Sorry Guys ngayon na lng ulit nakapag update sa sobrang haba ng panahon. Pasensya na talaga, sana may naghihintay parin ng update ko. Sorryyy enjoyyy...
..............................
Jenince pov
Nagising ako ng umaga at hindi na tinangka pang buksan ang phone ko. Wala naman atang magtetext kaya pinabayaan ko na muna sa lamesa ko.
.....
Nandito na ako sa FU ng magkasabay kami ni james sa paglalakad
"Ayos kana ba?" Tanong nya habang naglalakad kami
Naalala ko na naman yung kahapon, sa totoo lang hindi ako okay ngayon. Sariwang sariwa pa yung nangyari kahapon. Hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad
"Alam kong hindi ka okay" kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin nya sakin. Patuloy parin akong nag lakad kasi hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko sa mga tanong nya
"Ano ba james saan mo ba ko dadalhin!" Hawak hawak nya ang kamay ko at dali dali akong kinakaladkad palabas ng FU. "Ano ba james malalate tayo sa klase!" Pero parang hindi nya naririnig ang sinasabi ko at patuloy na hinila ako hanggang makalabas.
"Ano bang problema mo james. Bakit ba nanghihila ka dyan!" Inis na sabi ko. Nakita ko sa mata nya ang pag-aalala sakin. Iniwas ko ang paningin ko dahil ang awkward ng tinginan namin
"Alam kong hindi ka okay kaya.." Kinuha nya ang bag ko at isinabit ito sa kabilang braso nya. "Pupunta tayong arcade" Wala na akong nagawa dahil hinila nya ulit ang kamay ko. Yung totoo anong meron dito kay james tsk wala pa naman ako sa mood mag laro wrong timing hindi ko lang din ma eenjoy.
.....
"Oh ito treat ko na yung ticket mo halika na" Hinila nya ako sa kabayong umiikot at pilit na pinapasakay ako dito. "Sumakay kana kasi tsk bubuhatin kita dyan" wala na akong na gawa kaya umakyat na lang kagad ako.
"Ano bang meron sayo ngayon ha james" tanong ko sa kanya kasi kanina pa nagugulahan tong utak ko. Alam ko namang cute ako pero duh hindi ako kaladkarin.
"Mag enjoy ka na lang, iwas stress" Sabay andar ng kalesang laruan dito. Ackkk gusto ko ding piliting mag enjoy pero hindi ko magawa nakakainis.
Pagkatapos ng 2 minutes ay natapos na din kagad to. Nahirapan akong bumaba kasi napakaliit ng kabayong to tapos ang laki kong tao haynako talaga tong lalakeng kasama ko hindi ko malaman kung anong trip sa buhay
...nakisakay ka din naman.....Epano ba naman baka buhatin pa ako mas nakakahiya naman yun"Halika dito jenince turuan kita mag baril barilan" Agad nyang hinila ang katawan ko at sinakot nya ito ng katawan nya. Medyo nailang ako sa posisyon namin ngayon.
Agad kong tinulak si james kasi nahahalata kong pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. "Ano ka ba umalis ka nga marunong naman akong bumaril, gusto mo barilin kita" sabay tutok ko sa kanya ng fake gun.
Hindi ko na inisip pa ang nangyari kahapon. Hinayaan ko na lang ang sarili kong maging masaya ngayong araw. Tama si james pangpawala nga to ng stress.
Natapos na kaming mag laro kaya napag desisyunan naming kumain ng ice cream.
"Anong flavor ng sayo Jenince?" Tinignan ko ang menu at saktong nandun ang favorite ko.
"Itong Strawberry akin" sabay ngiti ko. Binawi ko din ito dahil nagtama ang mata namin ni James. Ops Awkward again.
Umorder na si James ng ice cream at ako nananatiling naka upo lang dito sa tapat. Paano kaya kung si James na lang ang piliin ko?... Ashh nevermind Gusto ka lang nya Jenince hindi nya sinabing mahal ka nya.
Habang nag nakapila pa si James nilibot muna ng mata ko ang paligid. Buti pa dito kahit maraming tao hindi masyadong maingay. Marami ding mga taong papunta dito sa ice cream shop kasi rinig kong kakabukas lang daw nito.
Nahagip ng mata ko ang isang lalaki na hindi ko inaasahan na nandito sya. Tinignan ko lang sya habang nagtitingin ng mga damit sa "wait pang babae yung mga hawak nyang damit" nagulat ako sa nagsalita. Ngunit hindi ko na ito napansin kasi mas nagulat ako na mag kasama sila ni..."Sabi na nga e" biglang salita ulit ni James.
Inalis ko na ang tingin ko sa kanila at tumungo na lamang. Pero bakit din sila nag cut ng class? Inalis ko na sa isip ko ang mga pumapasok dito. Ashh nandito ako para mag saya pero bakit naman ngayon pa ulit sila nag pakita.
Oo mag kasama sila Steve at Liana. Bitbit ni Steve ang mga bibilhing damit ni Liana.
Napaka Selfish naman ng tadhana. Kung kailan nag sasaya ako Tsaka ipapakita silang dalawa. Tumingin ulit ako sa direksyon kung saan ko sila nakita pero wala na sila sa transparent wall kaya hindi ko na sila nakita.
"Nakita ko lahat ng nangyari kahapon" Napatingin ako sakanya dahil sa gulat ng sabihan nya ang mga iyon.
.....
Anong oras na kaya napagdesisyunan naming umuwi na.
Nakasakay kami ngayon sa kotse nila James. Tinawagan nya yung driver nya kanina habang nasa mall pa lang kami. Naririnig ko din kanina na sinasabi nya na wag daw maingay sa mommy nya na nag cut kami ng class loko talaga tong lalakeng to.
Aaminin ko nawala sa isip ko yung nangyari kahapon maliban nung nakita ko ulit sila. Parang nawalan ako ng ganang makipag usap. Pero nahiya ako sa kasama ko kasi alam kong hinihiling nya lang na sumaya ako.
"Ahm jenince nasa tapat na tayo ng bahay nyo" Tsaka lang ako bumalik sa sarili ko ng magsalita si James. "Sorry pala kanina kung bakit kailangan ko pang sabihin sayo yun" sabi nito at napatungo na lang
Hinawakan ko sya sa baba at dahan dahang inangat ito. "Shhh I want to say thank you James, You don't have to say sorry dahil hindi mo naman sinasadya" Nagkatitigan lang kami sa mata at inalis ko na ang pagkakahawak sa baba nya. "Thanks for today James napasaya mo ko, Don't worry sa nangyari kanina okay lang yun" tsaka bumaba na sa kotse nya. Sumilip ako sa window at ibinaba ang ulo ko "Bye Ingat" kumaway sya at kumaway na din ako.
Papasok na sana ako sa gate ng biglang. "Bakit hindi mo ako sinupot" halata sa boses nya ang pagiging cold. Dahan dahan akong humarap. Nagkasalubong ang mata namin pero agad ko ding iniwas ang akin. Sobrang lamig ng mga mata nya.....
BINABASA MO ANG
My Childhood Crush
Teen FictionBata pa lang kami ay gusto ko na sya, Pero pinag tutulakan nya ako sa iba. pano kung isang araw ako naman ang sumuko at sya naman ang gagawa ng way para hindi ko sya sukuan. Ako nga pala si Jenince Ferrer Villaneuva na umiibig sa childhood bestfrie...