Page 12-2

41 2 0
                                    

Page 12-2

Dumating ang linggo pero still di pa rin natuloy ang 'date' na inoffer ko kay Sabrina, kahit text o tawag din lang ay wala rin. As in butata, paano kaya basta basta lang binibigay ni Sabrina sa akin ang pagkababae niya. Wala ba talaga siyang nararamdaman sa akin? Kase ako? Fuck!hulog na hulog na ako!

Andito na naman kami ngayong linggo ng gabi sa bahay ni Jhazel, just like the old days, inuman at kwentuhan na naman. Na miss ko rin ang mga maiingay kong kaibigan! Nitong mga nakaraang buwan din kase di na ako masyadong nakakasama sa kanila. Pati ngs yung iba di na rin nakakasama dahil sa mga busy na ang buhay sa eskwela. Yung nga unuuwi lang ang andito ngayon.

"Dong! Long time no see ah!" pagtapik ni Charles sa likod ko. At nakipagkamayan rin na may senyales ng samahan.

Nagkamot ako ng batok "Oo nga e, busy lang!" sabay ngisi ko naman na para bang nahihiya kase may katotohanan naman na di na ako masyadong nakakadalo sa mga ganitong pagtitipon.

"Teka! Nasaan si Jan Cres?" hinahanap ko ang pinaka closed ko sa lalaki,

"Siya nakatukang bumili ng inumin, ayun kasama si Lynell at Venj" pag imporma naman ni Allen sa akin.

"Dong, Condolence pala sa nangyari sa mama mo, pasensya di kami nakapunta ah! Naging busy lang talaga sa eskwela, gustuhin man namin di talaga maisingit e!" si Allen na may bahid ng lungkot ang mukha ng tinapik rin ako sa may bandang likod.

Pati ang iba'y nagbitaw na rin ng kanilang condolences at apologies sa akin.

"Haynaku mga dai at dong, wag nga kayong ma drama diyan. Okay na  yun, I understand. Ako nga e, ngayon na nga lang ako nakabalik sa tipon-tipon. Kaya patas lang!" pabiro kong pahayag sa kanila.

Nadinig na namin ang mga tunog ng tambutso sa mga motor na dala nila ni Lynell at Jan Cres kaya nagsi lingunan agad kami.

"Dong! Uy! Himala nagpakita!" kantyaw ni Jan Cres sa akin ng makita ako agad ng makapasok sa gate ng bahay nila Jhazel.

"Palabiro ka pa rin kahit minsan!" I replied.

Nagsitawanan at nag simula na nga kaming mag bukas ng mga pagkaing pinamili rin nila ni Jan Cres at Lynell.

May binili silang 'Pizza, Softdrinks, Lechon Manok , nagluto kami kanina ng rice kaya no problem, tsaka may mga barbecue pa! Gabing gabi na pero andaming kain nito ah!' nahulog ang panga ko ng makita ang isang Case ng beer at tatlong bote ng Brandy. Naku! May duty pa naman ako nito bukas.

"Mga dong! Mukhang 10PM lang yata ako nito. May trabaho pa ako bukas e!" nahihiya kong sabi, aminin ko mang gusto ko rin magtagal pero may trabaho rin naman kase, di pwedeng umabsent.

"Kenjie! Wag ka ng mag set ng curfew, walwal ka ngayon!akong bahala sayo bukas !" sigaw ni Alexus Montereal sa akin, di ko namalayan kanina, andito pala ang boss rin namin.

"Hala Sir Alex! Andiyan po pala kayo," sabay tayo ko at nagyuko tanda ng pagbibigay galang sa boss.

"Anong ginagawa mo Kenj! Wala tayo sa trabaho. Infact kaibigan ni Jhazel! Kaibigan ko na rin.!" pag explain ni Alex.

Napuno ng sigawan, kantyawan ang buong lugar, ang mga babaeng andito ay sina Eunisse, Alessandrea, Marien, Yamerah, Kearra at Jhazel sa lalaki naman ay sina Venj,Lynell, Allen, Jan Cres at Charles. Wala si Marthew dahil nag apprentice na, seaman kase, si Brixx naman, andoon sa kanila, di daw pinayagan kase may test daw bukas. Si Charlene ayon duty pa susunod lang daw siya dito pag out niya. Tsaka si Hannie ay andoon sa kaniyang boyfriend.

.......

Kanina nga'y natapos kaming kumain at tinungga agad ang isang case ng beer. Kaya ngayon ang ginigyera naman namin ay ang brandy. Di pa nangagalahati pero may mga amats na.

"Minahal ko naman siya e!" iyak ni Venj,

Shit! Ito na nga ang sinasabi ko e, basta lasing bumabalik ang alaala sa masasakit na nakaraan.

"Fuck you ka!" sigaw rin ni Lynell.

"Patay na! Mga brokenhearted nagsilabasan na. " nagtawanan na naman kami dahil sa kantyawan ng mga umiiyak.

Kahit nga ako'y nakisali rin sa tawanan at asaran, ayun si Jhazel, binibedyohan rin ang mga mukha nila Venj at Lynell. Halata na talaga ang pagkalasing sa kanila.

Hanggang sa naubos na nga ang isang bote ng brandy at nangalahati na sa pangalawa.

"Anong oras na?" tanong ni Alessandrea

"ORAS NA PARA KALIMUTAN KO SIYA!" Biglang sigaw ni Marien.

Napuno na naman ng tawanan at asaran ang buong paligid. Napatingin ako sa relos ko its passed 1am na pala. Kaya pala lasing na lasing na sila. Natatawa nalang ako sa mga banat at hirit ng mga kaibigan ko. Pati ako'y nadadala sa kanilang ka dramahan.

May iba nagsusuka na sa dami ng nainom. Si Venj iyak pa rin ng iyak. Si Lynell ayon! Bagsak! Tulog na sa may sala nila Jhazel, pati si Allen at Charles tinungga na ang brandy para maubus na.

"Okay pa ba tayo diyan? Gusto niyo pang dagdagan?" pag aalok ni Sir Alex sa amin.

"Alex!" saway naman ni Jhazel sa boyfriend niya.

"SANA ALL MAY BOYFRIEND!" Sigaw ni Marien.

"SANA ALL MAY SASAWAY NA GIRLFRIEND!" pahabol na sigaw rin ni Venj.

Haynaku!ano bang nangyayari sa mgs kaibigan ko. Ako nga rito, brokenhearted rin. Pero nag drama ba ako? Wala. Kase wala naman dapat ipag drama! Kung ayaw niya sa akin, edi wag!

nag yuko ako at ramdam ang pagkahilo. "AYOKO RIN SAYO SABRINA!"

Napuno ako ng kantyaw dahil sa pagsigaw ko, aangal sana ako, pero wala na akong lakas para ianga ang ulo ko. Lasing na lasing na nga talaga ako. Grabe, hilong hilo na ako.

Naririnig ko ang mga kwentuhan at sigawan nila pero ako'y parang malantang gulay na hindi na magawang gumalaw. Dahil pag gumalaw ako, I am sure bagsak rin ako dito sa inuupuan ko.

Naging tahimik ang paligid, kaya di ko namalayang nakaidlip pala aki saglit at nag angat ako ng ulo sabay tingin sa oras, 3AM. Tinanaw ko ang mga kaibigan.

Ayon bagsak rin.

K16 SERIES - Kenjie Garcia #2-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon