"Jenince's pov"
Kasalukuyang naglalakad ako patungong room ng biglang may umakbay sakin
"Aray" tumingin ako sa bwisit na taong umakbay sakin
"Ikaw lang pala. Sakit ha" sabay kurot ko sa dibdib nya
"Bakit kasi nakayuko ka, akala ko tuloy ikaw yung future ko kaya sinungaban ko na" huminto ako dahilan kaya huminto din sya
"Bakit ka huminto, kinilig ka noh" tinignan ko sya, sana sya na lang talaga yung nagustuhan ko. Yumuko na ulit ako at nag lakad
"Sabihin mo na" biglang sabi nya
"Alin?" Walang ganang tanong ko
"Kung bakit mas pinili mong mag linis kesa makasama si steve ng isang linggo" dahil sa sinabi ni james naisip ko na naman yung nangyari kahapon
Maaga pa naman kaya dederetcho muna ako sa court
Nakasunod parin sakin si james, pinabayaan ko na lang sya para kahit papaano hindi ako lonely
Papasok na sana ako sa loob ng court ng makita ko si steve na nag babasketball mag-isa
Napahinto sya ng maramdaman nya ang presensya ko
Tumalikod ako at sinumulang mag lakad palayo
"Teka lang" naramdaman kong sumusunod parin sakin si james kaya nung medyo malayo na ang na lakad ko mula court ay hinarap ko sya
"Anong kailangan mo" walang ganang tingin ko sakanya
"Ikaw" seryosong sabi nya, "joke" sabay tawa nya "kinabahan ka noh" nakatingin lang ako sakanya, alam kong seryoso sya nung sumagot sya sakin kanina, gusto kong mag sorry sakanya, hindi ko alam pero gusto ko lang mag sorry
Napayuko ulit ako. Tumalikod ako sakanya, "pwede bang samahan mo ko" pagpipigil na salitang sabi ko. Anytime kasi pwedeng pwede ng tumulo yung luha ko
"Sure saan?" Rinig kong sagot nya. Huminga ako ng malalim para hindi mag ngarag ang boses ko. "Sumundo ka na lng sakin". Sinimulan ko ng mag lakad at nararamdaman ko namang nasa likod ko lang sya
Balak ko na sa garden kami mag-usap. Gusto ko lang ilabas sakanya lahat ng hinanakit ko sa dibdib. Wala na akong masabihan dahil yung dalawang bestfriend ko may relasyon na palang nabubuo
Sa totoo lang hindi ako masaya, hindi ko tanggap na bakit sinagot ni liana si steve, nangako sya e, nangako syang hindi nya sasagutin si steve eh, nangako sya. Bago paman na mapahagulgol ako mindalian kong mag lakad kasi anytime pwede akong bumagsak sa kinakatayuan ko sa sobrang pagod.
Pagod na pagod na ako simula kagabi, hindi alam ni mommy na iyak ako ng iyak sa kwarto ko since umuwi ako sa bahay, tahimik lang ako umiyak pero sh*t sobrang sakit kapag kinikimkim mo lang lalo
Umupo na ako sa upuan at ganun din ang ginawa nya
"Anong sasabihin mo?" Tanging nakatingin lang sya sakin at ako ay nakatingin lang sa harap ko. tanging sa gilid ng mata ko lang sya nakikita
Hindi ko alam kung magiging open ba ako sakanya. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na kapag hindi nag tanong wala kading makukuhang sagot sakin.
Ng naramdaman kong nagsisimula ng magsi bagsakan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan, agad nyang hinagod ang likuran ko
"Shhhh, sige iiyak mo lang yan, nandito lang ako palagi para makinig sa mga kwento mo" patuloy nya paring hinahagod ang likod ko at nag salita na ako
"Gusto nya akong lumayo" deretcho ko itong nasabi ng walang halong ngarag sa aking boses
Napahinto sya sa pag hagod sakin, tiyak na nagulat din sya sa sinabi ko. nagulat din ako ng marinig ko ang mga salitang iyon na nanggaling pa mismo kay steve
"Pagod na pagod na kong umiyak" patuloy akong umiyak ng umiyak, ito na ata ang pinaka malalang iyak ko sa buong buhay ko. Noong time na nag ka allergy ako hindi naman ako masyadong umiyak dahil akala ko ay pag katapos ng pag hihirap ko may goodnews na dadating, kaso binawi nya lahat ng sinabi nya.
"E bwisit pala ang lalaking yun e, bestfriend mo sya pina lalayo ka nya, wala pala syang kwenta e" galit na sabi nya. "Sila na" nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag tinggin nya sa direksyon ko
Ngumiti ako ng mapakla. "Wag kang mag-alala ayos lang naman ako, kaya ko namang mag move on. kaso matatagalan nga lang" pinunasan ko na ang mga luhang umaagos sa pisnge ko
Hinarap nya ang mukha ko sa mukha nya. "Nandito lang ako jenince. Maghihintay ako" pag kasabi nya nun ay agad ko syang niyakap. "Maraming salamat talaga dahil naging close kita, sana may share it na lng sa pag-ibig, para mas mapadali ang pag lipat ng feelings ko sayo at mapadali ang pag uninstall sa feelings ko
Nagulat kami ng biglang mag bell na. "Sige na mauna kana, mag-aayos lang ako sa cr" tumango naman sya at sinimulang mag lakad paalis
Nasa tapat na ako ng salamin at hindi ko maiwasang kausapin ang sarili ko. Ang tanga tanga mo kasi sana una pa lang huminto kana. Gusto kong kausapin si liana, gusto kong sabihin na ang sinungaling nyang tao. Sabi nya ayaw nya kong nakikitang nasasaktan pero ngayon sya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan
Naghilamos ako at nag powder dahil hindi pa naman required ang make up sa highschool
Nang natapos na ang pag ayos ko sa mukha ko ay nag stand up straight ako. "Sana talaga si James na lang", agad ko ding nilisan ang cr at mag isang nag lakad patungong room
Payukong nag lalakad ako patungong room ng may biglang humarang sa harapan ko. Tiyak kong lalaki ito at base sa amoy ay alam ko na kung sino ito
Agad akong gumilid akmang aalis na ako sa pagkakaharang nya ay bigla nya ring ginaya ang dereksyon ko. Umusog ulit ako pa gilid ngunit sadyang makulit sya patuloy nya parin akong hinaharangan
Inangat ko na ang mukha ko upang samaan sya ng tingin. Mag ka salubong na kilay ang bumungad sakanya ng tignan ko sya. "Tabi dadaan ako" malamig na sabi ko. Ngunit parang tila wala syang naririnig kaya inulit ko ulit ako sinabi ko. "Sabi ko tumabi ka dadaan ako" akmang lilihis na ako ng direksyon ng bigla syang humarang at nag bungguan ang aming dibdib
Tila parang dahan dahan kaming bumabagsak at ang mga mata ko ay nakatuon sa mga reaksyon na ikinikilos nya. Sinanggi nya ang braso nya upang hindi man lang ako masugatan
Rinig ko naman ang daing nya ng tuluyan na kaming bumagsak. Tila naging slow motion ang pag bagsak namin. Masyadong awkward ang posisyon namin kaya agad akong umalis
"Napakakulit kasi tsk" isinantabi ko muna ang pag-aalala sakanya at namuo ulit ang galit at sakit na nararamdaman ko ng dahil sakanya.
Ng makakuha na ako ng tyempo na makaalis sa lugar, agad akong nag pagpag ng palda at lilisanin sya ng hindi man lang tinulungang makatayo. Nakakaikang hakbang pa lang ako ng bigla syang mag salita
"3pm sa rooftop hihintayin kita, mag- usap tayo please" nag dadalawang isip akong nilingon sya at nakitang inaalalayan nya ang kanyang sarili upang makatayo sa pagkaka bagsak. Nakaramdam ako ng konsensya kaya bago paman may magawa akong hindi ko na naman magugustuhan. Hindi ko sya pinansin at tila walang narinig at nilisan ang lugar
Bakit pa namin kailangang mag-usap? Para ano para pag mukhain na namang nagpapakatanga ako sakanya tsk
Dumeretcho na ako sa room at hindi na muling nilingon pa ang likuran.
BINABASA MO ANG
My Childhood Crush
Novela JuvenilBata pa lang kami ay gusto ko na sya, Pero pinag tutulakan nya ako sa iba. pano kung isang araw ako naman ang sumuko at sya naman ang gagawa ng way para hindi ko sya sukuan. Ako nga pala si Jenince Ferrer Villaneuva na umiibig sa childhood bestfrie...