LUCILLE POV'S
SEPTEMBER 23, 20**
MONDAY.HAPON. Nag hahanda na ako ngayon para sa engrandeng birthday party na pupuntahan ko kasama si Zeid.
Panigurado maya maya tatawag na iyon. Tapos na akong ayusan ng nag aayos sa akin na binayaran mismo at pinapunta ni Zeid sa bahay.
"Oh ayan napaka ganda mo na..!".sabi nung nag aayps sa akin na babae.
Ayos naman yung kinuha ni Zeid na taga ayos. parang di nga ako to e. Di ko nga kilala tong babaeng nasa repleksyon ko sa salamin.
Ang ayos ng buhok kung itim na itim ay straight sa itaas habangg naka Curl naman ang baba.
Lumabas na ang taga ayos dahil may pupuntahan pa daw siya.
Okay naman na ako yung sundo ko na lang yung inaantay ko.Tinignan ko yung oras sa Wall clock ko. Grabe parang kanina lang 2:00 Pm pero ngayon mag-se 7:00pm na. Madilim na din pala sa labas.
Peep!..peep!...peep!...
Dinig kung busina ng sasakyan sa ibaba. Kasunod nun ay ang pag katok ni Nanay.
"Lucy nandiyan na yung Sundo mo. Inaantay kana ni Zeid. Tapos ka na ba?".
Binuksan ko yung pinto."opo nay. Pwedeng paalalay na lang po".
Inalalayan ako ni Nanay hanggang sa makababa ako nang hagdan. Nasa sala na si Zeid, naka upo sa sofa kausap si Tatay.
Naka Red Tuxedo ito . At talaga namng napaka gwapo niyang tignan doon. ayos pa lang nang buhok niya kapansin pansin na.
Nang makita ako ni Zeid para siyang naistatuwa sa kawalan.
Pero kaagad ding ngumiti at lumapit sa akin para alalayan ako."Wow. You're so Beautiful tonight". Papuring bulong nito nang maka lapit.
"Salamat Ikaw din napaka gwapo mo rin".lumawak ang ngiti nito nang dahil sa papuri ko lakas talaga nang hangun nang isang 'to.
"Tito, Punta na po kami".sabi ni Zeid habang nakatingin kay Tatay..
Tito talaga.
"Sige mag iingat kayo, basta yung sinabi ko wag mong kakalimutan.ha?".pag babantang sabi ni Tatay.
"Opo Tata--- este Tito, aalis na po kami. Wag po kayong mag alala Umuuwi ko si Lucy nang maayos".si Zeid. Habang ako naman ay humalik sa pisngi ni Tatay at Nanay at nag paalam na aalis na.
Inaalalayan ako ni Zeid papasok ng Ferrari Enzo Car niya hanggang sa makaupo.
Habang nasa daan biglang nag salita si Zeid.
"Hindi mo ba nagustuhan yung damit na ipinadala ko?". Tanong nito na siyang ipinag taka ko.
"Ha?. Nagustuhan ko ang ganda nga eh!".pag sasabi ko nang totoo. Maganda naman talaga ah. Ang elegante kaya.
"Bakit hindi iyon yung isinuot mo?. nagustuhan mo naman pala?masikip ba sayo dapat sinabi mo kaagad para napalitan ng maaga. Yung sandal na ipinadala ko masyado bang mababa kaya nag killer hills ka?". Takang
tanong niya.Pinag sasabi nitong si Zeid. Hindi niya ba nakikita suot ko ngayon ito yung ipinadala niyang damit sa bahay.
"Pinag sasabi mong lalaki ka. Hindi mo ba Nakita 'tong suot ko ngayon sayo galing 'to. Grabe ang taas taas ng hills na to Buti nga sinuot ko pa kasi nman nasasayangan ako. baka kasi binili mo pa ito nang mahal tapos di ko pa susuotin. Sayang no! kaya sinuot ko na lang. Tapos ikaw tong sabi ng sabi na bakit himdi ko sinuot yung damit na ipinadala mo". Mahabang sabi ko.
"Ha?".si Zeid na may pag tataka.
"Uulitin ko pa? Gusto mo?".-Ako.
"Paanong ako ang nag padala nang damit na iyan e .kulay pulang cocktail Dress ang Ipinadala ko sa bahay niyo tapos sandal na kulay pula din".-Zeid.
"Niloloko mo ba ako DRAGON ZEID?, ikaw ang nag padala nito sa bahay kitang kita ko pa nga yung Pangalan mo sa Box na naipadala na ikaw ang nag padala nito sa bahay. Kaya wag mo akong pinag loloko Dragon ka".-giit ko.
"Hindi sa akin galing yang damit na iyan pati yang suot mong killer hills".-Zeid.
"Zeid, natatakot ako.".sabi ko sakanya habang nakatingin sa daan .
"Anong ibig mong sabihin".-Zeid.
"Totok tokan na kita Dragon ZEID. Kasasabi mo lang na hindi galing sayo tong mga to. Baka may sTaLkEr ako?. Pero sino naman. Grabe natatakot ako sa sTaLkEr ko.".ako habang nakatingin sa kawalan. Naalala ko tuloy yung sulat na naibigay sa akin na Invitation daw kuno.
"Zeid. Baka ini-echos mo lang ako. Mag sabi ka nga nang totoo sa'yo galing yun no?"
"Hindi. Kulay pula ang damit na ipinadala ko sa bahay niyo. Kaya nga kulay pula tong suot kung Tuxedo para pares tayo"-Zeid.
Eh kung di kay Zeid galing ito. E kanino ito nang galimg. Kakilabot naman nung nag padala nito.
Maya maya pa ay dumating na kami sa isang napaka oh! So! Wow! Ganda ng Hotel na ito.
KNIGHT STAR HOTEL.
Naka lagay sa gitna nang napaka eleganteng hotel.grabe ang ganda sobrang elegante paano pa kaya kapag nasa loob na ako edi laglag na mata ko.
"Pasok na tayo. Malamig na dito sa loob ganyan pa man din suot mo".-si Zeid habang inaalalayan akong mag lakad.
Kanina pa ito. Na bad trip kaya sa akin ito? O baka namn galit dahil hindi ko sinuot yung damit na naipadala niya sa bahay.
Nang maka rating kami sa Entrance Knight Star Hotel hindi ko mapigilang hindi mamangha ng sobra.
Kalaglag panga talaga ang ganda. Nasa entrance palang iyan wala pa sa lobby.
Nag tuloy tuloy lang kami sa pag lalakad hanggang sa maka pasok sa Elevator. Dalawa lang kami ni Zeid ang nandito sa loob pero ni isabg salita wala akong naririnig sakanya.
"Zeid".tawag ko.dahil talagang hindi niya ako pinapansin kanina pa. akala mo may malalim na iniisip.
"Zeid!".muling tawag ko nanaman nang hindi niya ako pansinin.
"Kung hindi mo rin lang ako papansinin mas mabuti pang umuwi na lang ako.kaysa maging muntanga dito".
Pipindutin ko na sana ang ground floor ng hotel na ito nang pigilan niya ang kamay ko.
"Kanina ka pa tinatawag, para na nga akong tanga bibingi bingi ka pa".-ako.
"Sorry, iniisip ko lang kasi kung sino yung nag palit nang ipinadala kung damit sa bahay niyo. Gusto ko sanang pa imbestigahan".
"Talaga bang hindi ikaw iyon?,baka nag kamali lang siguro yung nag deliver". -ako.
"Sorry, Lucy pero talagang hindi ako ang nag padala non at sinigurado ko ring tama iyong naipadalang damit sa bahay niyo".-Zeid.
E sino? Hindi Naman si Zeid. Iniisip ko kung may kinalaman ba ito doon sa may sulat/invitation na natanggap ko nong nakaraang araw.
BINABASA MO ANG
I Sold My Child to His Devil Father
Teen FictionIbinenta ko ang aking anak sa kanyang tatay kapalit ng Tatlong Milyong Piso kapalit ng Sanggol ko.-Satana Lucille Buenavista