuentes, dalawa sila sa mga boys na bully sa batch namin. Kaya wala masyadong dumidikit sa kanila dahil hindi talaga sila titigil hanggat walang mapipikon sa amin."Great idea! Mag-beach nalang tayo guys, gusto ko rin kasing ma-relax. At ma-refresh ang utak ko, alam niyo na college na tayo sa susunod na pasukan kaya dapat prepared na talaga tayo," pagkatapos magsalita ni Psiden Muyate nginuya niya ang natitirang pagkain sa kaniyang plato.
"Exactly bro, kailangan mo talagang i-refresh iyang utak mo nang magkaroon ng laman 'yan, iyon ay kung papalarin." Mapang-asar na tugon ni Glen Plaxton, siya naman ang player ng batch, basketball player, idagdag na rin ang pagiging player sa mga girls.
"Ah ganun." Ipinahid ni Psiden ang kaniyang kamay sa chocolate cake at akmang ipupunas ito sa mukha ni Glen, kaya agad namang nagtatakbo si Glen palabas ng restaurant at hinabol din siya ni Psiden.
And ladies and gentlemen, ayon na nga po naghabulan na silang dalawa and obviously nagsitinginan ang mga taong kumakain sa loob, dahil sa mga ewan kong kaibigan.
This is so embarrassing, dito pa talaga sa loob ng restaurant sila naghabulan. Mga isip-bata talaga.
"Hahaha. Seriously, akala ko mga bata lang ang naglalaro ng habulan, pati rin pala sila at dito pa talaga sa restaurant." Natatawa at maarteng pagkakabigkas ni Freia Moise, siya ang super girly type ng grupo na kasalukuyang in a relationship with Glen, yes perfect couple silang dalawa.
Match sila as in, playboy and playgirl, hindi ko rin talaga alam kung paano nagwo-work ang relasyon nilang dalawa. Maybe they are complemented by their behavior or through their attitude.
"Hayaan na natin ang dalawang ugok na iyon, let's continue our topic. So saan nga magandang puntahan ngayon?" Sinipsip ni George ang straw ng kaniyang baso at ibinaling ang tingin kay Sandra Edun, tingin ng parang nanghihingi ng tulong.
"So where do you want to go Sandra? Share it with us." Pa-girly tone na pagkakasabi ni Freia kay Sandra, siya ang maypagka-weird sa grupo and the fact na weird talaga siya sa lahat ng bagay, she is different from us, but we love her, because she's our friend.
"I always wanted to go on a-" pinutol niya ang kaniyang sasabihin, kaya nabitin kaming lahat sa kaniyang nais iparating.
"Don't be shy, tell it girl." Freia lend her left arm in Sandra's back.
Nag-aantay talaga kaming lahat kung ano ang lalabas sa bibig niya. Pati ang dalawang baliw na sina Rio at George, nakanganga ang mga bibig na parang nag-aantay na susubuan nang pagkain.
BINABASA MO ANG
Bulls Eye
Misterio / SuspensoReady to face your past? Or you'll be haunted in the present.