~CHAPTER 19~
ZERO POV
Marami pa akong katanungan na hindi nasasagot.
at kasalukuyan padin akong naghahanap nang maisasagot.
marahil kailangan kong maglakbay para matagpuan ang nga iyon?
o matagal nang nasa tabi ko ang sagot?
tuloy tuloy ang paglutang nang napakaraming tanong sa aking isipan at ang tangi ko lamang na nagagawa ay tumingala sa kalangitan at pakatitigan ang mga bituin.
pero bakit parang may kulang? sa sinabi sakin ni angelique? kung ako ang ika-pitong tagapamahala nang ika-pitong trono, bakit ako nandito aa lupa? sabi ni angelique gusto niya akong ilayo sa iisang bagay..
ang bigat ba nang obligasyon? ang pasakit sa walang hanggan na pag eensayo nang mahika at kapangyarihan?
ano ang tunay na dahilan kung bakit ako naririto?
Kailangan ko nang sagot angelique..
mga sagot na tanging sa labi mo lamang manggagaling..
Napabuntong hinibga ako kasabay nang pagtingala ko muli sa mga bituin na nasa kalangitan at kasabay non ay ang pagtingala din ni flynn na nasa tabi ko..
binalik ko ang kanilang bond ni locket..ayokong gamitin ang ginintuang war maiden at idamay sila sa paparating na digmaan nang mga high gods na katulad namin, gusto kong hasain pa ang bago kong kapangyarihan na nanggaling sa goddess of truth na si terra at mula kay nero..
pero natatakot ako..takot akong mawalan ako nang control..
"Bakit?" biglang basag ni flynn sa katahimikan..
napatingin ako sa kanya at ibinalik ulit ang atensyon sa kalangitan at hinahayaan siyang magsalita para sa kanyang sarili.
"May patak din kami nang dugo nang High gods Zero, Bakit ayaw mo kaming isali?" pagtatapos niya..
tama siya..may patak din sila nang dugo nang High Gods pero sapat ba yon? at kung iisipin ko ngayon ang gusto kong gawin parang napaka impossible..
4 na High Gods laban sa isa? sinong bang niloloko ko dito?
nanatili akong tahimik at mas piniling hindi siya sagutin..gusto kobg iwasan ang kamatayan nang lahat gusto kong ako nalang ang sasalo non mag isa..
"kung iniisip mo na nag iisa ka..baka nakalimutan kong nandyan padin ang Goddess of Truth at si Nero..nasa sayo ang kapangyarihan nila hindi ba? kaya ang laban ngayon ay 3 laban sa 4..nandito pa kami na handang sumuporta sayo.." pagpapatuloy ni flynn at napalingon kaagad ako sakanya..
si nero..namatay siya sa kamay ko pati na si Terra, totoo nga bang hinabilin talaga nila ang kanilang kapangyarihan saken o sadyang mapaglaro lang ang tadhana ko?
"Digmaan ang magaganap flynn..Hindi sa lupa kundi sa kalangitan..hindi matutulis na espada ang magbabanggaan kundi mga pakpak at kapangyarihan..don't you get it? masyadong nakakamatay ang magaganap na digmaan.." tugon ko sa kanya at pinapaalala ang sitwasyon namin..
nakita ko ang pagguhit nang isang ngise sa kanyang labi at napapailing iling nalang ako..
"lahat nang digmaan nakakamatay zero.."
BINABASA MO ANG
UNKNOWN CREATOR [On Going ]
Fantasía[RECENTLY THE GOLDEN GODDESS] magic to magic.. a kiss to a kiss a goddess for a goddess.. a sacrifice for a sacrifice.. a prince for a prince.. and love..for what? love no longer existed in me when you left..I defied myself for who I truly am..I dev...