Chapter 9

2.3K 93 2
                                    

"Jenince's pov"



Sabay kaming pumasok ni james sa room at saktong nandun nadin sila steve



Tumahimik na muna ako pagka upo ko



Biglang humarap si james sa akin. Binigyan ko sya ng nagtatakang mukha



Nakangiting umiling sya at hinarap ulit ang sarili sa harapan



"May sayad talaga" pabulong kong sabi



Hindi ko na nililingon pa sila steve dahil nahihiya din ako sa ginawa ko kanina



Ilang minuto na ang lumipas at wala padin ang teacher namin



"Mukhang wala si ms ha" biglang harap ni james sa akin



"So ano naman" ma taray kong sabi



"Wag mo nga kong ganyanin baby" nakangiting sabi nito. Aba't talagang baby parin ang tawag sakin



"Pwede ba, itigil mo na yang pagpapanggap baka maniwala pa sayo yung mga kaklase natin" tumingin ako kay liana



"Liana, titigil na pala namin yung joke time namin na kami, hindi naman kasi nagseselos yung isa dyan" sabay tingin ko kay steve



"Tsk" tanging saad nya



Napipilitan namang ngumiti si liana. Ewan ko para sakin parang may awkward moment sakanya ngayon



Maya maya pa ay biglang may pumasok sa room namin



"Good morning class, my name is ms.greth, hindi makakapasok si ms.gonzales ngayon dahil masama ang pakiramdam nya"



Naghiyawan naman ang mga kaklase ko ng marinig ito



Nagtaas ng kamay si ms.greth. "Oops may but pa ako" bigla namang natahimik ang classroom ng nag salita ulit ito



"Wag mo na kayong mag saya dahil akala nyo ay wala kayong gagawin. Nope sabi ko nga may but ako" nakangiti nitong sabi



Nakatahimik lang namin syang tinignan. "ito na ang but. May dalawang taong mag ka grupo ang gagawa ng isang prokeyto para ipasa kay ms.gonzales next week. Ito yung listahan ng mga magkakagrupo". Sinimulan nya ng banggitin ang lahat at saktong natitira na lang ay ang pangalan naming apat. "James and liana, and lastly steve and jenince" tumingin naman ako sa reaksyon netong katabi ko




Nagulat ako ng mag taas sya ng kamay. "Ms pwede bang makipag palit ng grupo?" Tanong nya. Nairita naman ako dahil talagang wala syang tiwala na makapartner ako lagi. "Sorry to say na hindi pwede" pagkasabi ni ms ay agad syang umupo. "Ang gagawin nyo sa proyekto nyo ay kailangan nyong malaman ang kwento or kagustuhan ng isa't isa. Kailangan nyong ibuild up ang samahan ng isa't isa. kailangan nyong mag picture together. Kung may pic kayo nung bata pa kayo iedit nyo yun na mag kasama ang pic nyo at ilalagay sa scrapbook. May 1 week kayo para makilala ang isa't isa, tutal wala naman si ms.gonzales simulan nyo na ngayon, mag hiwahiwalay muna ang mag bestfriend dito at pumunta sa kani kanilang partner ngayon na" pag katapos nyang ipaliwanag ang lahat ay inayos namin ang upuan ng by two. Mag katabi na naman kami ni steve kaya si liana na lang ang lumipat sa harap namin



"Know each other i'll go first, goodluck" sabay lisan nya sa room



Nagsi angilan ang mga kaklase namin kasama na din tong katabi ko



"So let's start" nakangiti kong sabi



"Kilala na natin ang isa't isa so matutulog na lang ako" sabay taob ng mukha nya sa desk



"Hindi mo pa ako kilala" seryosong sabi ko. Napaangat naman sya ng tingin ng marinig nya ang sinabi ko



"What do you mean. Magka babata na tayo so it means hindi na natin kailangan pang mag sama ng 1 week tsk" sabay taob ulit ng mukha nya



"Sana kung kilala mo ko, hindi mo ko pinakain ng spaghetti noon" napaangat ang ulo nya ng mag salita muli ako



"Sana kung kilala mo ko hindi mo ako pinilit na pakainin nun" wala syang masabi at tanging nakatingin lang ito sa akin



And sa last na sinabi ko ay hindi ko alam na bigla na lang napatulo ang luha ko. "At sana kung kilala mo ako, bakit hindi mo ako nagustuhan nung sinakripisyo ko ang buhay ko noon para lang sayo" sunod sunod na nagsipatakan ang mga luha ko



Pinunasan ko kagad ito dahil pagod na pagod na akong umiyak. Gabi gabi kapag sumasagi sa isip ko ang nangyari noon, hindi ko mapigilang hindi umiyak, pero hindi ko akalain na sa umaga din pala kaya akong paiyakin ng pangyayari iyon



Tinaob ko ang mukha ko dahil first time kong umiyak sa harapan nya. Hindi ko alam kung na shock ba sya dahil sa pag iyak ko or baka masaya pa sya dahil sa nagawa nya noon



Nag angat ulit ako ng tingin. "Tama ka, siguro hindi na natin kailangang mag sama ng 1 week para lang dito. Sige ako ng bahala kuma-usap kay ms.gonzales na makipag palit ng partner dahil magka-babata na naman tayo, sabihin ko na lang na kilala na natin yung isa't isa. Time ko naman siguro para kilalanin yung iba" tanging nakatingin lang ito sakin at ng maramdaman kong wala na naman syang sasabihin. Nilabas ko ang earphone ko at kinalikot ang phone ko para mag set ng music




Pinatong ko ang ulo ko sa desk at humarap sa kabilang bahagi

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon