Page 4-2

49 5 0
                                    

Page 4-2

Napuno tuloy ako ng tukso sa hapong iyon. Pero ipinipilit kong wala lamang iyon. At balewalain nila at baka malaman pa ni boss ang ginawa ng babae niya. At mabuti naman din ay umaayon naman sila sa akin. Haaay salamat.

Uwian na. Nag log out na ako sa sheet sa opisina at gaya kanina ay andoon si Boss at ng babae. Nakatitig ang babae sa akin at kumikindat kindat pa..

Kirat ba siya! Laging kikindat kindat eh. Ang sarap dukutin ang mata.

Bago pa ako nakatalikod ay agad akong tinawag ni Boss Arman.

"Boss?" sabay lakad ko papalapit sa kanya. Kahit ayaw ko ay lumapit ako para lamang kay boss.

"Ito nga pala ang pabunos ko sa inyong lahat 5k yan ha." napatalon ako sa saya at agaran nag pasalamat sa aming amo.

Laking tulong rin ito sa pamilya. Lalong lalo na sa mga kapatid ko.

"Salamat po talaga ulit Boss!" sigaw ko kahit malayo na si Boss Arman..

"Ang gwapo mo talaga Kenjie," napapitlag ako ng may malanding boses ng babae ang aking narinig sa king likuran. At humahawak pa siya sa dalawa kong balikat. Sabayan pa ng pagpisil ng aking matitigas na braso.

"Aahh- m-maam, wait lang po," sabay pag ilag ko sa sarili sa kanyang paglapit sa akin at ipinalis ko rin ang kanyang mga kamay sa aking mga braso. "Di po ako gwapo, at mawalang galang na maam, pero umalis na po si Boss, kaya aalis na rin ako" naglakad na ako ng walang lingon-lingon matapos kong sabihin ang mga katagang iyon.

Ayoko talaga sa babaeng iyon eh, may kung anong kalandian sa katawan. Nakakadiri! Talaga kayang girlfriend iyon ni Bossing. Eh sa palagay ko prosti iyon eh. Sa kapal ba naman ng kolorete sa mukha.

Sa dami kong iniisip ay di ko na napansin na andito na pala ako sa bahay.

"Kuyaaaaaa!! Kuya! Si Papa po! k-kuya!" malakas ang sigaw ang binungad sa akin ng aking mga kapatid. Di ko agad na kuha ang kanilang gustong sabihin dahil nag uunahan na sila sa pag ngawa.

"T-teka! Huminahon nga muna kayo! Ano bang nangyari? At si papa?? Bakit??" pag aalala ko na ring tanong sa kanila.

"K-kase k-ku-ya, S-si Pa-pa, uma-lis ma-may dalang mga g-gamit" at ngumuwa na naman sa pag iyak si Uweng . Halos di na siya makahinga ng maayos. Kaya hinahagod ko ang kanyanh likod.

"Si mama asan?" tanging nasambit kong tanong sa kanila. .

"S-sinun-dan p-po si P-papa." di na umiiyak pero mababakas parin ang luha sa mata ng aking kapatid.

"Dito lang kayo at pupuntahan ko sila!" ibinagsak ko ang hardhat at bag na dala dala ko kanina galing sa trabaho. At agaran ding tumakbo upang maabotan si mama at papa.

Ano ba naman itong nangyayari! Lakad takbo na ang ginawa ko maabotan lamang ang mga magulang ko. Ano ba naman kase ang pinag awayan nila ulit at nauwi na sa ganito ang lahat. Oo! Naiinis ako kay papa sa ginagawa niya. Pero ayaw ko namang umabot sa punto na magkawatak-watak itong pamilya.

"Mariano! Bumalik ka dito!" sigaw ni mama ang narinig ko ng palapit na ako sa kanyang kinatatayuan.

"Jiessa! Namumuro na ako sa mga pagpapahiya mo sa akin. Ayaw ko na! Ang mas mabuti pa e maghiwalay nalang tayo! Kesa naman lagi mo akong pinag iisipan ng masama.!" napabaling si papa sa gawi ko at bahagyang nagulat.

"Pa! Ma! Ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa!? Wag niyo namang paabotin sa ganito! May mga anak kayo! Wala ba kayong iniisip kundi ang mga sarili ninyo! Edi sana di nalang kayo bumuo ng pamilya!" nagpipigil ako ng aking galit sa bawat salitang aking binibitawan. Marami ng tao ang nakiusyoso sa mga pangyayari! Shit!

"Anak! Yang mama mo kase! Kahit na isang kasambahay ni Sir Eusibio pinagkakalmot at pinagsasabunot! Wala namang ginagawa ang tao!" inis na sumbong ni papa sa akin pero kay mama nakatitig ng masama.

"Ma? Totoo po ba iyon?" dahil sa tanong ko ay napayuko naman si mama at may bahid ng guilt ang mukha.

"Ma naman, bakit niyo po ginawa iyon!? Wag naman po basta bastang sumugod ng walang pruweba at makasuhan ka pa!" mahinahon pero may timpi paring galit sa aking boses.

"Anak," tanging sambit ni mama.

"Ano ma? Paano kung nakasuhan ka?? Mahirap tayo ma!" puno ng frustration ang boses ko.

"Anak, di mo naiintindihan." kalmado pero may bahid na ng pagsusumamo ag boses ni mama.

"Pwes ano ang di ko maintindihan ma? Paano ko maiintindihan kung di niyo ipapaintindi sa akin!" puno na ng pagsusumamo ang aking boses, pabaling baling na ang tingin ko sa kanilanng dalawa.

Bago pa makapag salita si mama ay biglang pumara si Papa ng traysikil at sumakay dito.

"PA!" sigaw ko sabay habol sa traysikil.

"MARIANO! buma-bumalik k-ka d-" sigaw rin ni mama na nahihirapan na sa paghinga kaya dali-dali agad akong bumalik sa kanyang kinaruruonan at inaagap.

"MA! ANONG NANGYARI MA!" nawalan ng malay si mama at agaran akong nangamba.

"TULONG! MGA KAPITBAHAY TULONG!" nagsusumigaw na ako para makahingi ng tulong. At nagkaroon na nga ng kumosyon sa buong kabahayan.

Ilang minuto rin ang nagdaan ay dumating na nga ang ambulansya at isinakay si mama roon.  At kasabay noon ay ang pagtakbo ng mga kapatid ko sa may bukana ng ambulansya. At nagsiiyakan na.

"Loyd! Maiwan ko muna kayo dito. Sasamahan ko ang mama natin. Ikaw na bahala kay Patpat at Uweng ha!" sigaw at paaalala ko sa aking kapatid na si Loyd.

"Kuya! Anong na-nangyari.?" at dahil di ko na napigilan ang pag andar ng ambulansya ay di ko na rin nasagot ang kanyang tanong. Ang tanging nagawa ko nalang ay mag buntong hininga at iginawi na ang tingin ko kay mama.

"Ma, ano po bang nangyari? Bakit po umalis si Papa?" mga tanong na nasa aking isipan pero di naman masasagot dahil nga walang malay si mama.

Pa, kung ano man ang naging rason mo kung bakit mo kami basta basta nalang iniwan. Sana naman kapani-paniwala.





K16 SERIES - Kenjie Garcia #2-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon