CHAPTER 18

4.7K 180 85
                                    

ZEID POV'S

LINGGO. Nag da-drive ako ngayon Papuntang bahay nila Lucy. Linggo ngayon walang masyadong trabaho sa Kompanya. Dumaan ako kanina sa isang Flower shop para bumili ng bulaklak na ibibigay ko sakanya.

Gusto ko sanang yayain si Lucy na lumabas dahil nung mga nakaraan bihira na lang ako kung mag paramdam sakanya sa text o sandaling tawag lang minsan nga di pa nasasagot.

Baka nga namimiss na ko nun e. Ako nga namimiss na siya. At saka masyado akong naging busy nitong mga nakaraan dahil tawag nang tawag si Boss.

May gusto daw ipagawa sa akin. Dahil ako ang Assistant---slash-----kanang kamay ni Mr. Z na pinag kakatiwalaan niya pa. sa akin niya madalas iniuutos ang mga napakahalagang bagay. Lalo na kapag may mga nagaganap na transaction ako ang isinasama niya.

Dire-diretso ko lang na ipinasok sa Village ang sasakyan ko dahil Kilala naman na ako nang mga Guard dito kaya walang problema.

Pag dating sa tapat ng bahay nila Lucy kaagad kung inihinto ang sasakyan ko saka kinuha yung flowers na binili ko kanina saka Bumaba nang sasakyan.

Ding! Dong!

Ding! Dong!

"Sandali!".dinig kung sigaw ni Tita Lie(Lay) mama ni Lucy.

"Oh! Ikaw pala iyan Iho. Zeid tama ba?. Tuloy ka!".sabi nito saka binuksan yung gate. "Para ba kay Lucille yang mga bulaklak?". Tanong ni tita.

"Yes po Tita. Ah! Si Lucy po nandyan po ba?". iniabot ko kay tita yung bulaklak na bitbit ko. Saka nagtanong.

"Si Lucille ba kamo?. Ay! kaaalis lang mukhang nag ka salisihan kayo".si Tita Lie habang naka pameywang.

"Saan po daw siya pupunta?". Tanong ko.

"Wala naman siyang nabanggit pero nitong mga nakaraang araw sa tuwing sasapit ang araw nang linggo lagi siyang nag papaalam sa amin na gagabihin daw siya. Dahil may importante daw siyang gagawin...parang kani kani lang ganon din ang paalam niya".Sabi ni Tita Lie na napapa isip pa habang sinasabi ito.

"Wala po ba talagang sinabi kung saang lugar daw siya pumunta?".paninigurado ko.

"Wala eh!. Pasensya ka na iho". Sabi ni tita Lie. Mukhang walang alam talaga si Tita Lie kung nasaan si Lucy. Nag paalam ako kay tita na aalis na.

Habang nag da-drive ako sinusubukan kung Kontakin si Lucille. noong una Nag ri-ring pa pero nang medyo tumatagal naging Out of Coverage area na.

Hayst!. Parang bigla akong nag-alala na na-bad trip na ewan tsk...

Kringggggg!!! Kringggggg!!!

Mr. Z Calling..................

Sinagot ko yung tawag.

[Nasaan ka?].-Mr. Z

"Nag da-drive ako 'Boss'".sagot ko dito.

[Pumunta ka sa Head Quarter/ Hide Out. Aantayin kita]. Sabi nito.

"K Boss".

Tot! Toooot--------

Matapos nang tawag iniliko ko na lang yung sasakyan papuntang head Quarter o kaya Ay hide out.

I Sold My Child to His Devil Father Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon