CHAPTER 11: DISTURBING SCREAM

83 6 0
                                    

Glen's POV


NAKATINGALA ang aking mga mata sa ceiling ng tinulugan kong kwarto. Wala akong katabing matulog, mas pinili ko ang mapag-isa sa isang kuwarto.

I shrugged, and shook my head. I can still smell the scent of the liquor in my senses. I closed my eyes for some moment and opened it. At the side table of the bed, my eyes catches a pack of cigarette.

Nagdadalawang-isip pa ako kung sisindihan ko ba ito o hindi. Pero nanaig pa rin na iwasan ko na ang pagsisigarilyo sa mga pagkakataon na ito. Tatlong buwan na rin noong huli akong gumamit ng sigarilyo, at sa hindi inaasahang pagkakataon nahuli ako ni Daddy.

My father is a courageous Policeman of the country. Kaya ganoon nalang ang reaksiyon niya no'ng nahuli niya akong nagsisindi nang sigarilyo sa mismong kuwarto ko. Grounded lang naman noon for almost a month, saka kung uulitin ko pa raw 'yon baka kung ano pa ang magawa niya sa akin.

Pero mapagtukso talaga ang ganitong kinagawain, kapag nasimulan mo na. Mahihirapan ka nang umiwas. Kaya ang ginagawa ko nalang, palagi akong may dala-dalang pack ng cigarette pero hindi ko sinisindhan. Just a pretend that I'm still a smoker.

I was startled when someone shouted in a high range of pitch. Muntik na akong mapabalikwas sa higaan dahil sa kakasigaw nang kung sino mang nilalang na 'yon.

"AAAAHHHH! TULONGGG!" Patuloy pa rin ang kanyang pagsigaw, alam kong di-kalayuan ang naririnig kong sigaw pero napakalakas nito na hanggang sa lokasyon ay dinig na dinig ko ito.

Tumayo ako at binuksan ang pinto ng kuwarto. Nadatnan ko na lumabas din ang iilan sa kani-kanilang mga kuwarto. Pero hindi nahagip nang aking mga mata sina Psiden, Red at Sandra. Marahil hindi sila nagambala nang ingay, o 'di kaya ay mahimbing pa rin silang natutulog. O baka naman ay wala sila sa kani-kanilang mga kuwarto.

"Damn, ang sarap ng tulog ko! Istorbo talaga!" Reklamo ni Angel at kinusot-kusot ang kanyang mata.

"It's fucking crazy, akala ko tayo-tayo lang ang nandito bat may ingay sa labas!?" Daing ni Freia na parang bulkan na sasabog.

"Nakakabahala naman ang sigaw na 'yon. Kagabi pa 'yan eh." Tugon ni Trinity na mukhang hinahanap kong saan ang pinanggalingan ng sigaw.

"May iniihaw bang baboy guys?" Malokong dagdag ni George.

Unti-unti nang tumila sa kakasigaw ang tao na 'yon. Nakalma ang aming mga sarili nang tumigil na siya sa kakasigaw, kaya saglit na katahimikan ang bumalot sa aming lahat.

"I think that shout is quite alarming. Para kasing humihingi nang tulong o 'di kaya ay hayop na kinakatay. Kung ano man 'yon, dapat maging kalma na tayo since tumigil na naman siya." Grays' word calm our nerves.

Babalik na sana kaming lahat sa aming mga kuwarto dahil medyo maaga pa naman nang biglang may kakaibang iniakto si Freia. Nabahala kaming lahat sa ikinikilos niya, hinahawak-hawakan niya ang kanyang chest side at unti-unting idinuwal ang kanyang kinain at ininom kagabi.

Crap. My girl is totally vomiting all the food and drink she intake last night.

Dahil sa pag-aalala agad ko siyang nilapitan sa kaniyang likod at hinimas-himas ito. Mabilis naman na itinutok ni Rio ang planggana sa harapan ni Freia.

"Glen, ako na ang bahala kay Freia. I can handle this." Trinity gestured me to make some space including them.

Bakit siya sumusuka nang ganito karami? Shit! Hindi ko pala siya napaligilan na magkontrol sa pag-inom. Pangalawang beses na 'tong nangyari sa kanya.

Inalalayan ni Trinity si Freia na umupo sa couch. Nakatayo siyang hinimas-himas ang likod ni Freia. Pagbalik uli ni Rio, may dala siyang isang tubig ng baso at iniabot kay Trinity.

Bulls Eye  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon