"Jenince's pov"
Uwian na at kaming dalawa na lang ang natitira ni steve sa room dahil ang mga mag ka partner ay nag simula ng mag sama sama. akmang tatayo na ako para simulang mag linis ng mag salita si steve
"Bakit mo ginawa yun" banggit nya, tumingin ako sa kanya at tanging naka tingin lang sya sa baba
"Wala kang pakielam" pumunta ako sa harapan para simulang burahin ang mga naka sulat sa white board
Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko upang pigilan ang ginagawa ko
"Ano bang problema mo!" Sabay bawi ko sa kamay ko
"Nagpapaawa ka lang ba kaya ginawa mo yun. Pwes hindi ako naaawa, naiinis ako!" Galit na sabi nya
"Sana nga nag papaawa ako! At kung nag papaawa man ako, maaawa ka naman sakin!, ako na lang lagi yung nag iintindi sa ugali mo! Hindi porket may gusto ako sayo ganyan ka na kung maki tungo sakin, sana kahit bilang tao lang pakitunguan mo naman ako ng maayos" habol hingi ako matapos ko ito sabihin, pinilit kong magpakatatag at wag umiyak ulit sa harap nya dahil ayokong nagiging weak sa harap ng tao
"Hindi ko naman sinabing intindihin mo yung ugali ko, pinapalayo kita dahil masasaktan si liana kung patuloy kang dumidikit sakin" dere deretcho nyang sabi
Nagulat ako sa sinabi nya "what do you mean?" Takang tanong ko
Yumuko sya, hinihintay ko lamang na mag salita muli sya bago mag follow up ng question
"Hindi ako masagot ni liana dahil sayo, gustong gusto nya kong sagutin pero iniisip ka nya, kaya please lang ikaw na yung lumayo" nanlumo ako ng narinig ko ang sinabi nya. Kaya pala parang ang awkward ng moment kapag mag kakasama kami, natatawa na lang ako dahil ako pala ang dahilan kung bakit wala pang sila
"Ako pala yung malaking harang sainyo" sabay tawa ko na para akong nababaliw. "Sabi pa sakin ni liana na hindi ka daw nya sasagutin para hindi ako masaktan. Pero hindi nya alam na kahit wala pang kayo sobra sobra na kong nasasaktan" hindi ko na kayang pigilan ang mga luha kong kanina pa nag uunahang mag si tulo.
"Sorry, sige susundin ko na yung gusto mong mangyari. Ako na yung lalayo tutal ako naman yung malaking harang sainyo. Pero sana hindi mo ko pigilang mahalin ka parin, bigyan moko ng ilang buwan para maka move on, kasi hindi naman ganun kadaling makalimot, since bata pa lang alam mo na yan nag tiis ako kahit pangit yung pakikitungo mo sakin" nakayuko lamang sya mula kanina pa, tinitignan ko lang sya kahit one time na lang ulit matitigan ko naman sya ng kaming dalawa lang
"Tutal last na naman to, sana kalimutan na natin yung nangyari tungkol sa spaghetti dati" napahikbi ako dahil sa pag pipigil ng luha. "Dahil kasi sa spaghetting yun nawala yung bestfriend ko" tinitigan ko sya, hindi ako nag kamali ng nakita umiiyak din sya. "Nandito sya pero hindi nya ko kayang kausapin ng maayos, dapat ako yung may lakas ng loob na magalit. Pero hindi e hindi ko kayang magalit sa taong mahal ko" nakita kong nag punas sya ng luha
First time ko syang nakitang ganito, at ayoko na muli pang makita syang ganito kaya nag salita ulit ako "pinalapalaya ko na kayong dalawa, maging masaya sana kayo" umiwas ako sakanya at agad na kinuha ang bag ko upang makalabas na ng room. Alam kong mapapagalitan ako ni ms.gonzales dahil iniwan ko ang room na hindi naglinis. Pero hindi ko masikmurang nakikita syang umiiyak kaya pipiliin ko na lang na paggalitan
"Steve's pov"
Gusto kong mag mura sa mga ginawa ko ngayon. Bakit, bakit na naman ako nag kakaganito
Aaminin ko, nag sinungaling ako kay jenince na may gusto ako kay liana dahil in the first place pa lang sya na yung gusto ko. F**k nakakabakla man tong pag iyak ko ngayon dahil hindi ko na talaga mapigilan
Sa tuwing nakikita kong nahihirapan yung taong gusto ko parang ang sarap sapakin ng sarili ko
Nung time na nag panggap si jenince at james na sila na, maniniwala na sana ako kaso kilala ko si jenince e. Alam ko kung nag sisinungaling ba sya o hindi. Halatang halata namang naiirita sya sa pag-akbay ni james nun
Nung time na inakbayan sya ni james noong patungo kami sa canteen ay gusto ko syang sapakin buti na lang at pinigilan ako ni liana. Alam ni liana ang lahat, nanghingi ako sakanya ng favor na mag panggap syang nagkakagusto ako sakanya dahil gusto kong lumayo sya sakin noon
Nahihiya kasi akong mag pakita ng kahinaan ng loob kay jenince kasi baka isang araw kapag naalala nya na naman yung nakaraan, baka iwasan nya na ko. Gusto ko syang lumayo dahil hindi ko masikmura na kasama ko sya dahil laging sumasagi sa isip ko yung nakaraan namin
Napakawalang kwenta kong kaibigan noon. Nagawa ko yun kasi gusto kong mapatunayan kung ako ba talaga yung gusto nya, kaso hindi ko alam yung magiging epekto talaga sakanya. Akala ko noon mangangati lang sya tapos wala na, kaso nagulat ako ng dinala pa sya sa ospital
Hindi ko na natawag sila mommy noon dahil nakita na lang daw nila akong naka bulagta sa sala. Pagmulat ng mata ko noon nasa kwarto ako ni jenince, agad akong napatayo dahil naalala ko yung ginawa ko
Tumayo ako at dumertcho sa sala, nakita ko si mommy na mukhang nag aalala, lumapit ako sakanya at nag tanong. "Mommy si jenince po" namumutlang tanong ko. "Anak nasa ospital sya, ikaw ba ang nag pakain sakanya ng spaghetti" tanong sakin ni mommy noon. Napa tango na lang ako at napahawak si mommy sa ulo nya ng malaman ang sagot ko
"Bakit mo naman ginawa yun, magagalit sayo si tita sandra mo nyan" sabi nya at may tinawagan sya noon. "Sorry beb, si steve pala ang nag pakain kay jenince, sorry talaga" sabi nya
Sabi ni mommy na hindi naman daw nagalit si tita sandra noon dahil mga bata pa daw kami kaya hindi namin alam ang ginagawa namin. Pero gusto kong sabihin na may isip na kami at ako talaga ang may kasalanan ng lahat
Kaso binanned ako ni mommy ng ilang araw sa bahay baka daw ayaw akong makita ni jenince dahil sa ginawa ko
Kaya narealize ko din noon na iwasan ko na lang si jenince dahil ang kapal naman ng mukha ko kung mag tatry ulit akong pansinin pa sya
Naging malapit din kami ni liana noon dahil sya nga yung dinahilan ko kay jenince para kainin yung spaghetti
Anak din kasi sya nila tita allaine, bestfriend nila mommy kaya lagi din syang nasa bahay noon
Hanggang ngayon si liana ang kasama ko na dapat si jenince. Nagulat ako kasi mas lalong naging masiyahin si jenince nung alam nyang mag kaklase kami
All this time pinaniwala ko yung sarili ko na baka galit sya at gusto nya kong gantihan. Na baka kapag umamin ako baka saktan nya din yung damdamin ko. Pero ito mali na naman ako, sa bandang dulo sya na naman yung nasaktan ko
Pinunasan ko na ang luha ko. First time kong umiyak sa harap nya, kasi this time hindi ko na talaga kayang pagsinungalingan ang mga mata ko na wag umiyak
Nakita kong ang daming kalat at hindi nakapag linis si jenince dahil sakin, kaya ako na ang gagawa ng trabaho nya since ako din naman ang may kasalanan kung bakit nya ginagawa to ngayon
Yung time pala nung nasa canteen kami ni liana at binilhan ko si jenince ng spaghetti, sinadya ko talaga yun para isipin na hindi ko talaga maalala yung nangyari noon, kaso namali na naman ni liana, akala nya din na ganto na talaga ako kay jenince pero hindi nya alam na si jenince parin talaga
Nilinaw ko din kay liana na wag syang mahuhulog sa mga ginagawa ko. At alam ko namang gusto nya si james kaya may tiwala ako na hindi nya ko magugustuhan
Oo may gusto si liana kay james una pa lang. Nung nalaman nya na kunwaring sila ni jenince umiyak pa sya sakin nun pero sinabi din naman kagad ni jenince sakanya na nag jojoke time lang daw sila at gusto lang akong pag selosin
Tapos na akong mag linis at umalis na dahil 3pm na, 2pm ang uwi namin at ngayon lang ako makakauwi
Bukas may plano na kong sabihin ang lahat sayo jenince, hintayin mo lang ako please....
BINABASA MO ANG
My Childhood Crush
Teen FictionBata pa lang kami ay gusto ko na sya, Pero pinag tutulakan nya ako sa iba. pano kung isang araw ako naman ang sumuko at sya naman ang gagawa ng way para hindi ko sya sukuan. Ako nga pala si Jenince Ferrer Villaneuva na umiibig sa childhood bestfrie...