"Jenince's POV"
Tapos na kaming mag test ngayong araw at last day na ng exam bukas
Tinignan ko ang mga kaklase ko. Halatang nanakit din ang ulo nila dahil sa exam. Aaminin ko nahirapan din ako pero iniisip ko na lang na grade 7 pa lang ang exam na tinitake namin at marami pa kaming year na madadaanan.
Tinginan ko na naman sila. Nag-uusap lang sila habang nag tatawanan
Hindi ko alam kung bakit naging ganto ang lahat. Basta ang alam ko hindi kami ayos nung last na usap namin
Sabi ko noon na hindi ako maiinggit o magagalit kay Liana pero kinain ko din pala yung mga sinabi ko.
Inggit na inggit ako nung time na pinagtanggol nya si Liana sa mga lalakeng pinagtitripan sya mas nainggit ako nung time na si Liana pinagkatiwalaan nya, pinaniwalaan. Samantalang ako nung nag try ako mag explain hindi man lang nya ko pinatapos at pinagtabuyan pa
Aaminin ko may inis ako kay Liana dahil paiba na sya ng paiba. Sa dumaan na ilang buwan akala ko okay yung daloy pero bigla syang nagkakaganyan. Mas nainis ako ng hindi nya sinabi kay Steve ang totoo
Pinikit ko ang mata ko dahil ayoko ng balikan pa yung nangyari sa lumipas na tatlong buwan
Sa tatlong buwan na pag-iiwas mo sa'kin hindi mo man lang inalam ang istorya, hindi mo man lang inalam ang totoo. Sa tatlong buwan na yun mas pinili mong mapalayo yung loob ko sayo.
Bumalik ako sa ulirat ng may kumalabit sa'kin. "Bakit" atsaka dinilat ang nga mata ko.
Nilibot ko ang mata ko at nagulat ng wala ng tao. Ganun ba ako katagal na nakapikit?
"Inaantok ka na ba?" Nag aalalang tanong nya.
"Nagpa-flashback lang sa'kin yung nakaraan" sabay tungo ko, alam kong sa ngayong pagkakataon ay baka mapaiyak ako. Pinipigilan ko kasi nahihiya na ko kay James. Sya yung kasama ko sa tatlong buwan kong pagluluksa
Sya lang din yung nakakita ng kahinaan ko.
Hinawakan nya ang kamay ko. Hindi ko ito tinanggal dahil wala din namang gagawa ng issue dito sa room.
"Tanga lang sya. Iniwan ka nya ng hindi nalalaman ang dahilan" nananatili akong naka yuko, hangga't maari ay ayoko munang masalita dahil wala na din akong tiwala sa sarili ko. Na alam kong kapag nagsalita ako ay baka mapaiyak lang ako.
"Okay na din to" tinanggal nya naman ang kamay nya sa kamay ko at inakbay sa balikat ko. "Nasosolo naman kita, thank you na lang sa kanya" pagpapatuloy nya.
Inangat ko na ang ulo ko at huminga ng malalim. "Lika na" sabay hawak ko sa braso nya
Hinila ko sya paderetso dito sa canteen. Hindi na rin kami umuupo pa kahit kailan sa spot nila mommy. Hinayaan ko na lang sa kanila mapunta yung spot na yun.
"Kain muna tayo bago umuwi, nagutom kasi ako e" hinila ko ang upuan ang umupo dito. Inabot ko sa kanya yung pera ko. "Alam mo na yung akin, ikaw na muna umorder tinatamad ako" sabay peace sign ko
"As usual. himala na lang kapag ikaw ang umorder ng pagkain mo. Sige wait lang makapag order na" tsaka deretso nya sa counter
Tinignan ko ang paligid. Wala ng tao kasi uwian narin kasi, bilang na lang ang mga taong kumakain dito sa canteen.
Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ng driver ko.
"Hello po ma'am Jenince. Malapit na po ako sorry po kasi may dinaanan lang po ako"
BINABASA MO ANG
My Childhood Crush
Teen FictionBata pa lang kami ay gusto ko na sya, Pero pinag tutulakan nya ako sa iba. pano kung isang araw ako naman ang sumuko at sya naman ang gagawa ng way para hindi ko sya sukuan. Ako nga pala si Jenince Ferrer Villaneuva na umiibig sa childhood bestfrie...