CHAPTER 3: LOSE

124 15 0
                                    

Psiden's POV


NAILAGAY ko na sa kulay black na sports bag ang aking mga damit at gamit na dadalhin ko sa bakasyon.

Kahit pa man na sinabi ni Red na dapat hindi ako sumama sa kanila, susubukan ko pa ring pumunta sa lugar nila dahil bahagi ako ng grupo.

Sinadya ko talaga na hindi sumabay sa kanila, dahil gusto kong pumunta nang mag-isa. Siguro, hindi pa rin mawala sa aking isipan ang huling sinabi ni Angel sa akin noong huli kaming kumakain sa isang restaurant.

"Hindi puwedeng sabihin Psiden, dahil nakalagay rin dito na if ever daw huwag nang ipaalam sa'yo dahil hindi ka rin naman puwedeng sumama sa invitation niya." Kilala ko si Angel at hindi siya iyong tipong gumagawa ng storya para lamang mang-good time.

Well, sabihin nalang natin na totoo nga 'yon pero hindi pa rin niya ako mapipigilan na pumunta dahil kung nasaan ang isa, doon ang lahat. Iyan ang motto ng squad.

Kanina ko pa sinusubukang kontakin sila pero cannot be reach talaga, nangangahulugan na walang signal sa lokasyon nila.

Hinakot ko na ang aking mga bagahe at ikinarga ito sa aking kotse. Pagkatapos ay bumalik muna sa loob ng bahay at tiningnan muli kung may mga naiwan pa bang nakabukas sa loob. Mag-isa lang ako sa bahay, dahil nag-out of the town sina daddy at mommy.

Dahil ayaw kong mapag-iwanan mag-isa sa bahay, pupuntahan ko kung nasaan ang mga kaibigan ko. Doon ay magpapakasaya ako kahit pa man ipinangdidiinan ng iba na dapat na hindi na ako tumuloy dun.

I played a song and beat myself to rhythm of the music.

"Here I go!" I shouted and tap the steering wheel as a sign of excitement.




Trinity's POV


NAPAKAGANDA ng ancestral house nina Red. Malawak, vintage ang estilo, at halatang pinapamahalaan ng mabuti dahil sa maaliwas nitong itsura. Maliban sa sentimental value ng bahay na ito, mula dito sa loob-hanggang sa labas ay napakaraming nakakamanghang disenyo, inspired by truly simple but elegant designs. Kung titingnan ang mga kagamitan sa loob ng bahay na ito, masasabing medyo may pagkaluma na halos lahat ng mga gamit dito. Pero hindi lang basta luma, dahil mukha itong mga mamahalin na antique.

Isa-isa na naming dinadala ang aming mga bagahi papunta sa napiling kwarto para sa amin.

We are on the second floor of their ancestral house. It also possessed wide space and every room has privacy for each one and every body.

Nakasarado nang maigi ang bawat pinto at bintana ng bawat kuwarto. Parang may hadlang ang bawat silid dito na hindi puwedeng pasukan nang kung sino-sino lang. Maliban sa mga kulay ng pinto dito-na karamihan ay kulay kayumanggi parang ang atmospera sa loob ng palapag na ito ay puro relaxement at amiability lamang. Maaari ding maikumpara sa katangian ng isang lumang treasure box ang palapag na ito, na sa tagal ng panahon na hindi ito nabubuksan ay nababalot ito ng maraming misteryo.

"In left side, it will be the boys room and in the right side will be the girls. Just choose guys, where you find comfortable," sabi ni Red. Sabay turo sa bawat kwarto ng 2nd floor.

"Who are them Red?" tanong ni Sandra.

Tumabi siya sa kinatatayuan ni Red at ang tinutukoy niya ay ang malaking portrait na nasa harapan namin. Isa itong medyo may kalumaan na painting. Masayang nakaupo ang isang matandang babae na nakasuot ng kulay pulang mahabang kasuotan. Matikas ang tindig ng kanyang katawan habang nakahawak ang kanyang kanang kamay sa isang makintab na pamaypay. Sa likuran ng matandang babae ay ang isang matandang lalaki din, mas makisig ang tindig nito na animo'y isang veteranong sundalo. Kulay pula din ang suot nitong makintab na damit at ang pang-ibaba naman ay parang may disenyo nang pang-militar na pantalon. Ang suot niyang kulay beige at black na cap ay nagpapatunay na isa siyang sundalo sa kanyang panahon, meron itong simbolo ng tatlong bituin at tatlong kulay na sumisimbolo sa watawat ng bansa-ang kulay ng puti, asul, at pula.

Bulls Eye  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon