"Jenince Pov"
"Mommy aalis na po ako" sigaw ko dahil nasa taas sya
"Sige mag ingat ka ha" sigaw nya din dahil may ginagawa sya sa taas kaya hindi nya na magawang bumaba
Sabi ni mommy may kasambahay daw kami dito na tinuring nya ng pangalawang nanay dahil sya daw ang nag alaga kay mommy
Hindi ko na daw naabutan si manang dahil pumanaw na ito nung bago nya ako ipag buntis
Sumakay na ako sa kotse namin at syempre may driver ako dahil masyado pa daw akong bata para mag drive
Si daddy ay nasa trabaho, si mommy naman nag trabaho na ulit sa kompanya namin. Hinintay nya lang daw na lumaki ako para makapag trabaho ulit sya
Ayaw nya kasing kumuha ng yaya noon, dahil gusto nya sa mga aruga nya ako lalaki at hindi sa yaya
Mga ilang minuto ang lumipas at nandito na ako sa school
"Thanks po" sabi ko kay manong. driver namin
Habang nag lalakad ako ay hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko
Wala pa akong masyadong nagiging kaibigan dito simula nung first year. Bukod kila liana at steve ay wala ng iba pa
Yung iba ay pilit na nakikipag kaibigan sakin pero sabi sakin ni mom ay mamili daw ako ng totoong kaibigan at wag sa mga taong kakaibiganin ka dahil may pera ka
Nakita ko sa harap si steve na naglalakad papunta atang room.
Tinawag ko sya. "Steve!" Sigaw ko pero hindi nya ako pinapansin kaya tumakbo ako para lapitan sya
"Whaaa" gulat ko sakanya
"Nagulat ako" walang gana nyang sabi
"Ito naman ang aga aga nakasimangot" sabi ko. "Smile ka naman dyan ganto ohhh" sabay banat sa labi ko
"Ang aga aga ang ingay mo. Can you please shut up your mouth" sabi nya
"Alam mo kung naiinis ka sakin dahil gusto kita mas maiinis ka pa dahil gustong gusto kita" pang aasar ko
"Sabi ko ng may gusto akong iba, kaya wag ka ng umasa" sabi nya
"Alam ko namang gusto mo si liana pero ang sasabihin ko sayo hindi ka nya gugustuhin dahil nangako sya sakin bleee" sabi ko
"Edi gagawin ko ang lahat para magustuhan nya ko" sabi nya
"Gagawin ko din ang lahat para magustuhan moko" sabay ngiti ko sakanya
"Kahit anong gawin mo hindi na mag babago ang pag tingin ko kay liana" sabi nya
"Dahil ba tahimik si liana kaya nagustuhan mo sya? Sige magiging tahimik din ako para magustuhan moko" sabi ko
"Tignan natin kung kaya mo" sabi nya at binilisan pang mag lakad para hindi kami mag sabay pumasok ng room
"Kaya ko talaga!" Sigaw ko
Ang totoo hindi ko alam kung anong salita yung tahimik. Wala sa vocabulary ko yan e
Pero syempre pipigilan ko sarili ko para sakanya
Nandito na ako sa tapat ng room at huminga muna ng malalim bago pumasok. "Kaya mo yan self" sabi ko sa sarili
sila. Nakita kong mag katabi na sila liana at steve. Tatlo kasi ang mag kakatabi atsaka laktaw ulit sa panibagong tatlong upuan
Paglapit ko ay tinignan ako ni liana. "Goodmorning jen" ngiti nya sakin. "Goodmorning din" sweet kong sabi
Napapagitnaan namin si steve kaya naririnig ko din yung sinasabi nya kay liana
"Nasa locker ko na pala yung ginawa natin sa art" sabi nito kay liana
Nakikinig lamang ako sa usapan nila at pinipigilan na wag mag ingay
Wala pa naman ang teacher namin kaya nakakapag usap pa tong dalawa
"Sige ipasa ko na lang yan mamaya" sabi ni liana
"No si jenince na lang daw mag papasa kasi mabait na daw sya" sabay matalas na tingin nito sakin
Tinuro ko ang sarili ko. "Ah oo, nahihiya naman ako kasi wala na nga akong tinulong kaya sige ako na lang ang mag papasa" pilit na ngiti ko kay steve
"Tulungan na lang kita kasi medyo madami yun e" sabi ni liana
"Ah hindi na, mauna na lang kayo ni steve kumain, basta bilhan nyo na ako ng pag kain" nakangiti kong sabi
"Ang takaw talaga" bulong ng katabi ko
"May sinasabi ka steve?" Sabi ko
"Ah wala, sabi ko ang sipag mo naman ngayon atsaka ang tahimik mo. Ipag patuloy mo sana yan habang buhay. tsk" sabay alis nya ng tingin sakin
"Syempre ipagtutuloy ko para sa future natin" banat ko
"Sabi ko na hindi mo talaga kayang tumahimik kahit isang minuto lang" sabi nya
"Napakahirap naman kasi ng pinapagawa mo sakin. Hindi ko ugaling tumahimik lalo nat katabi kita, atsaka ayokong makulob yung hiniga ko tapos babaho iwww" sabi ko
"Kausapin mo yung sa harap at likod mo. hindi ako" sabay harap nya sa pwesto ni liana
"Hi. Nagawa nyo yung project sa art? Pwedeng patingin" kausap ko sa harapan ko. E hindi ko talaga kayang tumahimik e anong magagawa ko
Ang daldal kasi ni ninang kate noon kaya namana ko tuloy sakanya to
Narinig kong umiling tong katabi ko. Sabi nya kausapin ko tapos nung kinausap ko iiling iling pa
Kinausap ko yung nasa likod ko. "Uy pre tapos kana sa project sa arts? Patingin naman" sabi ko. "Ah nasa locker wala dito" sabi nito. "Ahh sige" sabi ko
"Ang ingay mo naman" reklamo padin ng katabi ko
"sabi mo kausapin ko yung nasa likod ko atsaka harap kinausap ko naman. Hindi na nga kita kinakausap e, nag seselos ka noh, wag kang mag alala pare ko lang yang mga yan" sabi ko
"Nag seselos in your dreams. Kausapin mo kung gusto mong kausapin wala akong pake" sabi nya sabay salpak ng earphone sa tenga nya
"Tol pwede ka bang kausap?" Tanong ko sa isang nasa gilid ko
Umiling lamang sya at nag salpak din ng earphone
Tumingin naman ako sa likod ko, mag tatanong pa lang ako kung pwede syang usap biglang umiling atsaka nag nap sa desk
Kinalabit ko namn ang nasa harap ko. Biglang umiling. Ano bayan lahat na lang ayaw akong kausap
Hindi ko naman pwedeng kausapin si liana kasi pinapagitnaan namin tong likramador na lakakeng to tsk
Alam ko na... Tumayo ako sa upuan ko at pumunta sa gilid ni liana
Tinaas baba ko ang kilay ko upang malaman nya kung bakit ako nandito
Kaso panira dumating na yung terror teacher namin tsk.
Bumalik ako sa upuan ko at kinalabit tong nasa gilid, likod at si steve upang malaman na nandito na si ma'am gonzales
Kahit naman ayaw nila akong kausap, iniinform ko parin sila kapag nandyan na yung teacher namin kasi kapag yan nahuling nag eearphone ako yung sisisihin nila kasi maingay daw ako kaya nag earphone sila.
BINABASA MO ANG
My Childhood Crush
Teen FictionBata pa lang kami ay gusto ko na sya, Pero pinag tutulakan nya ako sa iba. pano kung isang araw ako naman ang sumuko at sya naman ang gagawa ng way para hindi ko sya sukuan. Ako nga pala si Jenince Ferrer Villaneuva na umiibig sa childhood bestfrie...