Page 19-2

36 3 0
                                    

Page 19-2

Kinaladkad ko na nga si Sabrina palabas ng Bar, di naman siya nagpupumiglas pero may pinagsasabi s'yang di ko maintindihan. Wala na nga ako sa aking kasarinlan dahil sa mga kaganapang aking nasaksihan kani-kanina lamang sa entablado ng naturang Bar.

"K-kenjie!....An-ano ba!!" Nang tumigil na ako'y roon na s'ya nagpumiglas na parang gustong kumawala sa'king paghawak sa kanya.

"Explain everything Sabrina. Ayaw kong magalit sa iyo ng di ko nalalaman ang dahilan." Kalmado kong usal sa kanya. Totoo rin naman ang sinabi ko. Ayaw kong maging dahilan ito ng maging away namin kung hindi man kami magkaunawaan.

Nandito kami ngayon sa plaza dahil araw ngayon ng linggo ay may maraming tao. At dahil passed 11pm na, andoon na ang mga tao sa kani-kanilang sulok at gumagawa ng milagro.

Habang kami ngayon ni Sabrina ay nakatayo lamang sa gilid nitong plaza.

"Explain? For what? ....sa nakita mo?" May bahid ng sarkastiko ang kanyang pananalita.

"Don't be so unreasonable Sab! Kase andito ako nakikipag-usap ng masinsinan sa iyo para malaman ko ang totoo bago ako magalit sayo!" Kung kanina ay kalmado ako. Ngayon ay may pagtataas na ng boses ang aking pagsasalita.

"So ang sinasabi mo ba Kenjie! Ay galit ka sa akin ngayon? Dahil ganoon ang nakita mo sa akin?" Mahina niyang pagkasabi pero may kung anong lungkot sa kanyang boses.

"Gusto ko lang malaman ang totoo Sab! Ayokong maging tanga na nagmamahal ng taong parang di ko kilala!" Singhal ko sa kanya.

"Omygod! Kenjie! Don't.You.Ever.Shout on me! Dahil di mo alam ang totoo tungkol sa akin!" Singhal n'yang pabalik.

"I can't believe this! Sab! That was absolutely the reason kung bakit kita dinala dito! Para alamin ang iilang bagay na totoo tungkol sa'yo!" I shouted her.

"Kung sana di mo ako niligawan! Kung sana inalam mo ang totoong pagkatao ko bago mo ko niligawan! Edi sana wala ka ng pinoproblema ngayon!" Sigaw niya sa akin pabalik.

May mga dumadaan ng nagsitinginan sa aming ginagawang pagsisigawan.

"Okay! Okay. Gusto kong magtanong ng iilang bagay na makapagpalinaw ng aking isipan." Kalmado kong usal.

"Kenjie, Isa akong ............bayaran!" Pagbibitin n'ya ng sasabihin n'ya.

"That was impossible Sabrina! Diba sinabi mong waitress ka lang sa bar? Oh common, don't spill some joke like that, kase di nakakatuwa!"

"At di rin ako nagbibiro Kenjie! Kaya walang rason para matuwa ka! Pasensya na! At isa akong bayaran! At h'wag kang umakto na di mo alam ang tungkol sa akin!" Pagsinghal n'ya sa akin.

"Sabrina! Kung alam ko lang sana-" Pinutol n'ya ang sasabihin ko.

Napansin kong namula na ang mga mata ni Sabrina at pati ilong ay namumula na rin.

"Kung sana ano Kenjie?" Matabang n'yang sabi at 'yon nga'y tumulo na ang isang butil ng luha sa kanyang mga mata.

"Sab-" Pagputol n'ya ulit.

"Alam ko na. Kung sana nalaman mo noong una, na isa akong bayaran.....di mo ko, fuck this tears!....... Di mo ko niligawan p-pa!" Nag-uunahan na ang mga luha ni Sabrina sa pag-agos samantalang ako'y hindi alam kong anong gagawin.

"Shh, Sab! I'm sorry okay?" Tangi kong nasabi

"Don't be.....don't be sorry Kenjie! Kasalanan ko rin naman eh. Kase noong una! Alam ko na. Sinabihan na ako ni Martin na ayaw mo ng isang bayaran. Pero nagtake risk ako, nagtake risk na magpanggap na isang normal na babae para mapansin mo." Mahabang litanya n'ya sa akin.

"Sabrina."

"Let's br-break up!" Mahina pero may pagmamarka sa kanyang usal.

"No. No Sabrina, di naman , Tanging katotohanan lang naman ang gusto kong malaman. Di ganito, di 'yong maghihiwalay tayo ng dahil lang sa di ko alam na ganyan ka. Sorry. Oo. Ayaw ko sa isang bayaran!-"

"Please Ken! Stop! Oo alam kong bayaran ako. At h'wag mo ng ipangalandakan na isa akong slut dahil sa'yo, sa'yo lang tumibok itong letseng puso ko! Minahal kita kahit na binayaran akong makama ka at makatalik ka sa unang pagkakataon. Pasensya na kung niloko man kita. Pasensya na kung ganito lang ako. Ngayon, nakapagdesisyon na akong ........Maghiwalay na tayo. At lalayuan na kita. " Mahabang salita ni Sabrina kahit na nahihirapan na s'yang huminga.

"Saan ka pupunta Sab?" Tumalikod si Sabrina at lumakad na palayo sa'kin.

"H'wag mo na akong sundan Kenjie!" Pero di ako natinag sa kanyang paninigaw.

"Di ba sabi mo Mahal mo ako?"

"Sinabi kong minahal kita, pero wala akong sinabing mamahalin pa kita. Kaya please Kenjie! Lubayan mo na ako!"Pagpupumiglas n'ya ng yakapin ko s'ya sa may likuran n'ya.

"Bitiwan mo nga sabi ako Kenjie!"

"I WILL PULL MY HUG. PERO DI KITA E LE-LET GO!" Sigaw ko kay Sabrina..

"H'wag m-mo n-na akong..." Nahihirapan na sa paghinga si Sabrina sa bawat salitang kanyang sinasabi. "......pahirapan pa Kenjie!" Pagpaptuloy n'yang usal.

"Promise me, pakakawalan kita. Pero di mo ako lalayuan." Tumango naman s'ya kaya pinakawalan ko s'ya sa mahigpit kong pagkayakap sa kanya.

Pero matapos ko s'yang bitiwan ay kaagad namang may humintong puting sasakyan.

"Pasensya na Kenjie! Sorry!" Nang umandar ang makina ng sasakyan ay nahagip ng mga mata ko ang dalawang pares ng mga mata sa nagmamaneho ng sasakyan na sinakyan ni Sabrina.

"PAPA!" Pagtawag ko naman sa lalaking nagmamaneho.

"PA!!!!!!!" Buong lakas kong sigaw.

Nang nakalagpas na ang sasakyan ay napaupo ako sa gilid ng kalye at napaisip ng malalim. Pinagpupukol ko ang aking ulo sa aking labis na nararamdamang frustration..

May mga tanong sa aking isipan na pilit nanghihingi ng kasagutan.

Anong ginagawa ni Papa sa sasakyan nila ni Sabrina?

Bakit ka tumakbo Sabrina. Sabi mo mahal mo ako?

Anong kasalanan ko kung bakit mo ko ginaganito?

Minahal lang rin naman kita ng buong-buo.
Bakit Sabrina? BAKIT?!

PEEP! PEEP!

"HOY! KENJIE!" Napataas ako ng ulo ng may tumawag sa akin.

"Jan Cres?" Tawag ko sa kaibigan ko.

"Bakit ka nag-iisa d'yan? Ano bang nangyari? Oh! Umiiyak ka ba?" Walang tigil na tanong ng kaibigan sa'kin.

"Hatid mo muna ako kina Jhazel! Tawagin mo ang mga kaibigan natin. Manlilibre ulit ako! Same reason!"

Haaay!


K16 SERIES - Kenjie Garcia #2-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon