"Jenince's POV"
Isang buwan na din ang lumipas ng mangyari ang confession nya sakin. Sabado ngayon kaya bored na naman ako dito sa bahay
"Anak pupunta daw si tita Kate mo dito magbobonding kasi kami and mag bake ng cake. Do you want to Join us?" Napalaki ang mata ko, oww noo wag naman sanang sumama si Steve whaaa
"D ko po sure mommy, baka doon po muna ako sa Garden mag muni muni para tanggal stress hihi" First time kong hindi sasali sa kanila mag bake kasi naman sure na sure ako na isasama ni tita Kate si Steve. Mapilit si tita Kate kapag alam nyang magkakaroon ng bonding dito sa bahay, isasama nya talaga si steve
"Bakit naman stress ang anak ko?" Sabay haplos ni mommy sa buhok ko, hinawakan ko ang kamay ni mommy "Mommy stop that, I'm not a pet" ayoko na kasing ginanun ako nagmumukha akong animal.
"Harsh mo na sa mommy mo" sabay lungkot ng mukha nya. "Sorry mom, but can you see" umikot ikot ako sa harap nya "I'm a big girl now" piningot nya ang ilong ko. "Mommy ouch tsk" hinaplos ko ang ilong ko ashhh baka mag red pa yung ilong ko kainis naman si mommy.
Biglang may nag doorbell at sure akong sila Tita Kate nayun.
"Jenince open the door for me, I'm looking something here" At kita ko ngang nireready na ni mom yung mga gagamitin nila. No choice kaya pumunta na ko sa pinto
Pag bukas ko ng pinto sumalubong sakin ang big hug ni tita kate. "I miss you so muchh jenince" ouchh ang higpit hindi ako makahinga ng maayos
"Mom let her go, mukhang hindi na nakakahinga yan" Napatingin ako sa nag salita. Inaasahan ko na naman na kasama sya pero hindi ko parin maiwasang magulat kapag nasa harap ko na sya.
"I miss you too tita, halika na po pasok na po kayo" sabay bukas ng pinto sa kanila. Napaka ungentleman kasi ng lalakeng to kaya mas nauna pa syang pumasok kesa sa mommy nya tsk.
"Bebbb imissyouu na buti naisipan mong mag bake" Nagyakapan ang dalawang mag kumare. "Buti naisama mo tong si Steve" pagpapatuloy ni mommy.
"Syempre, sobrang pinilit ko payan para lang makasama dito, hindi na daw kasi sya bat para sumama sama sakin, e ang sabi ko kila tita Sandra mo naman tayo pupunta tapos ayun matapos ang ilan taong pilitan sumama din" mahabang paliwanag ni tita Kate.
Tsk talagang ayaw akong makita ano pa ko pagkatapos nyang umamin sakin tapos halikan si Liana mas ayoko syang makita.
"Mom, tita punta na po kong Garden goodluck na lang po sa pag bake, penge na lang po pagkatapos" Sabay peace sign ko, tinignan ko naman tong nasa harap ko wala talagang balak mag salita tsk bahala sya.
"Sige isama mo na lang si Steve para hindi ma boring yan" Suggest ni tita Kate. Naku naman ngayong ayaw ko syang makasama tsaka naman pinipilit na mag sama kami, ano ba talaga tadhana.
Hindi na ako nag salita tanging ngiti na lang ang sinagot ko. Hindi rin kasi nila alam na may gantong bagay na nangyayari samin ni Steve.
Nararamdaman kong may sumusunod sakin, nakakainis naman tsk. Hindi ko na sya pinansin at umupo na sa sofa dito sa Garden.
Kitang kita ko sa gilid ng mata ko ang pag upo nya. Bahala sya kung ayaw nyang mag salita edi wag
Dapat nga ako yung nagagalit kasi nanghalik sya ng babae tapos alam kong mahal nya pa ko hays
Hindi ko na lang sya pinansin at tinry na ipikit yung nga mata ko, gusto kong makatulog para paggising ko tapos na ang mga tense.
....
Dahan dahan kong minulat ang mata ko dahil pakiramdam ko may taong palapit sakin.
Agad ko sya naitulak ng muntik ng maglapit ang mga labi namin. "Ano ginagawa mo!" Galit na sabi ko sa kanya. Pagkatapos mong humalik ng babae hahalik ka din sakin tsk.
Hindi ko na hinintay pang mag salita sya kasi as if naman na magpapaliwanag sya.
Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko at pwersang hinila sa lap nya. "What the Ano bang ginagawa mo" pilit kong inaalis ang sarili ko sa lap nya. Bwisit baka makita kami nila mommy. "Ano ba baka makita tayo nila mom!". Sumilip naman ako kila mommy mukhang busy talagang mag bake at hindi namamalayan yung nangyayari.
Sumuko na kong bawiin ang sarili ko sa kanya dahil kulang ang lakas ko para makaalis sa lap nya.
Hindi ako nakatingin sa kanya pero ramdam kong seryoso syang nakatingin sakin.
Lumipas na ang 2 minuto pero wala talaga syang balak na paalisin ako. Dahan dahan akong tumingin sa kanya
Dug dug dug dug dug dug.....
Ang ganda ng mga mata nya. Dito siguro ako nahulog kaya minahal ko sya dahil sa mga nangungusap na mata nya.
"Mahal kita jenince, pero wag mo na sana akong pahirapan" Bigla nyang sabi. Ngunit nakatingin lang ako sa mga mata nyang nangungusap. Bakit ganito yung tibok ng puso ko mas mabilis pa kesa noon.
"Mas nahihirapan ako" Hindi ko alam kung bakit ko to na sabi pero alam kong ito yung kanina ko pang gustong sabihin.
"Nagseselos ako sainyo" Kitang kita ko sa mata nya ang lungkot. Pero bakit? Wala dapat syang ikaselos kay James kasi turing ko lang dito ay good friend. Dapat ako ang may karapatang mag selos dahil umamin sya saking mahal nya ko pero kinabukasan ay hinalikan nya si Liana
Nakakuha ako ng tyempo para maka alis sa lap nya. Nakatayo ako ngayon sa harap nya at nakatingin lang sya sakin. "Bakit ang gulo mo, mas ginugulo mo isipan ko" Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto kong makita ang bawat reaksyon na ilalabas nya ngayon.
"Sorry kung magulo ako, pero alam kong ikaw lang ang mahal ko" Diretso nyang sabi. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil may Liana syang hinalikan nung nakaraang buwan
"Mahal mo ko pero mas mahal mo si Liana kasi hindi mo sya hahalikan sa harap ng maraming tao kung wala lang" Sabay alis ko. Dumiretso ako sa kwarto ko at nilock ito, Tama lang naman ang sinabi ko kaya wala akong pagsisisihan doon.
"Hindi ka nanghahalik ng babae basta basta sa harap ng maraming tao pero hinalikan mo si Liana, doon pa lang talo na ko, kasi kahit anong pilit kong sabihin na ako ang first kiss mo talo padin ako kasi ako sating dalawa lang pero sya sa maraming tao"
Ang mas masakit doon sabi mo sa akin nung bata tayo "hahalikan ko lang sa maraming tao yung babaeng mahal na mahal ko"
"At alam kong hindi ako yun kaya nasasaktan ako".....
BINABASA MO ANG
My Childhood Crush
Teen FictionBata pa lang kami ay gusto ko na sya, Pero pinag tutulakan nya ako sa iba. pano kung isang araw ako naman ang sumuko at sya naman ang gagawa ng way para hindi ko sya sukuan. Ako nga pala si Jenince Ferrer Villaneuva na umiibig sa childhood bestfrie...