Chapter 10

2.8K 130 45
                                    

"Jenince' pov"

Ilang minuto na ang lumipas at mag  vacant na ulit tapos ay isang subject pa at uwian na namin. Gusto ko na kasing umuwi, nawalan na ako ng gana ngayon



Inangat ko na ang ulo ko at tumayo na



Pag tayo ko ay nahaglip ng gilid ng mata ko na napatingin si steve sa akin



Pagkahakbang ko ay hinawakan ni james ang kamay ko. "Wait san ka pupunta, hindi pa tapos ang oras kay ms ha" pagpipigil nya sakin



Tinanggal ko ang kamay nya. "Wala na naman akong gagawin dito, atsaka may kakausapin lang ako kaya mauuna na ko" napatingin ako kay liana na nakatingin na kay steve



Hindi ko na pinansin dahil masasaktan lang ulit ako kapag na feel kong parang may namamagitan sa kanila



"Samahan na kita" pagpipigil nya ulit sakin



"Hindi na. Hindi ko kailangan ng bodyguard. may kakausapin lang ako, kilalanin mo na lang yang partner mo. Tanong mo na din kung may boyfriend na ba sya" sarcasm ang pagkakasabi ko, hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun, sapat na ang boses ko para marinig nila ang sinabi ko kay james



Halata namang nagulat sya ng sabihin ko yun. Tumingin din ako kay steve na ngayon ay parang nagulat din. Napangiwi na lang ako sa naging reaksyon nila. 'Masyadong pahalata' bulong ko sa aking sarili



Umalis na ako sa room at dumertcho sa department ng mga teachers



Kumatok ako at binuksan ang pinto. "Goodmorning po, nandyan po ba si ms.gonzales" tanong ko sa mga taong nandun. "Ms.gonzales hinahanap ka ng studyante mo" tawag sakanya ng isang teacher



Tumayo na si ms.gonzales sa desk nya at halatang masama nga ang pakiramdam neto



Lumabas kami at nag lakad kaunti para makapag usap ng maayos



"Anong kailangan mo" tanong nito. "Ms sana mapag bigyan nyo po ako sa hihilingin ko please" hinawakan ko ang kamay nya. "Ano ba iyon?" Takang tanong nito



"Hindi po ako makakagawa ng scrapbook na pinapa-project nyo" deretcho kong sabi. "At bakit hindi, porket mommy mo ang may-ari ng school ay ganyan ka kung maka hingi ng pabor" mataray nitong sabi



"Hindi po ms may dahilan po ako" sabi ko. "At ano naman yan" kinuwento ko kay ms ang lahat lahat kaya ayaw kong gumawa ng project



"E pano si steve, mawawalan din sya ng grade kapag wala syang partner" sabi nya. "May absent po sa amin, sya na lang po ang ipartner nyo kay steve" pagmamakaawa ko



"Ikaw naman ang mawawalan ng grade" napabagsak balikat ako pero wala akong magagawa kung ayaw talaga akong makasama ni steve. "Okay lang po" nakayuko kong sabi



"Pwede kang mag karoon ng grade pero may deduction" napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi nya. "Pano po?" Tanong ko



"Sa loob din ng 1 week ikaw ang mag lilinis ng room. Hindi ka pwedeng mag patulong dahil mas mababawasan ang grade mo kapag nangyari yun" sabi nya. "Ayos lang po miss. Thank you po talaga sa pag intindi" sabay hawak ko sa kamay nya



"Pero i hope na maging okay na kayo ha" sabi nya ulit. Napangiti naman ako dahil strict sya pero kung alam nya talaga ang dahilan ng isang bagay hinding hindi sya magdadamot. Tumango na lang ako



"Sabay na tayong pumunta sa classroom, ia-announce ko ang gagawin mo" sabay lakad namin patungong classroom



Nandito na kami sa classroom at nauna na akong pumasok. Umupo ako sa tabi ni steve



"May ia-announce lang ako kaya nandito ako" panimula nya



Nakayuko lamang ako dahil alam ko na ang sasabihin nya



"Alam nyo na naman ang gagawin nyo dahil inannounce na ito sainyo kanina. Ngayon nanghingi sakin ng favor si jenince. si stev at cristine na absent ngayon ay silang dalawa na daw ang mag kapartner. Dapat si cristine ang walang grade pero nakipag palit si jenince sakanya" naramdaman kong nag si tingin ang mga kaklase ko sakin at pati narin sila james, liana at steve ay napatingin na din sakin



Inalis nila ang tingin sa akin ng mag salita muli si ms. "Pero dahil nga nag pa ubaya sya, binigyan ko sya ng gawain para mag ka grade din sya, kaso may deduction nga lang.  Sya ang mag lilinis dito sa classroom nyo ng 1 week din. Yun lang naman ang sasabihin ko maiwan ko na kayo" umalis na din sya ng matapos syang mag paliwanag



Naramdaman kong tumingin ulit dito ang tatlo at akmang mag sasalita si james ng isalpak ko ulit ang earphone ko sa tenga ko at inub-ob ang mukha ko sa desk



Tama naman siguro ang ginawa ko. Lalayo na lang ako kung kinakailangan

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon