Page 3-2
Tatlong araw na ang lumipas pero ang away ng aking magulang ay sadyang kay hirap pahintuin. Walang gabi na umuuwi si papa'ng hindi lasing. Walang oras o minuto ang pinapalipas ni mama sa pag bubulyaw kay papa sa kanyang bisyo na kailanman ay hindi nagawang ibago.
Naririndi na ako sa pakikinig sa kanilang away. Pati mga kapatid ko ay naaapektohan na nito. Walang agahan ang nakakain kada pasok ng eskwela. May isang araw pa nga ng umaga na umuwi ang aming ama. Kaya ang aking mga kapatid ay hindi nalang inalintana ang gutom papasok ng eskwela.
Ako ang panganay. Pasan ko ang obligasyon ng pamilyang ito. Mistula akong paralisado kada uwi ko galing trabaho. Kahit anong hirap at sakit man ang aking trabahuin ay kakayanin ko , mabigyan ko lang ng baon ang mga kapatid ko.
"Loyd, Patima at Uweng, ito tig bebente kayo ha. Pasensya na at walang agahan ngayong nakahanda sa hapag." pagbibigay paumanhin ko sa aking kapatid.
"Naku Kuya!, parang di pa kayo nasanay. Kami po sanay na sanay na. Tuwing umaga na nga siguro nag aaway sila mama at papa. Di namin maintindihan kong bakit." pagtatakang tanong ng pinakabunso naming kapatid na si Uweng.
"Uweng, tara na't baka mahuli pa tayo sa klase, diba sabi mo kagabi may pasulit kayo ngayon. Nag aral ka ba??" pag iiba ng topic ni Patima.
"Oo naman ate. Ako pa!" pagyayabang sagot ni Uweng.
"Kuya, ikaw rin mag ingat ka sa trabaho mo. Ikaw pa naman nagsilbing lakas at inspirasyon namin." pag bibigay paalala ni Loyd sa akin.
Matapos nagpaalamanan ay agaran naman akong bumalik ng bahay para maligo at magbihis na ng pang unipormi namin sa Construction Site.
Ilang linggo na rin ako simula ng magtrabaho ako dito sa Montereal Building and Construction Incorporation. Ito ay isa sa kompanya ng boyfriend ng kaibigan kong si Jhazel. Si Alexus Montereal, ay schoolmate rin namin noon kaya magkakilala na rin kumbaga.
"Ang aga yata natin ngayon Kenjie!" pambungad na bati ng aming sekyu sa Construction Site.
"Mabuti ng maaga Guard!" sagot ko sa tanong ng matanda.
"Ilang beses ko na bang ipinaalala sa iyo na Manong Julyos nalang ang itawag mo sa akin. Ang formal naman ng Guard." at nagsitawanan na kaming dalawa.
Di naman nagtagal ang aming batian kaya pumanhik na muna ako sa loob ng Office para mag sign in sa attendance sheet.
After I signed. Dumiretso ako sa likod nitong building kung saan kami magtatrabaho. It's 6:30 AM pa kaya malinaw linaw pa ang paligid. Wala pa gaanong trabahante.
Nakacomplete attire na ko ngayon simula ng masita ako ng unang araw ko dito. Ang careless ko daw at walang utak. Walang safety reminder. Kaya ngayon ay bawing-bawi talaga.
Wearing the yellow hardhat, the gray sweatshirt with two horizontal linings in between , faded jeans, at boots! Oh diba! Plus gloves pa. Parang Engineer lang eh noh!
Tumunog na ang bell sa eksaktong oras na 7AM. Iyon ang hudyat na kailangan ng magsimula sa trabaho. Kaya ura urada agad ako sa site at kumuha na ng sariling pala para makapagsimula ng mag halo ng semento at graba.
Sa ilalim na tirik na tirik na araw ay di maiwaglit ang init na tinatamasa, pati pawis koy nag uunahan sa paglandas sa aking mukha. Pero kahit na ganoon, pinipilit kong taposin ang aking trabaho sa loob ng anim ng walong oras na pagkakayod kalabaw.
Iniisip ko lang ang aking mga kapatid, kung hindi ako mag sasakripisyo paano na sila. Di ko na iniisip kong anong maging obligasyon nila mama at papa sa amin. Dahil sa kanilang di ma solve na problema at mapupunta lagi sa away ay di ako nag aral ng kolehiyo.
Paano pa ako makakapag aral kong may tatlo pa akong kapatid na kailangan kong unahin. Kung may utak lamang ang aking mga magulang edi sana gumawa sila ng paraan. Pero ano ngayon? Wala puro lang walang hangganang away at nagtatayogang mga pride!
Ayaw kong maging bastos mag isip patungkol sa kanila. Pero sila naman kase mismo ang nagbigay sa akin ng rason kung bakit ganoon nalang ang pagkamuhi ko sa kanila. Kung hindi nila kayang solusyonan ang kanilang problema. Pwes bahala sila sa buhay nila.
LUNCH BREAK.
"Ang ganda ng chix ni bosing noh?"
"Oo nga! Ang sexy! Ang laki pa ng hinaharap! Grabe blessings!"
"Pati ang pwet pre! Hapit na hapit.!"
"Kita mo yung katawan! Naks! Ang pormado! Parang sinadyang ukitin."
Iyan ang mga iilang kwentuhan ang naririnig ko sa aking mga kasamahan. Di ko ugaling maki sawsaw kaya hanggang pandinig na lamang ako. Ako lang din naman kase ang pinakabata sa lahat. Sa edad na bente.
Nakayuko ako ngayon habang kumakain ng aking tanghalian. Nang marinig ko ang mga yabag ng mga kapwa ko trabahante at nagsi unahan sa pag tayo. Kaya napalingon ako sa kanila at agad akong tinawag ng isang malapit sa kin habang kumakain.
"Ken! Tayo ka papalapit si Boss!" at nabigla ako sa aking narinig kaya dali dali akong napa tayo at agarang nag tuwid ng tayo di na inalintana kong may dumi ba ako sa aking mukha.
Andito na nga sa aming harapan ang aming boss kasama ang pinagchichismisan nilang babae na sexy. At di nga sila nagkakamali. Sexy nga siya. Pero not my type. Parang may na feel kase akong something na di maganda sa babaeng kasama ng boss namin.
"Naririnig mo ba ako?" nagbalik na ako sa aking sarili ng lumapit sa akin ang boss namin pati ang babae. May tinignan si boss Armando sa aking ID "Garcia, Kenjie?" at napatuwid agad ako ng tayo.
Di ako sumagot kase di ko alam kong anong ibig sabihin niya.
"You seem this time so very preoccupied. Any problem?" malumanay na tanong ni Boss.
"Ahhh wala po Boss Arman, may iniisip lang." at tumango naman si boss.
Boss Armando is a nice boss to us. Di siya yung tipo ng amo na sobrang malupit sa mga trabahante. Siya ay yung lossen lang at jolly. Di mahirap pakisamahan. Siya ay Tiyuhin ni Alex. Kapatid ng kanyang ama. Isa siya sa pinagkakatiwalaan sa kompanyang ito.
Biglang nagpaalam si Boss sa amin at ng akala kong lalakad rin sabay ang babae ay napaigtad ako ng titig na titig siya sa akin. Inilapit niya ang kanyang kamay sa king mukha. May kung anong kuryente ang gumapang. At kinabahan ako. Ayokong anong isipin ng iba.
Manlaban sana ako ng bigla niyang inihiwalay ang kanyang kamay sa mukha ko.
"Kinuha ko na, baka tukain ka pa ng manok. Mahirap na. Bye pogi" malanding paalam ng chicks ni boss.
Nandiri tuloy ako sa kanyang ginawa. May pakindat kindat pa. Ew.
A/N: Kenjie ang OA mo. Hahha
Follow/Vote/Comment
MARAMING SALAMAT.
KEEP READING.
BINABASA MO ANG
K16 SERIES - Kenjie Garcia #2-COMPLETED
RomansaI want you. All of you. Your flaws. Your mistakes. Your imperfections. I want you. And only you. -Kenjie Garcia.