CHAPTER 20: CONFESSION

25 0 0
                                    

Vera's POV

Masaya at natatakaman akong nagluluto kasama sina Seth, Rio, Red at Sandra dito sa kitchen area. Hindi pa kami nakapag-umagahan ng mga kaibigan ko dahil hindi pa kami natapos magluto, ang iba naman ay tulog pa sa kani-kanilang mga kama.

"Ano masarap ba Seth?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong ipatikim ang niluto kong blue marlin fillet at rib-eye steak.

"Kakaiba ang lasa nito Vera, napakasarap.., Agad na napawi nito ang pagod ko galing pag-eehersisyo at pagba-basketball," sabi niya pagkatapos tikman ang blue marlin fillet.

"Totoo ba 'yan Seth, baka naman binobola mo lang ako?" Hindi kumbensido kong tanong sa kanya.

"Oo nga. Bro, tikman mo ito at sabihin mo kay Vera kung gaano kasarap ang luto niya," tugon niya kay Rio.

Kumuha si Seth sa container ng isang hiwa ng lutong rib-eye steak at ipinatikim kay Rio. Nag-iba naman ang ekspresiyon ng kanyang mukha.

"Masarap nga Vera, you're a great cook," pagsang-ayon niya sa sinabi ni Seth.

"Shall we serve this now?" Sandra asked a suggestion.

"Sure, let's wait for the others before we take our breakfast." I said.

Inilagay namin ang mga nalutong pagkain sa magkahiwalay na metal container. Iba't ibang pagkain din ang niluto nina Red at Sandra.

"Ako na ang maghahatid nito sa dinning area." Pagboluntaryo ni Red.

"Samahan na rin kita bro," tugon ni Rio kay Red, sumunod din si Sandra sa kanila, at dinala na nila sa dinning area ang mga nakahain na pagkain.

Naiwan kaming dalawa ni Seth sa kusina. Natahimik kami ng ilang sandali, nagkatitigan ang aming mga mata at natawa sa pumapagitang awkwardness sa aming dalawa.

Tumikhim si Seth at pinorma ang kanyang sarili. Tumayo rin ako ng maayos para malaman niyang handa akong makinig kung may sasabihin man siya.

"So, magiging ganito ba tayo palagi, magkaka-ilangan sa isa't isa?" tanong niya at napakamot sa kanyang ulo.

Natawa akong bahagya sa inasal niya. Napayuko naman siya dahil sa inakto ko sa harapan niya. Nakatalikod akong sumandal sa dingding.

I waited Seth to open his mouth again and say another words to me. I can feel that he has something to say, but someone is forcing him not to speak out.

"Tungkol doon sa pinag-usapan natin last time sa terrace..," putol niyang sabi.

I stared at him waiting for his next line. I saw him gestured his hand and opened his mouth.

Pinagkrus ko ang aking mga braso at nginitian siya. Yumuko ako saglit at simpleng napatawa.

"Si Rio kasi eh.., dahil sa kanya hindi ko tuloy natapos ang sasabihin ko sa'yo noong araw na 'yon," sabi niya na parang nauutal na pagkakasabi.

"The day that we went on a roller skating, is that it?" I asked him misleadingly.

"Yes." Seth agreed.

"So ano'ng mayroon noong araw na 'yon?" tanong ko.

He took a deep breath and inserted his fingers to his pants. He moved his fingers inside his pants just like having an irritation.

"Eh- baka kasi kung sabihin ko, magbago ka o hindi kaya.., iwasan mo ako." Natatarantang sagot niya.

"Say it now Seth, be a man on your own feet." I protested to him.

He straighten his head and speak to me, "I like you Vera, and I love you."

I felt so amazed on his courage to spoke out how he felt towards me, the same I do. He shows the better version of his self and be true to me.

Bulls Eye  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon