Page 17-2
"Ihahatid na kita," Pag-anyaya ko sa kanya. Tinawagan kase siya ng mama niya. May naghahanap daw sa kanya sa kanilang bahay. Kaya nag 'okay' nalang rin ako.
"Hindi na, ako na. Andito na naman rin mga kapatid mo. Tsaka malapit lang naman ang labasan dito."
Di ko pa rin siya tinantanan.
"Ang kulit e," Napaharap siya sa akin at lumakad palapit sa akin at hinalikan ako sa labi. Kaya napapitlag ako sa biglaang ginawa niya.
"Asos! Halik lang pala ang nagpapatigil sa iyo. Sige na! Bumalik ka na dun sa bahay niyo at kaya ko ng umuwi mag-isa." She stated.
"Okay fine. Basta mag-ingat ka ha?" Paalala ko naman sa kanya.
"Opo Sir!" Akto niyang sumasaludo.
Ginulo ko ang buhok niya "Baliw!" At ngumisi siya ng malapad tsaka tumalikod na. Habang ako'y nakatayo pa rin dito sa pwesto ko.
Tatalikod na sana ako ng tawagin niya ako.
"Bye!" She waved at me. Kahit na malayo na siya sa pwesto ko. Kaya sinundan ko nalang muna siya ng tingin.
Tumalikod na ako at papasok na ng bahay ng may tumapik sa balikat ko.
"Pre!"
"U-uy Martin! Naligaw ka yata!" Pagbibiro ko sa kanya.
"Ugok! Ikaw sadya ko dito! Magpapasama sana ako sayo sa Bar ngayong gabi! Gala tayo!" Sabay pagtataas-baba ni Martin sa kanyang kilay.
"Bakit? Ano bang okasyon?" Usisa ko naman.
"Wala, It's just a plainly gala!" He answered.
"Kunsabagay, wala na naman rin akong gagawin dito sa bahay mamayang gabi. Pero uuwi tayong maaga ha!" Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Oh sure!" Angas na tango niya sa akin. "Teka! Oo nga pala! Yung babaeng yun ba kanina. Si Sabby ba yun?" Pagtatanong niya sa akin.
"Ah, Oo!"
"Anong ginagawa nun dit-.....Ahhhhh! Alam ko na!" Nagtataka ako sa kanyang mga sinasabi.
"Anong alam mo na?" Pagbalik tanong ko.
"Patanong-tanong ka pa d'yan!....Sabihin mo na kase, Anong ginagawa niya ba dito kanina?" Lumapit siya sa akin at parang bumulong-bulong sa akin.
Kaya tinampal ko ang kanyang ulo.
"Aray naman!" Sabay hawak niya sa kanyang ulo na bahagya kong sinapak.
"Baliw ka kase! Kung anu-ano nalang ang mga naiisip! Pumunta iyon dito kase nga ...." Pagpuputol ko sa sariling sasabihin.
"Kase?" Tanong niya at matagal na naghintay sa aking kasunod na sasabihin.
"......kase nga po,"
"Aba't inu-opo pa ako ng loko!" Pagsasalita niya naman sa akin.
"Mas matanda ka pa kaya sa akin. Baka nakalimutan mo na!"
"Eh! Iniiba mo naman ang usapan natin e! Ang tanong ko muna sagutin mo!" Pagbalik niya sa naunang usapan.
"Yun nga e! Ikaw kase e, kung san-san na napunta ang usapang ito.!"
"Okay, sige na nga!....So ano na?"
Lumakad ako paputang bahay, tinatawag pa rin ako ni Martin pero binalewala ko lang siya.
"Hi mga bata!" Bati ni Martin sa mga kapatid ko ng nakapasok na siya sa aming bahay.
BINABASA MO ANG
K16 SERIES - Kenjie Garcia #2-COMPLETED
RomanceI want you. All of you. Your flaws. Your mistakes. Your imperfections. I want you. And only you. -Kenjie Garcia.