Dedicated to : KhunnieSouthpaw
A/N: HELLO SA LAHAT NG BUMABASA NITONG "KENJIE GARCIA K16 SERIES" NAIS KO PONG IPARATING SA INYONG LAHAT ANG LABIS KONG PAGKAGALAK DAHIL HANGGANG SA HULI AY NAGBABASA PA RIN KAYO. SA NAKITAWA, NAKIKILIG, NAKIIYAK, AT NAKITAKOT. MARAMING MARAMING SALAMAT PO.
WAKAS
SABRINA'S POV
"I do father," Maligaya kong sagot sa napakagandang katanungan ng pari sa harap namin ni Kenjie.
Yes, sa nakalipas na pitong buwan ay di na rin namin pinatagal pa ang aming relasyon. Di na rin ako hinyaan ni Kenjie na mapatagal ang aming kasal. Sabi pa nga n'ya 'Dapat ang pinapatagal ang relasyon, hindi ang ligawan' dahil sa sinabi niya ayun binatukan ko. Ang corny kase.
"I do father!" Napabalik ako sa aking sarili habang nakatitig parin kay Kenjie, makikita ko sa mga mata n'ya ang galak na nadarama.
"I announce you, Husband and Wife, You may now kiss the bride." Sabay halik sakin ni Kenjie ng bigyan na kami ng basbas ng pari.
"Eng shelep!"Bulong sa akin ni Kenjie, at natawa ako.
"Baliw! Gusto mo walang honeymoon huh?" Pagbibiro ko sa kanya. Nag iba naman ng timpla ang kanyang mukha.
"Nagbibiro lang e," Nagsa-sad face ang loko. Kaya niyakap ko nalang siya.
Nakaharap na kaming lahat ngayon sa mga taong malapit sa aming mga puso. Nagsipalakpakan sila sa amin at may iba ring lumalapit sa amin para makipicture. Hanggang sa lumipas pa ang ilang minuto ay malapit na ring matapos ang picture taking. Kaya pumunta na kaming reception hall.
"Kenj, may sasabihin pala ako sa'yo. Sana wag kang mabibigla." Pa suspense kong sabi sa kanya.
May bahid ng pangamba ang kanyang mukha.
"Hmm, kase," Pagbibitin ko.
"Ano?" Naiinis na ang loko.
Pero may lumapit sa amin kaya di ko tuloy nasabi ang gustong sabihin.
Hanggang lalo pang naging marami ang lumapit sa amin.
"Congratulations Mr. And Mrs. Garcia!" Bati naman ni Martin ng lumapit ito sa amin.
"Uy! Bro! Long time no see! Buti't pinaunlakan mo ang imbetasyon namin." Pagbati ni Kenjie sa kaibigan niyang si Martin.
"Kaya nga Bro e, naging busy na kase ako sa trabaho. Balik Fitness Zip na kase, maraming appointments kaya wala ng time mag lakwatsa.
"Ganoon talaga pre. O ngayon? Parang ako pa ng naunang matali sa iyo. Noon nga'y ako pa ang pinagtutulakan mong manligaw na para may aakay sa kin sa pagtanda. Ano na ngayon?" Lakas loob na biro ng asawa ko.
Ang sarap pala sa feeling na may matawag na 'Asawa Ko' parang ramdam ko na ang pagiging isang babae. Yung may gagampanan ng sariling pamilya. Lalo na ngayon at..
"Ikaw Sabrina, kumusta ka na?" Tanong naman ni Martin sa akin.
"Heto, may asawa ng loko-loko."Sabay baling ko kay Kenjie na asawa ko. At napatawa sa naging reaksiyon niya.
BINABASA MO ANG
K16 SERIES - Kenjie Garcia #2-COMPLETED
RomanceI want you. All of you. Your flaws. Your mistakes. Your imperfections. I want you. And only you. -Kenjie Garcia.