Chapter 13

4.3K 141 167
                                    

"Jenince pov"



3pm na at aligaga parin ako sa paglilinis dito sa room. Hindi ko alam kung bakit pa ko nag-iisip kung sisipot ba ako o papabayaan ko din sya katulad nung ginawa nya sakin noong bata pa kami



Naramdaman ko ang presensya ni james kaya nilingon ko sya. "Bakit ka pa nandito?" Tanong ko, nginitian nya ako ng nakakaloko. "Tutulungan sana kita" patuloy na pag ngiti nya sa akin. "Makulit. labas na" kanina ko pa kasi sinasabi na mauna na sya dahil kapag nakita pa sya ni ma'am na nandito pa baka malintikan pa ko. "Napakasungit talaga. Pasalamat ka gusto kita" pabulong nya itong sinabi pero sapat na para marinig ko. "Alis na dami mo pang sinasabi" masungit na sabi ko



Kahit naman na gusto ko pa syang makasama e bawal dahil pag naabutan pa sya ni ma'am dito baka mas madagdagan pa tong pinapagawa sa akin. Wala naman syang nagawa kaya umalis din sya



3:15pm ng na tapos ko na ang paglilinis, dumeretcho muna ako kay ma'am upang mag paalam na aalis na ako at makapirma ako sa attendance list ng paglilinis ko.



Pag katapos kong mag paalam ay dumeretcho ako sa cr upang mag ayos . Tinext ko yung driver namin na wag na muna akong sunduin dahil kunwaring may gagawin ako ngayong buong week.



Tapos na akong mag ayos ng mukha ko at tinignan ko ang oras 3:25pm pa lang kaya napagdesisyunan ko munang bumili kahit biscuit lang dahil biglang kumulo tong tyan ko.



Ng matapos na ang lahat ng gagawin ko dito sa school, napagdesisyunan ko ng akyatin si steve sa rooftop, marunong naman ata syang mag hintay kaya siguro ay nandun pa sya



Pagka akyat ko ay tumabad sa akin si steve at liana na mag kayakap. Ilang segundo din akong nakatayo sa pinaka dulo at pinapanuod lang silang mag kayakap.



Nagsipakatan ang mga luha ko sa susunod na eksenang narinig ko. "Mahal na mahal kita! ikaw lang talaga hindi sya" sigaw nya ng napaka lakas.



Pinapunta nya ba ako para saktan ulit. Hindi pa ba sapat yung pinag mukha nya na kong tanga nung sinabi nyang si liana talaga yung mahal nya. Kailangan pa bang ulitin ang lahat. Kailangan bang saktan nya ko ng paulit ulit. Lumuluha na naman ako habang pinapanuod silang dalawa.



Ang saya saya nilang dalawa samantalang ako nagluluksa na naman. Na naman!.



Hindi na ako nag aksaya pa ng oras para panuorin sila sa kalandiang pinagsasabi nila. Dali dali akong bumaba ng hagdan at inayos ang mga matang kanina pa lumuluha.



"Tumigil kana, hindi ka nababagay sa kanya" kausap ko sa aking sarili. "Sasaktan ka lang nya ng pa ulit ulit" pagtutuloy ko




Nag para na ako ng taxi at agad na sumakay upang maka uwi na. Akala ko pa naman mag sosorry sya at babawiin nya lahat ng sinabi nya sa akin. Pero nag aksaya lang ako ng oras para puntahan pa sya.



Biglang nag ring ang phone ko at nag pop sa screen ang pangalan nya. Ngayon tatawag tawag ka, bakit pa para pagmukhain akong tanga. Bago pa man akong maasar pinatay ko na ang phone ko.



Binayaran ko na si manong at agad na umakyat sa taas. Wala naman sila mommy at daddy dito kasi busy sila sa business nila.



Ng makarating ako sa kwarto nakita ko ang isang box na kulay pink. Biglang nag flashback lahat ng pinaglalagay ko sa box na yan. Kinuha ko ang pink box at tinanggal ang scatch tape na naka palibot dito.



Pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang napakaraming papel. Ito kasi yung time na bata pa ako nagsusulat ako tungkol sa magiging future namin ni steve. Kahit bata pa lang kami ay siguradong sigurado kona na sya yung makakatuluyan ko. Bata pa kasi ako kaya hindi ko pa naisip na pwedeng mangyari tong scenario namin ngayon.



Kumuha ako ng isang papel at binuklat upang basahin.

To: steve

"Hihintayin kita habang buhay kahit pa alam kong hindi mo ako crush"

Ginanahan akong mag basa kaya kumuha ulit ako ng panibagong papel

To: steve

Kahit pa lagi mo kong inaaway bati parin kita. Kapag may kaaway ka aawayin ko din para sayo basta dito ka lang sa tabi ni jenince ha



Kumuha ulit ako ng isa

To: steve

Sorry steve kasi napagalitan ka pa ng mommy mo dahil sa akin. Pabayaan mo kapag laki ko kakain ako ng napakaraming spaghetti para matupad mo na yung promise mo sa akin.



Hindi ko alam pero bigla na lang akong naiyak sa last na papel na binasa ko. "Grabe pala talaga noh lahat gagawin ko para sayo"sinok sinok na sambit ko. Napaka inosente ko talaga dati walang ibang ginawa kundi mag habol



Tinigil ko na ang pagbabasa ko at bumaba upang uminom ng tubig



Nagulat ako ng makita ko sa garden na napalakas ng ulan. Biglang sumagi sa isip ko si steve pero agad din akong napangiwi ng maalala ko yung kanina. Hindi naman ata sya tanga para mag hintay pa doon atsaka baka nga nag date pa yung dalawa e.



Nagsalin na ako ng tubig at ininom ito. Umakyat ako sa taas, nag bihis at napagdesisyunang matutulog muna



Hindi ko na tinangka pang buksan ang phone ko, nakakawalang gana lang mag kikilos ngayon.



Pinikit ko na ang mga mata ko at pinakiramdaman lang ang lamig sa paligid.....

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon