Angel's POV
I was shocked when I heard the gruesome voice coming from the second floor of this ancestral house.
Nataranta ako pati ang aking mga kaibigan nang marinig namin ang isang nagngangangawang boses. Dali-dali naming pinuntahan ito. Pagkapasok namin sa living area, dumeretso agad kaming lahat sa pangalawang palapag.
Habang papalapit ako at ang mga kaibigan ko, pahina nang pahina ang sigaw at unti-unti din itong naglalaho. Ang sigaw ay parang nanggagaling sa isang silid at marahil boses ito ng isang lalaki.
"Silence," Gray said.
Ikinumpas ni Gray ang kanyang kamay at sinigurado naming wala nang ingay sa bawat paligid namin. Pagkalipas ng ilang segundo lumikha ng ingay si Red at dumeretso sa isang silid na nakakandado-kulay kayumanggi ito at mayroong double lock na nakakabit, mahigpit ang pagkakakando nito para hindi mapasukan ng ibang tao. May sign board din ito na may nakalagay na Not your place, stay away. Sa harapan ng silid na iyon ay may maliit na mesa at parang may isang kagamitan na sa kanya nanggagaling ang tunog na iyon.
Habang papalapit si Red sa silid na mukhang abandonado biglang lumakas ang boses nito. Agad naman akong napatakip ng aking tainga dahil sa nakakarinding tunog nito.
"That was totally disgusting sound, what was that Red?" Freia complained after she uncovered her hands from her ears.
"It was a recorded tape that I play every near midnight. But this time I'm not aware that this DVD Player was attached to a speaker," he answered to Freia.
Red turned off the DVD Player and detached the recorded tape from it.
"Para saan naman 'yan?" tanong ni Jeo kay Red, hindi halata sa mukha niya pero basi sa tuno ng kanyang boses ay nagpapahayag ito nang pagka-badtrip.
Inilagay ni Red ang recorded tape sa bulsa ng kanyang boxer shorts. Humarap uli siya sa amin na para bang nagmamakaawa ang mga may kasingkitan niyang mga mata dahil sa nagawa niyang ito.
"Sorry about it. Ginawa ko lang naman siya bilang alarm clock para ngayong alas dose," sambit niya na parang nagsisisi sa nagawa niya.
Red took of it as a serious offense to us.
Nagkatinginan naman kaming lahat at natawa sa inasal ni Red. Kahit naman sabihin niyang prank iyon ayos lang namin sa amin, nasanay na rin ako at ang mga kaibigan sa kalokohan ng iilan sa mga kaibigan ko. Hindi naman mawala sa mukha ni Jeo ang kaunting galit sa nangyari.
"You shouldn't even do that, I thought of it as something." Jeo complained without break in his mouth.
Nilapitan ni Trinity si Jeo at agad na pinatigil ito sa pagsasalita bago pa man tumaas ang kanyang boses. Dahil sa ginawa ni Trinity napa-walk out si Jeo sa aming lahat. Sinundan naman siya ni Trinity papunta sa kanyang kuwarto at mukhang kinausap ito.
"Huwag mo nalang pansinin 'yon Red, may dalaw lang siguro." Pabirong sambit ni Rio.
Natawa nalang kami sa sinabi ni Rio para mawala ang awkwardness na naghahari sa isang sandali.
"What was with that urgent alarm Red?" I asked him.
"Oo nga naman bro, akala namin may pinapatay nga talaga sa bahay na ito," sabi ni Seth na parang natatakot basi sa tuno ng pagpapahayag niya.
"Hindi niyo ba talaga alam kung ano'ng mayroon ngayon?" Patanong na sagot niya sa akin.
"Itatanong ba namin kung sakaling alam namin?" tanong ni Rio.
"Red is referring about the full moon," Sandra said and pointed her point finger to an open window.
I move my feet and get near to the open window.
BINABASA MO ANG
Bulls Eye
Mystery / ThrillerReady to face your past? Or you'll be haunted in the present.