Page 6-2
Hindi madali ang naging buhay ko kasama ang tatlo kong mga kapatid. Sa loob ng dalawang taong pagtitiis sa pag tatrabaho ay nakapagtapos na nga si Loyd ng Highschool. Ang gaan sa pakiramdam na sa pagsusumikap mo'y di naging hadlang ang anomang naging pait ng kahapon. Ang importante ay ang ngayon, si Loyd ay nagdesisyong mag aral ng college bilang isang skolar sa isang public university. At si Patpat naman ay malapit ng mag Grade 10. Si Uweng naman ay Grade 1 na.
Kahit mahirap kakayanin ko. Para sa mga kapatid ko.Tungkol kay papa, wala na kaming balita sa kanya. Di nya kami binibisita sa bahay, kahit noong libing ni mama ay di siya sumipot. Kaya para sa amin. Wala na kaming kinikilalang ama. Ang tumutulong nalang sa amin ngayon paminsan minsan ay ang aming mga kalapit bahay. Minsan ang tiyahin namin sa kabilang bayan ang bibisita sa amin at kukumustahin kaming magkakapatid.
"KUYA! KUYA! HOY!" napatalon ako sa gulat ng may nagsisisigaw at kinakalabit ako sa kamay. Kaya napalingon agad ako sa king likod habang nakakunot ang noo ko.
"ANO?! MAY PROBLEMA BA?? BAKIT? SABIHIN MO?" natataranta kong usisa sa kapatid ko.
"Kuya! Ang OA mo! Ang baon ko. Kukunin ko lang po. May pa problema-problema pang nalalaman. Aseeees!" panunukso ng aking kapatid habang nakaismid.
"Eh kase naman po ang OA mo rin kase makahingi ng baon mo. May pa sigaw sigaw ka pa! Akala mo naman madadala ka na sa Going Bulilit. Oh ito baon mo. Sos kung di lang kita mahal wala ka talagang baon." pinaka walan na namin ang aming tawa na kanina pa namin pinipigilan.
"Bye kuya, Ingat ka sa trabaho mo!" habang papalayo ay kumakaway kaway si Uweng , Loyd at Patpat.
"Kayo rin mag ingat!" pabalik kong sigaw at sila'y nag tungo na papuntang eskwela.
Si Patpat ang maghahatid araw araw kay Uweng sa eskwela niya, at si Loyd iba naman ang tungo. Kase nalilihis ang kanilang destinasyon sa bawat paaralan na papasukan.
Nagbibihis at naligo na ako. At iilan pang oras ang lumipas ay matapos akong kumain ay nagpasya na akong tutungo sa trabaho.
Ilang minutong lakad ay nandito na ako sa may sakayan ng jeep. Naghihintay ng masasakyan para makapuntang Construction Site. At ng may jeep na ay nagsisakayan na rin ang aking mga kasama sa paghihintay sa jeep. Napuno naman agad ito kaya dali dali ring pina andar ang jeep.
Nang nasa byahe ako'y may isang lalaking nasa aking harap pero nasa may kanang bahagi siya ng jeep. Kaya di kami gaanong magkaharap. Naka sombrero ang lalaking estranghero, naka bota, nagsuot ng itim na antipara, mataas ang buhok na puti, pati balbas ay mataas na rin. Ang suot naman ng lalaki ay makapal na jacket na kayumanggi at naka loss faded tattered jeans. Suma total ay kung iyong pupunahin talaga ang kanyang pananamit ay mistulang ermitanyo na sa mga dungis ng kanyang damit.
Titignan ko pa sana siya ng mas matagal pero agad nagtaas ng ulo ang lalaki at tumingin rin sa akin. Bigla akong nangamba sa hatid na mabilis na pagtitinginan naming dalawa. Ako ang agaran na nag bitaw ng titigan kase may kung anong nagpa tayo ng aking balahibo.Di ko mamukhaan ang lalaki kase sa balbas niya at sa antiparang itim at sumbrero niya. Napansin kong malapit na pala ako sa aking trabaho kaya nagpasya agad akong kumuha ng piso para pamukpok sa may tubo para tumunog, ito ang senyales na bababa ng jeep. Pero ng wala akong makapang piso sa bulsa. Napatingin agad ako sa gawi na kung saan ako nakatingin kanina ng imbes na ako ang maghuhudyat ng aking pagbaba ay ang lalaking estranghero pa ang nagbigay daan para makababa ako.
Una siyang bumaba at sumunod na ako. Akala kong lalakad siya ay di papala, kaya ako'y natigilan rin at nagtaka sa kanyang bahagyang paglingon sa akin at tumingin. Ako'y walang lakas na humakbang kung di lang siya unang lumakad ay baka di rin ako makakalakad. Seems so weird, kahit anong gawin kong pag alala kung nakita ko na ba iyon ay di pa rin mahagilap sa utak ang imahe ng lalaki.
Iniiling iling ko nalang ang aking ulo, di naman ako pagod pero bakit parang nawalan ako ng lakas. Iba talaga ang feeling ko sa lalaking iyon. Nandito na ako sa may bukana ng opisina at pinuna agad ako ng aking mga kasamahan ko sa trabaho na naging kasabayan ko na rin.
"Kenjie! Pagkatapos nito ha! Mamayang gabi ulit sa may Tambayan." panghihikayat na naman ng mga barkada kong mga loko.
"Pag di busy pre! Alam mo na. Ako lang ang kasama ng mga kapatid ko sa bahay" paalala ko sa ka trabahong si Nilo.
"Sige pre! Pag naka luwag ka sa bahay niyo pumuslit ka nalang kahit saglit. Na miss ka na ni Sabrina!" panunukso ng gago.
"Wag mo kong lokohin Nilo! May lalaki na ulit iyong iba. Alam mo na basta pera." pagpapaalala ko sa kanya kung anong klaseng babae si Sabrina.
"Eh deny pa pre!" hanggang sa pag log in sa attendance sheet at pumuntang site ay puno pa rin ako ng tukso. Pati mga kasamahan namin ay tinutukso na ako.
Si Sabrina ay nakilala ko lang noon sa isang bar noong nagkayayaang mag inuman dahil nga birthday ni Nilo. At si Martin ang nagpakilala sa akin kay Sabrina. Kahit noong una ay pinipigilan kong mapalapit kay Sabrina dahil ayaw ko sa mga babaeng bayaran dahil iyon ang naging rason kung bakit iniwan ni mama si papa at naging sanhi naman ng stress at depression ni mama kaya namatay.
Di ko alam kung bakit ako nahulog kay Sabrina, kung mismo ang utak ko ang nagpapaalala na di dapat ibigin ang isang tulad niya. Pero ang puso ko'y tinatraydor naman ako at ipinipilit na isiksik si Sabrina sa loob.
Sa unang gabi ko sa bar, isang buwan ang nakalipas ay may nangyari sa aming dalawa. Siya mismo ang nanguna. Sinabi kong wala akong pambayad, pero binigyan pa rin niya ako ng pahintulot para gawin ko iyon sa kanya.
Ang unang pagkakataon ko, sa unang pag ibig na alam kong mali.
BINABASA MO ANG
K16 SERIES - Kenjie Garcia #2-COMPLETED
RomanceI want you. All of you. Your flaws. Your mistakes. Your imperfections. I want you. And only you. -Kenjie Garcia.