Page 22-2
Kinaladkad ko si Sabrina papalabas ng bahay.
"KENJIE! RELAX LANG PARE!" Sigaw sa akin ni Martin pero di naman s'ya sumunod sa amin ni Sabrina.
Nakalabas na nga kami ng bahay. Ayokong makagawa ng eskandalo sa harap ng maraming tao. Ayokong maging live show kung doon ko lantarang itanong sa kanya ang totoo.
Breathing in and out, kahit na sobrang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa pagkaladkad ko sa kanya ay kahit na huminga na ako ng malalim ay andoon parin ang kaba sa puso ko. Bakit ako kinakabahan? Samantalang siya naman ang aking tatanungin? Usal ko sa aking sarili.
"Why are you here?" Tanong ko kahit alam ko kung bakit siya narito.
"He-helping y-your f-family." Utal n'yang sabi habang nakayuko.
Iniangat ko bahagya ang kanyang ulo gamit ang aking hintuturo. Matapos n'yang maangat ang kanyang ulo ay hinawi ko naman kaagad ang aking kamay at tsaka bahagyang pinahid sa laylayan ng aking damit.
Bigla kong nakita ang pamumula ng ilong at panunubig ng mga mata ni Sabrina.
"Helping?" Pag-uulit ko sa rason n'ya.
Napa-iling iling s'ya. "Nag-iba ka na nga Kenjie." Tanging nasabi n'ya. Pero hindi naman nakatingin sa akin ang kanyang paningin.
"Nag-iba? Oh well. Lahat naman ng tao nagbabago kung nanaisin nila. Pero may iba ring nagbabago dahil ayaw nilang mamuhay sa parehong mundo na naging tanga ang isang tao." Paliwanag ko.
Nagpahid ng palihim si Sabrina ng kanyang mata. Dahil sa tumulong luha galing sa kanyang mata papuntang pisngi n'ya.
"Tsk, Am I that dirty?" Lakas loob n'yang tanong tsaka tumingin sa aking mga mata. Nabigla ako sa naging tanong n'ya. May kalituhan ang aking isipan. "...na kahit madampi lang ang kahit na manipis na balat sa akin ay nandidiri ka na."
Di ko maintindihan ang kanyang pasaring.
"Nandidiri?" Usal ko.
"H'wag na tayong magbiruan dito Kenjie!"
"Di ako nakikipagbiruan."
"Wala ka na bang sasabihin? O itatanong? Kase kung wala ay pupunta na akong bahay n'yo tutulong ako doon!" Tatalikod na sana si Sabrina ng hindi ako sumagot. Pero pinigilan ko s'yang makaalis.
"Di pa tayo tapos mag-usap Sabrina. May mga itatanong pa ako sa iyo.!" Pagpipigil ko sa aking sariling mailakas ang aking boses.
Humarap naman s'ya. "Itanong mo na!" Pasigaw n'yang sabi kaya nainis ako bahagya.
"Can you please lower your voice?" May pagmamarka sa aking boses.
"H'wag na nating patagalin pa itong usapang 'to Kenjie!" Aniya.
Tumahimik ako't nag-iisip ng unang itatanong.
"Ganito nalang ba? Titigan na lang ba?" Pagsasabi ni Sabrina.
"Ayaw ko mang balikan ang nakaraan pero kailangan kong itanong kung bakit.......kung bakit nandoon si Papa sa loob ng iyong sasakyan noong huli tayong nagkita?" Mahaba kong pasaring at tanong.
"N'on bang nakipaghiwalay ako sa iyo?" Balewalang sabi ni Sabrina.
Biglang may kumirot sa may bandang dibdib ko. Ang sakit marinig at balikan ang sitwasyong iyon.
"Oo." Kalmado ko namang sagot. Ayaw kong ipakitang naaapektuhan parin ako sa nakaraan namin.
"Saan mo ba gustong simulan? Doon ba sa nakipag break-" Pinahinto ko na s'ya sa pasaring n'yang mga salita.
BINABASA MO ANG
K16 SERIES - Kenjie Garcia #2-COMPLETED
عاطفيةI want you. All of you. Your flaws. Your mistakes. Your imperfections. I want you. And only you. -Kenjie Garcia.