Na discharge narin ako sa ospital kahapon pa kaya ito ako ngayon nasa bahay nakahiga. Ayaw naman ni mommy na mag phone ako baka daw kasi sumama na naman ang pakiramdam ko.
Napagdesisyunan kong manuod na lamang sa tv ng mga movie sa netflix. Habang nanunuod ako ay nakaramdam ako ng gutom. Ayaw akong paalisin ni mommy dito sa kwarto ko pero wala akong magagawa kailangan kong bumaba para kumuha ng pagkain
Pinihit ko ng dahan dahan ang doorknob para di makagawa ng ingay. Hapon na ngayon at alam kong tulog si mommy kaya wala akong balak sirain ang tulog nya. Feeling ko sa mga nakaraang araw ay nagiging pabigat na'ko kay mommy. Araw araw lagi syang nakaalalay sa'kin, para akong naging baldado dahil ayaw nila akong patayuin
Nalulungkot ako sa katotohanang nagiging mahina na ko. Hindi ako ganito, hindi ako mahina, ayokong maging mahina. Hindi ko matanggap na bakit hindi ako nilalayuan ng mga sakit.
Dahan dahan akong bumaba para hindi makagawa ng ingay.
Nakarating na ako sa kitchen namin at dumeretso sa tapat ng ref. Hindi ko naman kayang mag luto sa kalagayan ko ngayon. Kukuha na lang ako ng prutas dahil lahat naman ng nasa ref ay bawal sa'kin at kailangan pang lutuin. Kumuha ako ng isang apple at orange. Inilapag ko muna ito sa table dahil kailangan ko pang kunin ang Kutsilo at chopping board para hiwain ang apple.
Nakuha ko na ang kustilo. Nasa itaas ng cabinet ang chopping board kaya kailangan ko pang tumingkayad. Pilit kong inaabot pero hindi ko talaga maabot.
"Pwedeng humingi ng tulong"
Napabalikwas ako sa pagtitingkayad dahil sa nagsalita. Agad nya naman akong inalalayan
"Bakit ba kasi nang gugulat ka" Sita ko dito. Alam naman nyang magugulatin ako talagang mang gugulat pa psh.
Kinuha nya ang chopping board at dumeretso sa mansanas na nakalagay sa table
"Nasan si Tita. Bakit kumikilos ka mag-isa?" Tanong nito. Hindi sya nakatingin sa'kin dahil hinihiwa nya na ang apple. Lumapit naman ako dito
"Bakit ka na naman nandito. May 1hour pa para mag uwian" sabi ko.
"Kung hindi pa ako nag punta dito edi sana nagutom kana dyan" inabot nya sa'kin ang hiniwa nyang apple at binalatang orange.
"May iba pa namang prutas dyan, kayang kaya kong kumain mag-isa" sabay irap sa kanya. Inuna kong kainin ang apple na hiniwa nya
"Ang dami mong sinasabi. Hindi mo ba ko namiss?" Sabay pout nya, binato ko naman sa kanya yung balat ng orange
"Pwede ba wag ka ngang sumimangot dyan, ang panget mo" sabay tawa ko.
Sa mga nakaraang araw nakakatawa na naman ako kahit papaano. Iniwasan kong isipin ang nakaraan, pinilit ko naring maging masaya. Sabi ni James mas makakatulong ang paggaling ko kung panay positive lagi ang iniisip ko.
"Hindi mo ba talaga ako na miss? Kahapon hindi na ako nakapunta dito ikaw kasi pinag po-focus mo'ko sa school"
"Alam mo James hindi mo kailangang umabsent para sa'kin. Kaya ko naman ang sarili ko at isa pa nandito naman si mommy" sabi ko
"Nandito nga si tita pero tignan mo ngayon tulog si tita tapos nagugutom ka, pano kung natumba sayo lahat ng nakapatong dun sa cabinet" kitang kita ang pag woworry nya sa'kin. Tumungo na lamang ako dahil wala rin akong ma sabi
Hinawakan nya ang buhok ko at hinawi ito. "Kaya ako nandito Jenince para tulungan kang gumaling. Please wag matigas ang ulo, kung maaari mong gisingin si Tita gisingin mo na lang kesa may mangyari ulit sayo"
Ingat ko ang ulo ko. Gusto kong umiyak pero alam kong makakasama lang sa'kin ito.
Hinawakan ko ang kamay nya, nagulat naman sya kasi ayoko talagang maging touchable sa kanya. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang nararamdaman nya sa'kin
BINABASA MO ANG
My Childhood Crush
Teen FictionBata pa lang kami ay gusto ko na sya, Pero pinag tutulakan nya ako sa iba. pano kung isang araw ako naman ang sumuko at sya naman ang gagawa ng way para hindi ko sya sukuan. Ako nga pala si Jenince Ferrer Villaneuva na umiibig sa childhood bestfrie...