Trinity's POV
"DAHIL tapos nang maglaro sina Gray at Glen kami naman ni Red ang maglalaro..," saad ni Psiden.
Inayos niya ang dartboard sa dingding at kinuha ang mga brass darts na ginamit pa nina Gray at Glen sa paglalaro kanina.
"And also be ready to be defeated again Red," Psiden said like a playful arrogant to Red.
Tumango-tango lang si Red sa mga sinabi ni Psiden sa kanya. Hindi na niya ito binigyan pa nang masyadong pansin, mukhang gusto niya rin naman niyang maka-one on one si Psiden.
Nakaupo lang kaming lahat nina Gray, Glen, at Sandra sa magkabilang sofa. Inaantay na simulan ng dalawa ang kanilang laro.
"So you mean Psiden naglalaro na talaga kayo ni Red noong elementary palang tayo?" may pagtatakang tanong ko sa kanya.
Binigyan niya ako ng simpleng ngiti bago sumagot, "Oo naman at alam niyo ba na palagi kong natatalo si Red sa tuwing naglalaro kami nito?" patanong niyang sabi na parang nagdududa sa ganoong bagay.
"Is that true bro?" Glen refer to Red.
Red was also doubtful whether he will continue to answer or not, "Like what he said," Red answered incompletely.
"Saan naman kayo naglalaro ni Red dati Psiden?" tanong ni Gray kay Psiden.
"Sa amin nalang iyon Gray," ani Psiden na parang nagtatago ng sikreto kay Gray.
"Kayo ah, ang dami niyong hindi ipinapaalam sa amin. Baka sa susunod malaman nalang namin na mag-boyfriend na pala kayo," may pagmalokong saad ni Glen sa kanilang dalawa at nagpakawala ng halakhak.
Umasim naman bigla ang mukha ni Psiden nang marinig iyon. Samantalang pinalabas lang ni Red sa kanyang tainga ng marinig niya iyon.
"That's bullshit Glen, shut your mouth or else I'll rip it out for you!" Psiden is being tough, uncontrollably he thrust and blow his fist to Glen's face.
Laking gulat ni Sandra sa nakita niyang ginawang pagsuntok ni Psiden kay Glen. Napahawak naman si Glen sa kanyang labi, napangiwi ito nang medyo malasahan niya ang sarili niyang dugo. Mabilis namang pumagitna si Gray sa kanilang dalawa. Aamba na rin sana ng suntok si Glen kay Psiden pero pinakiusapan ng mga mata ni Gray si Glen na huwag itong ituloy.
"You're such a short tempered Psiden, stop being cranky most of the time," Gray said with authority in the tone of his voice.
"Eh sa hindi ko makontrol ang sarili ko sa kumag na ito," tinuturo ni Psiden si Glen habang si Gray ay umaawat sa kanila.
"Ganyan na naman talaga iyan dati pa eh, napakabilis mapikon kaunting kibo lang umaalboroto na kaagad ang ulo. Ayaw kasi niyan ng binabato ng biro, gusto niya na siya ang parating bida," daing ni Glen at itinuro-turo si Psiden, muling ikinalma ni Glen ang kanyang huwisyo.
Parang namang hinahabol ng mga kabayo sa kakatakbo sina Freia at Angel dahil sa mabilisan nilang pagsulpot sa eksena. Nanlaki ang mga mata ni Freia dahil sa gulat nang makitang may tensyong namumuo sa pagitan nina Glen at Psiden.
"Tama na Glen, maayos din natin ito sa usapan lang," pagpipigil ni Gray sa bibig ni Glen. Nilapitan naman ni Freia si Glen at mabilis itong tinignan kung ayos lang.
"Anong usapan Gray!? Eh nabugbog ako ng gagong 'yan!?" aamba na sana muli si Glen ng ganting suntok ng pinigilan siya ni Freia.
"Just let it Glen.., maybe Psiden didn't mean to do that," Freia stopped Glen to blow off his fist to Psiden.
"Hindi rin niya ba sinasadya ang pagkakasuntok sakin?" reklamo ni Psiden. Napangisi nalang si Psiden sa nagawa niya at napayuko ito.
"Bakit mo naman kasi nagawa iyon Psiden? Hanggang ngayon pa ba naman hindi ka pa rin nagbabago?" magkasunod na tanong ni Angel kay Psiden.
BINABASA MO ANG
Bulls Eye
Misteri / ThrillerReady to face your past? Or you'll be haunted in the present.