Page 20-2
DI MAIPALIWANAG ng aking isipan kung paano e po-proseso ang mga bagay na aking natunghayan noong gabing iyon. Parang kailanlang ay nakipagbreak sa akin si Sabrina. Ang sakit sa damdaming ganoon lang kaiksi ang aming naging relasyon.
Nagdaan ang limang taon. Sa loob ng limang taon ay maraming nangyari. Sa mga kaibigan ko may kanya-kanya na silang buhay. Pero nagkakausap parin naman kami through social media, though madalang na nga lang.
Wala na akong balita kay Sabrina simula no'ng gabing iyon, pinuntahan ko s'ya sa bar, pero wala na daw Sabby na nagtatrabaho dun. Pati si Martin ay di alam kung nasaan na si Sabrina. Si papa? Di ko alam kung ano ang aking gagawin, ayaw kong mag isip ng masama patungkol sa ama ko. Kahit na may di magandang nakaaan kami. Pero di mawawaglit sa puso't isip na Ama ko s'ya.
"Pare! Ang lalim yata ng iniisip natin ngayon ah." Ani ng aking kaklase sa Trigo.
"Para namang ngayon ka lang d'yan sa kaibigan natin Mark! Eh, tulala naman 'yan pag may iniisip." Pagdedepensa ni Sofia sa akin.
Nguimisi nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Di na siguro talaga mawala sa aking sistema ang nakaraang pilit ko'ng ibinabaon sa limot.
Kasalukuyan akong nag-aaral ngayon sa isang State University, Ang kinuha kong kurso'y HRM. Graduating na nga ako ngayon sa college eh. Isang buwan nalang ang aking hinihintay ay makakapagtapos na rin ako sa kolehiyo. At ang susunod ko namang gagawin ay ang maghanap ng trabahong aking papasukan para naman mas malaki ang kikitain ko.
Part timer ako sa isang kilalang fastfood dito sa syudad na aking pinag-aralan. Sa umaga estudyante ako. Sa gabi naman hanggang last shifting ay nagtatrabaho ako. Di kase pwedeng di ako kumayod lalo na si Loyd lamang ang katulong ko sa pagbubuhay sa king mga kapatid. Si Patpat ngayon ay Grade 11 student na. While Uweng ay nasa ika-limang baitang na sa Elementarya.
Si Loyd naman ay grumaduate lang noong nakaraang taon. Kaya ngayo'y nasa dating pinagtatrabauan ko na s'ya nagtatrabaho. Doon sa Montereal Contruction Site. Pero dahil di s'ya isang undergradrauate kaya natanggap s'ya sa posisyong Supervisory. S'ya mismo ang nag susupervised ng mga kagaya ko nong trabahante sa Site.
"Kenjie!"
"GARCIA!!!!!!" Napapitlag ako sa gulat ng tawagin ang apelyedo ko sa gitna ng aking nalalim nab pag-iisip.
"P-po S-sir!" Napatayo ako't tinignan si Sir sa mata at tinignan ko rin ang nakasulat sa board. May nakasulat na 'DEFINE MATTER?
Kaya agad naman bumuka ang aking bibig para sagutin ang tanong.
"MATTER SIR! Occupies space and has a mass!" Lakas loob kong sagot.
Nauno ng tawanan ang buong klase ni Sir Diamano, nalito ako kung may nakakatawa ba sa aking isinagot. Kung bakit ba nila ako pinagtatawanan. Pati si Sofia at Mark ay tawang tawa rin sa akin.
"Where did you get that thing Mr, Garcia? You seem Matter huh!" May malapad na ngisi ang ipinakwalan ng aming propesor.
"Is my definition wrong Sir? Di ba po, nag o-occupy space naman po talaga ang matter tsaka has a mass." Tumango tango naman si Sir kaya nabitiwan ko na ang kanina ko pang pinipigilang hininga. Pero ng tignan ko ng mabuti si Sir ay may kung anong mapaglarong ngiti sa kanyang labi.
Nagsitawanan na naman ang aking mga kaklase.
Bakit kaya? Tama naman ah!
"Yes, tama ka naman doon Mr. Garcia...." Nag pause sandali si Sir kaya sumingit ako.
" Ayon naman po pala Si-" Pinutol ni Sir ang akin sanang sasabihin.
BINABASA MO ANG
K16 SERIES - Kenjie Garcia #2-COMPLETED
RomanceI want you. All of you. Your flaws. Your mistakes. Your imperfections. I want you. And only you. -Kenjie Garcia.