Chapter 17

1.6K 79 1
                                    

NOT IMPORTANT BUT PLEASE READ!!!

Sorry Guys hindi ko na sama sa update to. Nawalan kami ng wifi kaya nag pa load na lang ako para maupdate yung naunang tatlo kaso ay nawalan ako ng mb. Hindi ko alam kung kailan ko to ma uupload pero ginawa ko to ng April  12..... Skl baka kasi may mag reklamo na naman kung bakit ang tagal ko na namang mag update.

Don't Worry kapag gumagawa ako ng new update ay ginagawa ko ng tatlong chapter bawat isang araw para sulit padin ang paghihintay nyo ;)

***********

"Jenince POV"


"I will remind you Everyone na this coming week ay ihanda nyo na ang sarili nyo dahil nalalapit na ang 3rd Quarter Examination nyo. Pag butihan nyo ang pag tetest dahil pag katapos nito ay 4th Quarter na at Grade 8 na kayo next school year" Sabi ng adviser namin.

"Jen san mo balak mag bakasyon" tanong ng katabi ko. Kumunot ang noo ko dahil sa tawag nya sakin.

"Don't call me Jen" sabay irap ko sa kanya. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa notebook na kanina ko pa pinagsusulatan, hindi ko alam kung anong pinagsusulat ko nabobored lang talaga ako.

Inagaw ni James ang bolpen ko. "Ano ba James akin nayan nakikita mong nagsusulat ako e" Mas nilayo nya sa akin ang bolpen ko kaya hindi ko na lang ito pinilit pang kunin at baka mapagalitan kami ng adviser namin. "Ano bang problema mo na naman" sabi ko. Nakatingin lamang ako sa harapan, Hindi na naman sya nag salita kaya mas nag focus ako sa pag rereview ng adviser namin para sa nalalapit na Exam.

Ilang minuto na ang lumipas ng bigla ulit syang nag salita. "Bakit ayaw mong tawagin na din kitang Jen e kaibigan mo na naman ako" Kita kong  nakatingin sya sa'kin at hindi nakikinig kay ma'am.

Hindi ko na lamang sya pinansin kasi kahit ako ay hindi ko rin alam kung bakit gusto kong silang dalawa lang ang tatawag sakin ng ganun.

"Hindi mo alam kung bakit inagaw ko sayo yung bolpen mo?" Tanong nya. Napakanuot na lamang ang nuo ko dahil sa tanong nya.

"Papansin ka kasi" yun na lamang ang sinabi ko at hindi na nag abalang tignan pa sya.

Nakinig na lamang ako sa teacher namin dahil ayoko namang bumagsak sa exam. Kahit na bored na bored ako ay pinanindigan ko pa ding makinig

********

"Oh sayo na lang alam kong kanina mo pa to tinitignan" sabay abot nya ng sandwich.

Inabot ko ang sandwich na binigay nya at tinignan sya. "Thanks" Nagugutom na kasi talaga ako, hindi ako nag breakfast kanina at hindi rin ako kumain ng lunch kaninang vacant.

"Yan ang nagagawa ng kaartehan Jenince"

Nasa room kami at last subject na namin to, Tulad kanina ay nireview lang kami ng teacher namin pero masyado ng sumasakit ang utak ko dahilan din siguro na hindi kumain kanina

"Bakit ba kasi ayaw mong kumain kanina niyayaya kita tapos ngayon kung lamunin mo yung sandwich akala mo aagawan ka" sabi nya.

Ewan ko din e, siguro kasi nakita ko na naman sila kanina. Ayoko namang maki upo pa sa table nila kaya no choice ako kundi ma tulog na lang dito sa room. Si James lang ang kumain kanina naki table sya sa iba naming kaklase.

Hindi naman sa Anti-Communicate ako. Ayoko lang talagang makipag Friends sa iba. Okay ng sila tatlo na lang ang kaibigan ko. Ewan ko kung tatlo pa ba o si James na lang talaga ang natitira kong friend

Ilang Months na din ang lumipas nung araw na nag bake sila mommy sa bahay. Pagka tapos nun ay hindi nasundan pa.

"Huy Jen halika nga dito dali" tawag sakin ni James para makalingon ako sa kanya. Binigyan ko sya ng "what" look. Pero lumapit lang sya sa'kin at biglang pinunasan ang gilid ng labi ko

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon