Angel's POV
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ingay na gumambala sa aking pagtulog. There was a sweet angelic voice that passed through my sense of hearing. At sa wari ko boses ‘yon ni Vera. Nagi-guitara siya at kumakanta.
Tinignan ko si Freia na mahimbing pa rin na natutulog. Mabuti nalang at hindi siya naging maarte sa kanyang pagtulog. Dahil minsan sa tuwing nag-o-over sleep kami sa barkada kung hindi siya komportable sa kama ay hindi talaga siya natutulog magdamag.
Tumayo na ako mula sa pagkakatulog at lumabas nang kwarto. Nakita kong nakabukas ang kwarto nina George at ang kay Seth.
Habang naglalakad ako sa bawat stairway pababa unti-unting lumalakas sa aking pandinig ang mala-anghel na boses ni Vera.
Nadatnan ko sina Sandra, George, at Seth sa balcony at si Vera naman na solong kumakanta. Habang silang tatlo ay pinapanood lang siya na kumakanta.
Pero itong si Seth sobra kung makatitig sa mga kumakantang labi ni Vera na animo'y yelo na matutunaw. Ang kanyang mga mata ay nagniningning habang pinagmamasdan si Vera na kumakanta nang isa sa mga kanta ni Taylor Swift.
Napatigil si Vera sa pagkanta nang mapagtanto na nasa pintuan pala ako at pinagmamasdan siyang kumakanta, "Nagising ba kita sis?" tanong niya sa akin at ipinatong ang gitara sa isang mesa.
"Hindi naman, pero iyong isa na 'yon kailangang magising na talaga 'yan, nang matigil ang pagpapantasya sayo sis," turo ko kay Seth. Agad namang ibinaling ni Vera ang tingin niya kay Seth at natawa siya sa reaksyon ng mukha ni Seth sa kaniya, mukha kasing tulala kakanood ng isang live concert.
"Oy, napaghahalataan kang sabog kay Vera," siniko-siko ni George ang balikat niya kay Seth, natauhan naman kagad si Seth at nag-sync in sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Napakamot nalang si Seth sa kaniyang likuran dahil sa pagka-akward.
"May namumuong love team sa kanilang dalawa," panunukso ko sa kanilang dalawa. Pagkatapos kong sabihin 'yon nakita ko naman na nagka-ilangan silang dalawa, at bahagya namang sumulyap si Sandra kay George.
-
7 AM,
Trinity's POV
AGAD naman akong napabalikwas mula sa kama dahil sa nakakarinding sigaw mula sa katabi kong kwarto. And obviously that scream came from Freia. Siya lang naman kasi ang kayang tumili nang ganoon kalakas.
Narinig kong kumalabog ang pintuan nang katabi kong kwarto. Siguro agad siyang pinuntahan nang mga boys para usisain kong ano ang nangyayari sa kanya.
"What the fuck! I can't ease the pain!" sigaw niya mula sa kabilang kwarto. Napakalakas ng kanyang sigaw at masakit ito sa tenga.
Tumayo kaagad ako at pinuntahan siya sa katabing kwarto at tinignan kong anong nangyari, nadatnan kong pinapalibutan siya nang barkada maliban kina Psiden at Rio, "What the fuck Freia ang aga-aga boses mo kaagad ang naririnig namin pati sa baba," tugon ni Angel sa tunong parang nabadtrip pero halata sa mensahe nito na nagaalala siya dahil namimilipit si Freia sa sakit.
Lumapit ako sa kinahihigaan ni Freia at inaksyonan ang barkada na bigyan siya nang space dahil hindi siya makakasagap nang hangin,"What's wrong Freia? Do you feel something strange?" tanong ko at hinawi ang kanyang buhok. Patuloy pa rin siya sa paghawak sa ilalim nang kanyang tiyan.
"I think I'm suffering from hyperacidity?" saad niya. Pero sa tuno nang kanyang pananalita mukhang hindi siya sigurado sa kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Bulls Eye
Mystery / ThrillerReady to face your past? Or you'll be haunted in the present.