Page 15-2

33 3 0
                                    

Page 15-2

Nangyari nga ang hindi inaasahang mangyayari. Ang nais ko lang naman ay ang maka-usap siya ng masinsinan. Dinala ko siya dito sa bahay para ipahayag ang totoo kong nararamdaman.

"So? Okay na?!" Bungad na tanong sa akin ni Sabrina. Di ko mawari kung anong nais niyang iparating gamit ang tono ng kanyang boses.

"Huh?" Pagtatakang tanong ko.

Bakit parang naiinis ka Sabrina?

Nagmamadali sa pag bibihis ng kanyang damit si Sabrina. Habang ako'y nakaupo lang dito at pilit ipinagtugma ang mga ginagawa ngayon ni Sabrina at ang pagka-inis niya na bigla.

"Saan ka na pupunta?" Pagtatanong ko ng matapos siyang magbihis ay tumayo siya at lumakad palapit sa pintuan ng aking kwarto.

"Uuwi na." Mahina pero alam ko ang tonong iyon.

"Uuwi? Bakit? Halika sa baba kumain muna tayo. Magluluto ako." Hinawakan ko ang kanyang braso pero bigla niya itong iniwas.

Nabigla ako. "Hindi na, may kliyente pa ako!" Napa 'huh' na naman ako. Sino ba kaseng kliyenteng iyan at masyadong pa VIP. Ngayon na nga lang kami nagkita muli ni Sabrina. Aagawin na naman ng kung sinong iyon ang oras naming dalawa.

"Kahit isang oras lang naman Sabrina. Alam mo na ngang ngayon lang ulit tayo nagkita. At tsaka marami pa tayong pag-uusapan." Napalingon si Sabrina sa akin ng sabihin ko iyon.

"Pag-uusapan? Oh sige! Sabihin mo na ngayon din at makikinig ako." Tumuwid siya ng tayo at tsaka inayos ang sarili at handa ng makinig.

"Doon na tayo mag-usap sa kusina Sabrina." Una akong lumabas ng kwarto. At tsaka tumungo sa kusina.

Ilang sandali'y rin ay sumunod naman si Sabrina.

Nang andito na kami sa mesa ay ipinaghila ko siya ng upuan..

"I can do that thing Kenjie!" Inagaw ni Sabrina sa akin ang ipinaghila kong upuan na para sa kanya.

"Ah, okay." Maikli pero may pagtataka ko pa ring pagsang-ayon sa kaniya.

"So what's now? Tititig ka na lang sa akin?" Nakatitig lang ako kay Sabrina at parang walang naririnig sa kanyang mga sinasabi. "...Alam mo? You're just wasting my......time" At tuluyan na ngang nakatayo si Sabrina sa harap ko.

"Wait!,Umupo ka na muna please, I'm sorry okay?....Ang ganda mo kase." Pagsasabi ko ng aking totoong nakikita sa kaniya.

Walang kahit anong emosyon ang mababakas sa mukha ni Sabrina..

"Talk, I will just listen!...dalian mo....may kliyente pa ako. Remember?" Pagbibigay niya ng notice sa akin.

Yumuko ako at nag-ayos ng sarili, tsaka ni ready ang aking dapat sabihin.

"Maaari ba kitang liga-" Naputol ang aking dapat sasabihin ng biglang nag ring ang kanyang telepono.

"Wait." Itinaas niya ang kamay niya at iminuwestra ang pagpapatigil sa dapat ko sanang sasabihin. "Excuse me!" Tumayo siya at lumakad papuntang labas ng bahay.

"Panira naman ng diskarte ang tumawag! Ang hirap kaya mag composed ng sasabihin tapos may eenterupt. Haynaku!!" Pagsasalita kong mag-isa dahil nga sa frustration na aking dinadama sa oras na ito.

Umabot pa ng kalahating oras ay wala pa ring bumabalik na Sabrina. Kaya napagpasyahan kong puntahan na siya at tignan ang labas.

Nasa may pintuan na ako ng sa di sinasadya ay narinig ko ang mga pinagsasabi niya sa kabilang linya.

"Oo nga po, I will. Okay,......I love you!.... Uuwi na ako mamaya, may binili lang ako sa Mall. Sorry iniwanan na kita doon ha..Oo na, asos! Osige I love you na ulit. Ingat ka bye!" Ibinaba na ni Sabrina ang kanyang telepono.

"May b-boyfriend ka na?" Nauutal kong sabi.

"Oo, bakit?" Pag-aalinlangan niyang sabi.

Natigilan ako sa aking narinig.

"M-meron? A-akala ko ba ....w-wala?" Di ma digest ng utak ko ang aking nalaman.

"Yes. I have a Boy-friend, lalaking kaibigan!" Pagkaklaro niya.

"Ah, akala ko yung ka relasyon." nagkamot ako ng ulo..

"Tsk, bumalik na nga tayo sa loob." Pag-anyaya niya ay nauna siyang pumasok. Nagbitiw siya ng malalim na buntong hininga.

"Bakit?" Takang tanong ko sa kanyang pag hinga.

"Ahh, wala naman!" Nawaglit ang aming topic ngayon ng muling ibalik ni Sabrina ang aming naiwan na usapan kanina.

"Yung dapat mo sanang sabihin. Ano nga ulit yun?" Bigla na naman bumilis ang tahip ng aking puso sa naging tanong niya sa akin.

"Ahh, kase,....gusto ko sanang.....manligaw!" Buong lakas ko ng pag sasabi kay Sabrina habang ang dalawang mata ko'y nakapikit at pinipigilan ko talaga ang paghinga ko.

"Ba-liw!" Tinampal niya ako kaya nabitawan ko ang paghinga kong pinipigilan ko kanina. ".......at bakit naman hindi!" Sabay bitiw ng ngiti niya sa akin.. At kung nakakamatay ang ngiti. Kanina pa ako naiburol. Joke lang. Baka magkatotoo pa.

"So, okay na? Pwede na ba akong magsinula sa panliligaw ko sayo? Gusto mo lulutuan kita para sa unang step ko para sa panliligaw sayo? Kase sabi nila 'The way to a Womans Heart, through her stomach'.....oh diba.?" Mahaba kong pahayag sa kanya. At bahagya naman siyang natawa.

"Palabiro ka talaga Kenjie!" Napatawa na rin ako sa kanyang pagtawa. Nakakagaan ng loob pag kasama ko siya. Para sa akin, nagiging perpekto ang imperpekto kong mundo ng makasama ko siya ng buong-buo.

Teka nga! Nagiging corny na ako ah! Umayos ka Kenjie! Lumakad ka na at magluto!

Pagbibigay paalala ko sa aking sarili. Tumayo na ako at papalakad na sana papuntang kusina ng bigla akong tinawag ni Sabrina.

"Kenjie!...." Pagtawag niya sa aking atensyon kaya napatigil ako sa paglalakad patungong kusina. "H'wag na lang pala." May pag aalinlangan ang kanyang boses. Pati ang kanyang mukha ay may bahid ng kung anong kalituhan.

"Huh!? Anong huwag? Ang ipagluto ka? Ang gawin ko ang unang hakbang ko na ligawan ka? O..........." Pagputol ko sa king sasabihin.

"H'wag mo na akong ligawan pa!" Pagpapatuloy niya ng dapat ko sanang sasabihin.

Nalungkot ako bigla. Ang kaninang saya na aking nadarama ay biglang lumagapak at nawala.

May ngiti sa labi sa mukha ni Sabrina kaya napatanong ako. "Are you playing my feelings Sabrina. H'wag naman ganyan. Ang sakit eh!" Malungkot kong sabi. "Di pa nga ako nagsisimulang manligaw, basted na!" Yumuko na ako at nalungkot na ng tuluyan.

"H'wag mo na akong ligawan kase -" Pinutol ko na ang kanyang sasabihin. Ayokong masaktan pa nang sobra.

"Okay, Oo na. Wag mo namang ulit-ulitin. Kase ang sakit e! Sobra!" Nanuot ang sakit sa aking puso. Di ko ma explain ang sakit nito.

"...... Dahil sinasagot na kita!" Nagpantig bigla ang aking pandinig at napataas ng ulo." Ano?"  Taka kong tanong.

"Ayokong manligaw ka pa sa akin. Kase sinasagot na kita. Tayo na!"

"TALAGA?? TAYO NA???" At napayakap ako ng mahigpit kay Sabrina..

GRABE FOR REAL! KAMI NA!

K16 SERIES - Kenjie Garcia #2-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon