Sa wakas nandito na rin kami sa boracay. Nilasap-lasap ko ang napaka sarap na hanging tumatama sa'kin.
"Mmmm fresh air"
Kinakausap na nila Mom and Dad ang hotel na pagtutuluyan namin.
Nakatayo lang ako dito sa tapat ng hotel iniisip kung anong gagawin sa loob ng tatlong araw na pamamalagi dito.
"Sana lang manahimik muna sya kahit sa dadarating na tatlong araw lang" bulong ko sa sarili. Tinutukoy ko si Liana, ayoko namang masira ang pag stay namin dito kaya sana lang makisama sya.
"Ang lalim mo naman"
Napalingon ako sa nag salita. Si Xander pala buti na lang talaga kahit papaano may makaka-usap ako.
"Anong iniisip mo?" Tanong nya ulit.
Lumingon naman ulit ako sa napaka-gandang dagat na nasa harapan ko. "Iniisip lang kita" sabay ngiti...Nakaramdam ako ng katahimikan kaya tumingin na ulit ako sa kanya...Hindi maipinta ang mukha nyang nakatingin sa'kin
"Tignan mo to...mali ata pagkakaintindi"
"Hoy Lollipop boy wag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano dyan...Ang ibig kong sabihin naiisip kita dahil may makaka-usap narin ako sa wakas" kitang kita ko ang pagbabago ng itsura nya. Sabi ko na assumero talaga to tsk.
Tumayo sya ng deretcho at tumingin sa'kin. "A-alam ko tsk...E bakit h-hindi mo isipin si Steve tutal may gusto ka naman doon" ramdam ko ang kapahiyaan sa sinabi nya.
Hindi ko na lamang sya sinagot dahil nandito ako para mag enjoy.. Hindi para alalahanin ang nakaraan.. Sinabihan ko sya kanina sa plain na ikikwento ko sa kanya ang lahat pero dahil tinatamad ako saka na lang.
Ilang minuto pa ang lumipas ng marinig ko na ang boses nila Mommy.
"Sino-sino ang pwedeng mag sama sa kwarto?" Rinig kong tanong ni Tita Kate
"Anim na Room na lang ang Available... Kailangan nating hatiin to sa'ting lahat" sagot ni Mom
"Bakit hindi na lang natin ipag share ng bed ang mga chidos" suggest ni Tita Kim.
"Alam mo minsan talaga may silbi ka" sabi ni Tita Kate at sabay tapik sa balikat ni Tita Kim.
Di ko alam ang storya nila noong bata pa lang sila pero rinig ko na hindi naging ganon kaganda ang samahan nila..Pero di na importante yun kasi look at them, kung wala lang silang pamilya mukhang hindi mo sila mapaghihiwalay e.
"Ako pa ba..ako lang naman ang may sense dito" sabay kunwaring naiinitang paypay nya sa mukha nya.
"Tama na yan...ito na nga dahil apat ang Parents at apat ang chidos mag sasama sama ang mag-asawa at sa chidos naman ay si Xander at Steve ang mag kasama sa kwarto at lastly si Liana and Jenince ang mag shashare ng Room" mahabang paliwanag ni Mommy.
Tatanggi na sana ang ng maunahan na naman ako
"Tita pwede bang kila Mom na lang ako makishare" iritadong tanong ni Liana.
As if naman na gusto ko syang kasama tsk... Naunahan mo lang talaga ako psh.
"Naku Liana wag ka ng makisiksik sa Mom and Dad mo. Pano makakabuo yan ng Little angel nyo" mapang-asar na sabi ni Tita Kate
Nakita ko namang hinampas sya ng mahina ni Tita Allaine.
Ang mga daddy's pala ay magkaka-usap pa'rin ngayon.. Kita mong miss talaga ang isa't-isa.
Aarte pa sana sya ng pandilatan sya ng mata ni Tita Allaine...napaka-arte e kung may choice lang talagang hindi ako makiki-room sayo psh.
"Kwentuhan mo'ko mamaya ha"

BINABASA MO ANG
My Childhood Crush
Teen FictionBata pa lang kami ay gusto ko na sya, Pero pinag tutulakan nya ako sa iba. pano kung isang araw ako naman ang sumuko at sya naman ang gagawa ng way para hindi ko sya sukuan. Ako nga pala si Jenince Ferrer Villaneuva na umiibig sa childhood bestfrie...