Medyo mahaba to Guys Enjoy...
............
"Jenince's POV"
"Dito kana kasi umupo" pag pupumilit sakin ni James. Ewan ko ba dito balik na naman sya sa ulirat nya. Mas okay na ako sa ganto kesa yung kahapon nyang ugali.
"Oo na mag hintay ka kaya" Agad kong kinuha ang bag ko at itinabi ito sa kanya. "Oh yan masaya kana tsk" pano ba naman gusto nyang lumayo muna ako kay Steve kasi nakwento ko na yung nangyari tungkol sa pinag-usapan namin kahapon ni Steve.
Ngumiti na lang sya bilang sagot. Kinalkal nya ang bag nya at kinuha ang earphone. Tignan mo to papaupuin ako tapos mang iinsulto pa tsk. "Kung pina upo mo ko dito para insultuhin ako aalis na lang ako" akmang aalis na ako ng bigla nyang nilagay sa tenga ko ang isang bahagi ng earphone nya.
"Nagsusungit kasi kagad e" sabay tawa nya. Saka ko lang na realize na kaya nya kinuha ang earphone para pakinggan sakin tong music at hindi para insultuhin ako kasi alam nyang maingay akong katabi. "Someday yang title. Kasi hindi ako susuko na magustuhan mo din ako" lumapit yung mukha nya sa tenga kong walang earphone at bumulong "Someday"
Inilayo nya ang mukha nya ng biglang dumating ang dalawa. Napatingin ako sa mga mata nya. Katulad kahapon cold expression parin. Mukhang wala din syang balak alamin kung bakit hindi na ako yung katabi nya.
Hindi sinasadyang malipat ang mata ko kay Liana nakatingin pala sya sakin, mukhang nag-aalala ang mukha nya siguro baka naikwento na din sa kanya ni Steve yung nangyari sa pinag usapan namin kahapon. Iniwas ko na lamang ang tingin ko
Walang kasalanan si Liana, sadyang mahal lang talaga sya ng taong mahal ko.
Hindi maganda yung naging flow ng usapan namin ni Steve pero doon ko napatunayan na mahal nya nga si Liana.
At dahil doon, mas sumakit ang nararamdaman ko kasi feeling ko napakawalang kwenta kong tao.
.......
Nandito kami sa Canteen at syempre kasabay ko na naman ulit si James, wala naman akong kaibigan dito kundi silang tatlo lang. Pero yung dalawa hindi pa maganda ang ugnayan hayst.
"Ayaw mo ba nito?" Sabay turo nya sa pancake. "Akin na lang ha" kukunin nya na sana pero agad kong tinapik yung kamay nya.
"Tsupi wala akong sinabing ayaw ko nyan" biniletan ko sya. Napaka takaw nitong lalakeng to pero hindi naman nataba. Pinag patuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi na inintindi yung mga non sense na sinasabi nya
Pag angat ko ng tingin ay nakita ko silang magkasabay na naglalakad. Naghahanap ata sila ng pwedeng maupuan kasi kami na ang nakaupo dito sa upuan nila mommy kaya alam kong wala silang balak maki share.
Ang saya nilang nag uusap, samantalang kahapon pagkatapos ng confession ay biglang naging blanko ulit ang mukha nya atsaka kanina halos napaka blanko ng mukha. Syempre sino kaba sakanya ha jenince. Mas Mahal nya si Liana
Iniling ko ang ulo ko na parang nasisiraan ng ulo. Pano ba naman kasi napapansin ko napapadalas na nakikipag usap ako sa isip ko Whhaa I hate this baka mabaliw na kooo.
"Huy ayos ka lang?" Takang tanong ni James. Tumango na lamang ako at pinalo ang ulo ko. Ashhh nagiging weird na ko nakakainis!
Sinundan ko sila ng tingin at laking gulat ko ng napadako ang tingin sakin ni Steve, dire diretso silang naglalakad papunta sa kinakaupuan namin. Wag nyang sabihing makikipag share pa sila samin. Jusko wag naman sanaaaa ang awkward pag nagkataon.
Pero mukhang tama yung hinala ko. Umistop sila sa tapat namin, hindi ko sila tinitignan kasi ang awkward goshh. "Ahm Jenince pwedeng maki share ng table?" Mahinahong tanong ni Liana. Inangat ko na ang tingin ko at tumango na lamang
BINABASA MO ANG
My Childhood Crush
Genç KurguBata pa lang kami ay gusto ko na sya, Pero pinag tutulakan nya ako sa iba. pano kung isang araw ako naman ang sumuko at sya naman ang gagawa ng way para hindi ko sya sukuan. Ako nga pala si Jenince Ferrer Villaneuva na umiibig sa childhood bestfrie...