Chapter 1

5K 141 15
                                    

"Jenince pov"

Nandito ako sa bahay nila ninang kate  dahil sumabay ako kay mommy para gumawa ng project kasama sila liana atsaka steve

Umupo na lang ako dito sa sa sofa at nanuod na lang ng tv

Mag papakilala muna pala ako. I'm Jenince Ferrer Villanueva at first year high school na ko.. Kaklase ko si steve at liana sa ferrer university dahil dito daw nag aral sila mommy at tita, at school daw namin to kaya no choice talaga.

Hindi ko na sinubukang puntahan pa sila steve sa kwarto nya dahil alam kong gumagawa sila ng project naming tatlo.

Tatlo kaming mag ka member pero hindi man lang nya ako pinapapasok sa kwarto nya. Naiirita daw sya sa boses ko kasi masyadong matiling sa sobrang ingay.

Aminado namang maingay ako pero hindi ako nag iingay once na may ginagawa ako.

Nakita ata ako nila mommy na mag isang nanunuod kaya tinawag nila ako

"Jenince halika dito" tawag sakin ni ninang kate

"Bakit po?" Nakangiting sabi ko. Pumunta naman ako sa harap nila

"Bakit mag isa ka lang? Akala ko sumabay ka sa mommy mo dahil may gagawin kayo dito? Pero bakit silang dalawa lang gumagawa?" Tanong nya sakin.

"Ayaw po ata akong kasamang gumawa ni steve dahil maingay daw po ako" pilit na tawa kong sabi

"Gusto mong pagalitan ko yang si steve" sabay turo nya sa taas kung saan ang kwarto ni steve

"Ay naku wag na po. Mas lalo lang pong magagalit sakin yun" pilit na tawa kong bigay sakanya

"Pagpasensyahan mo na ako ha. Alam kong may gusto ka sa anak ko at kasalan ko yun dahil pinupush kita sakanya noong bata kapa" malungkot nyang sabi.

"Okay lang po. Mabait naman po si Steve hindi nga lang po sakin. Atsaka kahit hindi nyo naman po ako ipush kay steve baka magustuhan ko din po sya, bukod sa matalino po maparaan pa sa mga bagay" nakangiti kong sabi

Hinawakan ni mommy ang kamay ko. "Thankful talaga akong naging anak kita. Bukod sa mabait na maganda pa, atsaka kahit naman madaldal ka minsa--.." Pinutol ko ang sasabihin nya. "Mommy naman" sabay simangot ko. "Minsan lang naman, kahit naman madaldal ka may sense naman yung mga sinasabi mo. Pero anak iba kasi ang utak ni prince, kung sa amin ng tita kate mo may sense ang sinasabi mo tungkol sakanya pero dahil iba ang isip nya, naiirita sya dahil sya kasi yung pinag uusapan" mahabang paliwanag ni mommy

"Okay lang naman pong naiirita sya sakin kasi po sanay na ko pero sana po kapag may groupings po kami, sana po isinasantabi nya muna po, kasi po feeling ko po wala po akong kwenta kasi wala akong natutulong sa gawain namin" malungkot na sabi ko

"Pumasok ka sa loob ng kwarto ni steve at kapag nag reklamo sabihin mo pinapaakyat kita dahil gusto mong tumulong" sabi ni tita kate

Wala naman akong nagawa pag seryosong nag sabi si tita, kaya umakyat na din ako patungo sa kwarto steve

Kumatok muna ako, hindi naman naka sarado ang pinto kaya binuksan ko na ito.

Pagpasok ko ay naabutan ko silang nag papahidan ng paint sa mukha

Natatandaan ko pa noon, dati kami yung nag papahidan ng paint kaso iba na talaga ngayon

Natigilan sila ng mapansin nilang naka pasok na ako dito sa kwarto

"Bakit hindi ka kumakatok" masungit sa sabi ni steve

"Kumatok kaya ako. Kasalanan ko bang naghaharutan kayo kaya hindi nyo narinig yung katok ko" mataray na sabi ko.

Lumalabas lang naman yung kulit o mataray na ugali ko pag nakikita ko silang nag haharutan. Alam ni liana na may gusto ako kay steve dahil childhood bestfriend ko sya. Sabi nya noon iiwasan nya na si steve pero hindi ko naman nararamdaman na umiiwas sya, bagkus mas lumalapit pa sya kay steve

"Ano bang ginagawa mo dito" iritang tanong nya sakin

"Pwede ba hindi porket may gusto ako sayo mag iinarte kana dyan. Gusto kong tumulong dahil ka grupo nyo rin kaya ako" masungit kong sabi

"Sorry jenince hindi na kita natawag kasi sabi ni steve baka manggulo ka lang daw dito" pagpapaliwanag ni liana

Mabait si liana kaya hindi ko kayang magalit sakanya. Minsan nag seselos ako pero hindi ko magagawang magalit sakanya, dahil alam kong si steve din ang dikit ng dikit sakanya

"Ano kaba ayos lang yun, itong si steve lang naman ang maarte e" nakangiting sabi ko sakanya upang hindi nya sabihing baka galit ako

"Wala ka ng itutulong dahil patapos na kami" walang ganang sabi ni steve

"Ah kaya pala nag haharutan na kayo, dapat ako yung hinaharot mo kasi ako yung may gusto sayo" malakas na loob kong sabi. Kilala ako ni liana kaya hindi sya na ooffend sa mga sinasabi ko

"Edi harutin mo sarili mo tsk. Halika na nga liana mag hilamos ka na lang dyan sa cr ko at kukuhanan kita ng towel" sabi nya at agad na tumayo

"Pag pasensyahan mo na si steve ha" sabi ni liana

"Ano kaba sanay na ako dyan, halos simula kabataan bully nayan sakin e" sabay tawa ko

"Sorry kung hindi ko naiiwasan si steve. Kasi sya yung dikit ng dikit sakin ayoko namang maging snobber" malungkot na sabi nya

Hinawakan ko ang kamay nya. "Ano kaba, wag mo ngang sisihin ang sarili mo kung bakit iniiwasan ako nyang si steve, okay lang naman sakin na ikaw ang gusto nya kasi alam kong mag babago payun pag pinush ko pa ang sarili ko sakanya. Atsaka alam ko namang hindi mo sya magugustuhan atsaka papatulan kasi alam mo kung gaano ko sya ka gusto" nakangiting sabi ko sakanya

Ngumiti lang sya at parang natigilan sa sinabi ko

"Bakit parang natigilan ka?" Tanong ko

"Ah wala. Sige hilamos muna ako" sabi nya sabay tayo

Nagtaka ako sa naging expression nya.  Bayaan mo na nga, isipin mo na lang na tahimik lang sya

Tinignan ko ang ginawa nila. Maganda nga, buti hindi rin ako sumali sakanilang gumawa baka kasi mababoy, aminado akong hindi ako magaling sa painting o kahit anong activities

Kahit sa marathon ay hindi ko magawang makasali dahil mahina ang puso ko. Noong nilagnat ako ng sobrang taas ay dinala nila ako sa ospital at doon din nalaman na mahina ang puso ko. Kaya nga hindi ko masyadong dinadamdam yung pang rereject sakin ni steve, dinadaan ko na lang sa biro atsaka pagkulit sakanya

Alam kong wala syang gusto sakin, pero syempre sabi nila don't give up kaya kahit ilang beses akong ireject ni steve ay okay lang

Alam kong ang panget pakinggan na yung babae pa yung naghahabol. Porket ba lalake ay sila lang ang pwedeng mag habol, syempre pantay pantay lang kapag nag mamahal, pwede syang makasakit at pwede din syang masaktan, kaya ang goal ko lang ay magustuhan nya rin ako

Martir na kung martir pero walang wala yan kapag pagmamahal na ang pinag uusapan. Sabi nga ni ruffa mae 'go go gooo' hahaha

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon