Page 5-2

42 5 0
                                    

Page 5-2

Two weeks had passed simula ng iniwan kami ni papa. Si mama ay dalawang araw after siya naospital ay nakalabas rin. Nahimatay lang daw siya dahil sa stressed sabi ng doctor.

Two consecutive weeks narin akong kayod kalabaw sa aking pinagtatrabahoang Construction Site. Dahil kung hindi ko gagawin ang obligasyon ko bilang panganay. Baka mahinto pa sa pag aaral ang akibg kapatid.

Si mama ay patuloy parin sa pagiging kasambahay. Pero sa ibang bahay na. Umalis na siya doon kina Sir Eusibio dahil sa nagawa niya. At nakompirma ko nga na tama si mama ng hinala. Dahil ngayon ay nasa isang bar ako dito sa aming syudad.

Everynight na akong nagpupunta dito para maibsan ang aking paghihirap na nararamdaman. Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa ama ko at sa kasambahay noon ni Sir Eusibio.

Hawak hawak ni papa sa baywang ng babae at naglalampungan sila sa pinakagilid na parte nitong club. Naaasiwa ako at naiinis sa ginagawa nila. Lalo pang umusbong ang pagkamuhi ko sa aking ama.

Napagtanto kong mas mabuti na nga na siya na mismo ang umalis kundi! Di ko alam kong ano ang aking makakayang gawin. Bago pa ako matamaan ng alak. Nagpasya nalang akong umuwi sa bahay. Hating gabi na, at sigurado akong tulog na ang mga kapatid ko at si Mama.

Lumabas akong tahimik sa maingay at madilim na club na iyon. Ayaw ko pa sanang lumakad, pero ang aking ama ay andoon. Nasusura ako sa kanyang ginagawa. Ke tanda-tanda na pero naglalandi parin sa mga babaeng mababa ang lipad.

"Pre! Uuwi ka na?" may tumawag sa aking pansin kaya naputol ang pag iisip ko ng malalim.

"Ahh Oo Pre! Hating gabi na rin. May trabaho pa ako bukas." sagot ko sa kanyang tanong.

"Oh sige Pre! Ingat! May chikababes pa kase akong aasikasuhin mamaya." malapad na ngisi ang iginawad ni Martin sa akin.

Si Martin iyong instructor ko sa Zip Gym noon. Isa rin yun sa mga mahilig sa mababang lipad kaya palaging tambay sa mga ganitong lugar. Wala pa rin kaseng asawa kaya ganoon. Di daw kase siya na niniwala sa pag-ibig.

Maski nga ako, bente na ako, pero ni sinu-sinong mga babae na ang nagtatapst ng kanilang nararamdaman sa akin. Pero binabalewala ko lang sila.  Ayaw ko lang kaseng makasakit ng tao. Lalo na ngayon sa ginawa ni papa sa mama ko.

Sobra akong nalulungkot sa pag iwan ni papa kay mama. Pinagpalit niya ang aking ina na lubos na nagmamahal sa kanya.

Di ko na inalintana ang madilim na parte ng daan papunta sa aming bahay. Bago makapasok sa bahay, ay bahagya muna akong kumatok kahit alam kong walang tutugon dahil tulog na sila.

Pero isang katok ko pa lamang ay nagulat ako sa pagbukas ng pintuan. At doo'y nakita ko si mamang dugoan. Hindi ko na inalintana ang pagitan ng mga mesa at upuan sa aking kinatatayuan.

Agad akong tumakbo at nag uunahan sa pag kabog ang aking puso.

"MA! ANO BANG GINAGAWA MO MA!" di mawari ang aking kaba sa mga oras na iyon. Maraming dugo ang nagkalat sa sahig. Ang kamay ni mama ay nalunod sa sariling dugo.

Dahil sa ingay ng aking pagsisigaw ay agad napukaw ang mahimbing na pagkatulog ng aking mga kapatid. Pati mga kapitbahay ay agad dumalo sa kin upang ako'y tulongan sa pag akay ng aking inang walang malay.

"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA ! DALI!" Wala na ako sa aking sariling isipan sa mga oras na iyon. Kung mawawala si mama paano na ako! Pati mga kapatid ko. "MA! KUMAPIT KA MA! WAG MO KAMING IIWAN MA!" andito na kami ngayon sa loob ng Emergency Van, at agarang napuna ang mapupungay na mga mata ni mama.

"MA!" tanging naisigaw ko sa pagkagulat ng makita na nakadilat si mama.

"Anak, Ken-jie, pata-warin mo a-k-ko sa g-gina-wa ko nga-yon. Al-alagaan m-mo ang m-mga kap-patid mo ha? M-mah-mahal na m-mahal k-ko kayo." pagkatapos sabihin iyon ni mama sa mahirap na pagsasalita. Ay nangamba ang aking puso ng di na ulit dumilat ang mata at ni galaw ay wala na.

"MA! LUMABAN KA MA! ANO BA MA! WAG KA NAMANG MAG BIRO MA!KAILANGAN KO ANG LAKAS MO MA! MAAAAAAAA!" pero kahit anong sigaw ko ay di ko parin nagawang gisingin si mama.

Nang nakarating kami sa ospital ay di parin humuhupa ang aking mga luha. Pati mga kapitbahay namin ay nandoon kasama ng aking mga kapatid.

"Kuya? Ang mama? Okay na ba siya?" wala akong lakas magsalita at tumugon sa mga tanong ng aking mga kapatid. Tanging nagawa ko nalang ay ang umiling.

"wal-wala na si Mama kuya? Hin-hindi! Hindi yan totoo!" nag uunahan sa pag iyak ang aking mga kapatid. Tanging yakap ko nalang ang aking nagagawa sa gitna ng paghihinagpis.

Nagsiiyakan na ang aking mga kapatid. At ako'y aking mga luha'y buong lakas na ipinapalis.

Ayokong maging mahina sa harap ng aking mga kapatid! Ako nalang ang nagsilbing magulang nila. Kaya kailangan kong magpakatatag para sa kanila.


Isang linggo ang nakalipas ay nailibing na nga si mama. Tanging iyak lang ang naririnig ko sa buong burol ni mama. Mga iyak ng aking kapatid ang namumuno sa lahat. Habang tapos na ang libing. Ay andito pa rin kaming apat sa sementeryo.

"Kuya? Andoon na ba si Mama sa langit?" walang muwang na tanong sa akin ng aking limang taon na kapatid.

Para gumaan ang kaniyang loob ay hinagod ko at pinalis muli ang kanilang mga luha. Kahit na ako'y naluluha na rin. Pero ito'y aking pinipigil.

"Oo Uweng, andoon na si mama sa langit, lagi niya tayong babantayan." pang aalo ko sa kanila. Tanging si Loyd lamang na Grade 10 ang nakakaintindi sa mga pangyayari. Si Patima ay may lito pa rin sa kanyang isipan Grade 7 naman ito.

"Halina kayo. Uuwi na tayo, at makapagpahinga, bukas mas maaga ako sa trabaho at mag oovertime para dagdag sa kikitain ko." alok ko sa kanila sa pag uwi.

"Wag kang mag alala kuya, mag sideline ako bilang carwash boy sa kanila ni Manong Victor diyan sa may kanto." pagpapaalam naman ni Loyd sa akin.

"Paano ang pag aaral mo? Baka mapagod ka at di ka na makapag isip ng maayos niyan. Ako na ang bahala Loyd." pag aalala kong pahayag sa kapatid.

"Kuya, trust me. Kaya ko, at kakayanin ko. Malakas at matalino yata toh!" pagpapakita ng kanyang muscles sa braso at biglang napangiti.

Kahit papaano'y naging magaan ang panahon para sa aming magkakapatid.

Sana magtuloy tuloy na. Mahirap man, pero kakayanin.

K16 SERIES - Kenjie Garcia #2-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon