"Jenince pov"
Nasa corridor ako at hinihintay ko sila steve at liana dahil hindi pa sila tapos sa groupings na ginagawa nila
Tinext ko muna ang driver namin na hintayin ako dahil may hinihintay din ako
Hindi ko kasabay na umuwi sila steve at liana pero dahil may gusto ako kay steve, mas gugustuhin kong makita sya at malaman ang mga ginagawa nya
Ilang minuto akong nakatayo dito sa labas ng bumukas na ang pintuan
"Oh bakit nandito kapa?" Takang tanong ni liana
"Wala lang, gusto ko lang kayong makasabay pag labas" sabi ko at sabay lapit ko kay steve
"Pwede bang katabi kang mag lakad?" Nakangiti kong tanong
Naramdaman kong lumayo sya bigla sa akin na tila nandidiri
"Ang arte mo talaga. Kung hindi lang kita gusto binatukan na kita sa kaartihan mo" nakasimangot kong sabi
"Mauna kana ayokong may kasabay na maingay" cold nyang sabi
Tinarayan ko kang sya. "Bahala ka sa buhay mo, sa ayaw at sa gusto mo sa tabi mo ako maglalakad palabas" sabay hila sakanya
"Halikana liana" tawag ko dito dahil naka stop lang sya kanina
Sumunod naman sya agad
Patuloy akong nag lakad habang naka hawak parin sa braso ni steve
"Uy hindi sya nagrereklamo. Siguro gusto mo narin ako noh" sabay tawa ko
"Wag kang assumera. Ginagawa ko to para hindi magalit sakin si liana. tandaan mo ginagawa ko to para kay liana" diniinan nya talaga ang huli nyang sinabi.
"Wala akong pake kung dahil kay liana lang to, ang akin ay nahahawakan na kita ng walang arte pa" sabay tawa ko
Kinindatan ko naman si liana dahil sinabihan nya itong si steve na wag maging hard sakin
Nginitian nya lang ako at nag patuloy na sa pag lalakad
Ng makarating kami sa labasan ay humiwalay na ako kay steve
"Bukas ulit ha" nakangiti kong sabi sakanya
"Tsk" narinig kong angil nya
"Tandaan mo din. Kapag hindi mo sinunod si liana magagalit sya sayo" sabay kindat ko sakanya. Tinarayan nya lang ako
"Osya bye na, salamat liana, goodbye steve" paalam ko
"Bye" sabi ni liana
Sumakay na ako ng kotse upang maka uwi na
Nandito na ako sa bahay at sinalubong ako ni mommy
"Bakit nandito ka kagad mommy?" Takang tanong ko. Ang alam ko kasi mamayang gabi pa ang uwi nya
"Nag pa leave ako ng maaga para sayo. Diba kanina gusto mo ng kausap? So kaya nag pa leave ako" sabay hawi nya sa buhok ko
"Wala naman po akong masyadong ikikwento sainyo" sabi ko
"Nanay mo ako anak. Kaya alam kong may gusto kang sabihin sakin" nakangiting sabi nya sakin
Niyakap ko sya. "Mommy sorry po talaga, kasi ang baba ko lagi sa quiz ko" malungkot kong sabi
BINABASA MO ANG
My Childhood Crush
Novela JuvenilBata pa lang kami ay gusto ko na sya, Pero pinag tutulakan nya ako sa iba. pano kung isang araw ako naman ang sumuko at sya naman ang gagawa ng way para hindi ko sya sukuan. Ako nga pala si Jenince Ferrer Villaneuva na umiibig sa childhood bestfrie...