Freia's POV
Sa kalagitnaan ng gabi masaya kaming nagdidiwang ng aking mga kaibigan. Pagkatapos ng pageant nina Glen at Psiden, medyo nagkaroon ng dahilan para isantabi nila ang mga namuong galit sa kanila kanina.
Nababalot ng mga makukulay na disco lights at nakakabinging tugtog ng sound system ang meron sa bawat sulok ng lugar na ito. Ang iilan sa kanila ay masayang nagkukuwentuhan, ang iba naman ay nag-iinuman habang ang iba sa mga kaibigan ko ay nagbababad sa swimming pool.
It's always good to have with my friends. There'll be always a night to enjoy life, and to celebrate a victory after small chaos.
My both elbow and forearm are taking its grasp in the side of the swimming pool. My body is soaking under the water.
Iniangat ko ang aking tingin sa lalaking nakaupo sa gilid ng swimming pool, "You'd made it earlier, congrats Glen!" tugon ko sa kanya at tumango-tango ito bilang sagot sa akin.
"Ako naman talaga ang nararapat na manalo no'ng dati palang, kaso hindi lang talaga ako napayagang lumahok. Sadyang malakas lang ang kapit niya sa adviser natin dati," sabi niya at iginalaw-galaw ang kanyang mga paa sa tubig.
Inalapit ko sa bibig niya ang hintuturo ko para patahimikin siya. Mabuti nalang dahil sa may malakas na tugtog na bumabalot dito ay walang nakarinig sa sinabi ni Glen.
"Isantabi mo na 'yan Glen, ayaw ko na lumaki pa ang alitan niyo na 'yan ni Psiden," binigyan ko siya ng seryosong tingin.
"Mas kakampihan mo pa iyon kaysa sa akin?" turo niya sa kintatayuan ni Psiden sa may tabi ng mesa kung saan nakalagay ang mga inumin at lumalagok din ng mga alcoholic drinks.
Ibinaba ko ang aking tingin sa malamig na tubig na bumabalot sa aking katawan, "Hindi naman sa ganoon Glen, bilang lahat tayo dito ay magkakaibigan gusto ko lang na mawala na iyang galit mo sa kanya, papayag ka ba na masira ang pagkakaibigan niyo dahil lang diyan?" tanong ko.
"Napakababaw naman na dahilan 'yon para mawasak ang pagkakaibigan namin ni Psiden, pero kung bibigyan niya ako ng mabigat na rason para kasuklaman siya.., baka ako na mismo ang kumitil sa buhay niya," mariing tugon ni Glen.
Napalunok naman ako ng aking laway sa sinabi niyang iyon. I've known Glen for many years, and he's a man of his words. Kahit ganito lang siya magagawa niyang gawin ang mga salitang binibitawan niya.
Bigla namang sumulpot ang isang lalaki sa usapan namin, hindi namin siya maanigan dahil natatabunan ng disco lights ang likuran niya na siyang nagbibigay ng ilaw dito, "Iyon ay kung papayagan kitang patayin mo ako.., o baka nga mauna pa kitang magawang mapatay," malokong wika at nakatawang saad ni Psiden kay Glen.
Kaagad namang tinabihan ni Psiden si Glen sa kanyang kinauupuan sa gilid ng pool, inabutan niya si Glen ng isang basong gin, "Cheers to the winner for this night!" Masiglang sigaw ni Psiden at kaming lahat ay nagpalitan ng baso bilang pag-celebrate sa pagkakabati ng dalawa.
Tiningnan ako ni Psiden nang ilang segundo at kaagad namang ibinaling ang tingin niya kay Glen, "So congrats Glen, hindi ko inaasahan kanina na ikaw ang pipiliing manalo ng mga kaibigan natin," maluwag sa loob na sabi ni Psiden.
"Kahit naman ako ang nanalo kanina, panalo ka rin naman talaga," mahinang tugon ni Glen.
"Panalo saan Glen?" naguguluhang tanong ni Psiden sa kanya.
"Noong grade 6 tayo.., sa Search for Prince Environmentalist," diretsong saad ni Glen sa kanya. Ibinaling niya ang tingin niya sa tubig para hindi makita ni Psiden ang kanyang reaksyon.
"Kalimutan mo na iyon bro, saka huwag kang mamroblema pareho naman tayong biniyayaan ng kapogian kaya hindi na nakakapagtakang pareho tayong panalo," ani Psiden pagkatapos inakbayan si Glen sa kanyang kanang braso.
BINABASA MO ANG
Bulls Eye
Mystery / ThrillerReady to face your past? Or you'll be haunted in the present.