Page 25-2
"Chief! Positive. May mga armdong tao ang nakapaligid sa buong abandonadong warehouse!"
"Sige! Formation. And be ready for going inside.....Here Mr. Garcia, wear this bullet proof vest and here also a gun for deffense."
Kinuha ko naman ang baril at sinuot ang vest.
"Am I clear Mr. Garcia?"
"Yes Chief!"
Nandito na nga kami ngayon sa mismong lokasyon na na trace namin galing sa tawag ni Sabrina sa kanyang Phone. Habang papapunta kami dito ay wala ng kahit anong ingay sa kabilang linya. Kaya ako'y balisa at kinakabahan. Kung di lang talaga dilikadong pumasok mag-isa ay ginawa ko na.
Bakit ba kase nangyari ito kay Sabrina. Akala ko ba, gusto n'ya ang trabahong iyon doon. At yun ang lagi n'yang nirarason. Pero may iba pala talaga s'yang plano o intensiyon doon. At sino naman kaya ang nag utos kay Sabrina. Na gawin ang ganitong kadilikadong bagay.
Ano ba talaga ang totoong pagkatao ni Sabrina. At nalilito ako kung bakit napunta siya sa ganitong pangyayari at higit sa lahat. Nangananib siya.
"GO!"
Nag ready na ang mga Police at PDEA sa pag intrude sa naturang abandoned warehouse. Di ko alintana na may ganito pala dito. Abandonado? Napatingin ako sa kabuoang lupain at ang gusali ay tinitigan ko ng maigi.
"EUSIBIO WAREHOUSE!"
Laking gulat ko sa nabasa.
Eusibio ?
Sounds Familiar. Pero bakit dito dinala si Sabrina? Bakit parang may mali?
O bakit parang ......argh! Nakakalito.
Si Don Eusibo, kung naaalala ninyo ay siya ang may ari ng lupain na pinagtatrabahoan noon ni Mama. Siya ang pinakamatagal na kasambahay nila. At dahil sa insidenteng nagawa ni Papa. Ay iyon ang naging rason kung bakit huminto si Mama sa pagtatrabaho doon kay Don Eusibio. Dahil nahihiya si Mama'ng magpakita kay Don, dahil ang Asawa'y nakipagrelasyon rin sa isa sa kasambahay. Pero kasambahay nga ba?
Nag muwestra ng STOP ang chief inspector sa aming lahat. Na di na muna magpatuloy sa paglalakad. Ng may pinakikinggan siyang call sa kabilang linya. At may kinakalikot siya sa kanyang CCTV monitor. Doon makikita kung malapit na ba kami sa mga naturang Armadong mga tauhan ni Gregor!
Humanda ka sa akin Gregor pag nagkaharap na tayo! Kung sino ka man. Wala kang karapatang saktan ang pinakamamahal kong babae. Kahit na di kami nagkaunawaan. Pero sa puso't isip ko. Siya parin ang binabanggit nito. Kahit na ganoon. MAHAL NA MAHAL KO PA RIN IYON! TSK!
GO SIGNAL.
Naghinay hinay kami sa pag lalakad habang ibinabaling namin sa side to side ang aming mga hawak na armas. Kung ano man ang mangyari ngayon sa akin dito. Di ko iyon pagsisisihan dahil alam ko sa sarili kong ginagawa ko ito para kay Sabrina. Habang may paraan. Kaya kong lusutan..mailigtas lamang si Sabrina sa kamay ng mapagmalupit na may hawak sa kanya doon!Tsk!
BANG! BANG! BANG!
May isang armadong tao ang nakakita sa amin kaya binaril ng isa sa mga kasamahan namin.
Dahil siguro sa nagawang ingay ay may naririnig na rin kaming mga sigawan at mga yabag ng mga paa. Kaya nag handa na kami sa maaring mangyari..
Mahigpit na rin ang hawak ko sa aking baril. At naghanda ng makipagbakbakan.
Kahit na di ko gamay ang paggamit ng baril ay ginawa ko parin..iniisip ko nalang na kailangan kong iligtas ang babaeng mahal ko.
Di nga ako nagkakamali. Ang mga armado nga ang mga may ari ng mga sigawan at mga yabag na naririnig namin kanina.
Nagsimula na nga ang rambolan at barilan sa magkabilang panig nila at sa amin.
Ang lalaking tao ng mga kalaban namin. Mukha silang mga ermitanyo dahil sa kanilang mga kasuotan at kanilang mga mukha na parang walang ligo palagi. Matataas pa ang kanilang mga balbas at ang mga buhok at mga matataas at nagsikulutan..
May mga brasong malalaki. At maraming tattoo. Parang galing rehas at bagong laya.
Bang! Bang!
May dalawa na akong nabaril. Nanginginig ang kamay ko sa bawat pagkalabit ko ng aking gatilyo. Di nga ako nag pulis diba kase takot akong pumatay.
Kaya nga nag HRM ako eh. Sandok at beddings lang fight na.
Pero ngayon , daig ko pa nasa isang pelikula at shooting kasama sila Cardo at ang AGILA. sa mistulang ginagawa naming operation.
LORD IKAW NAPO BAHALA SA AMIN.
Napadasal nalang ako bigla ng makita ng dalawang mata ko kung gaano ka dami ang mga taohang mga may dala pang baril ang lumalapit na sa min. Ano bang nangyayari ngayon at parang di na tama ito.
"SABRINA?"
Nakita ko sa isang silid si Sabrina. Walang niisa ng taohan ang nandoon. O mag Gregor sana. Pero pagtingin ko'y wala talaga.
Without even thinking at di na rin ako nag abalang magtawag ng kasama ay mag isa akong pumasok sa mismong silid.
Pero ng pumasok ako'y.
BLAG!
May pumalo sa batok ko ng isang matigas na bagay.
SHIT ANG SAKIT!
Lumingon ako sa likod. .nakita ko ang isang matandang lalaki na may hawak na baril at itinutok nito sa kin. Habang nakangisi siya sa harap ko.
"GOOD TO SEE YOU MR. GARCIA.!"
KILALA NIYA AKO?
"Opps! My bad di man lang ako nagpakilala. Ako pala si Gregor Eusibo! Ano? Kilala mo na ba ako aking inaanak?"
SHIT? INAANAK? ANONG IBIG SABIHIN NITO? FUCK.!
"Nagulat ba kita? HA!" Biglang sigaw ni Don Gregor Eusibio sa akin.
"I-ina-inaanak? How?" I frantically asked.
"Itinatanong pa ba iyon?! Bobo ba? Edi ako ang nagninong sa iyo ng bininyagan ka. At ang nakakainis pa doon. Ako na nga ito ang nagmamagandang loob! Ay ako pa ang ginagago ng MAMA MO!" Histerya na pasigaw ni Don Eusibio.
"Si Mama? Anong meron kay Mama?" Pagtataka kong tanong.
"TSK! Mukhang mag a-ala Charo Santos pa ako dito para isalaysay ang kabuon ng kwento. IN SHORT! Ang Mama mo ay sobrang laking paasa. Pasalamat siya't namatay s'ya sa atake at hindi sa baril ko! Pero dahil espesyal ang Mama mo sa akin. Ay di ko kayang gawin iyon sa kanya. Kaya kahit nasaktan ako dahil sa pinaasa niya ako. Di ko siya kayang saktan. Kaya! Ang PAPA MO NALANG ANG SINUSUNDAN KO. Pero. Itong babaeng ito!......" Sabay lingon ko sa babaeng nasa pinakagitna ng silid nakagapos at walang malay. Maraming pasa at dugo sa mukha.
".....Pakialamera! Siya ang nagkupkop sa Papa mo ng mapansin niyang may susunod-sunod sa Papa mo! At okay na sana iyon e. Nakamove on na ako. Ng isang araw ay nagulat ako't nag apply siya na magtrabaho sa Bar Ko! At akala ko'y isa lang siyang ganoon. Iyon pala'y sugo rin siya ng mga authoridad! Bweset ang babaeng iyan at siya ang malaking pahamak sa akin. Kaya ngayon inaanak. Nabalitaan kong ang Papa mo'y dating karelasyon ng Mama niya! Sa iyo ko ibibigay ang obligasyong patayin ang babaeng iyan mismo!" Pag uutos ng matanda.
Nanginig ang kamay ko ng hawakan ko ang baril at napa pisil saglit sa gatilyo. SHIT!
"Patayin mo na Aking Inaanak!" At sabay tawa ng napakalakas.
"K-Kenjie..." Nagulat ako ng mabalik sa aking ulirat parang galing sa isang napakahabang panaginip at pagkahipnotismo.
"Sabrina!!!!" Sabay tapon ko sa baril malayo sa aming lahat. At tumakbo na ako papalapit kay Sabrina.
"GARCIA! BUMALIK KA DITO! AT PATAYIN MO ANG BABAENG IYAN! MANLOLOKO 'YAN!
"Manloloko man po siya. Pero di maiaalis na Mahal ko siya. Kagaya mo. Nagmahal lang rin. .. Minahal mo ang Mama ko kahit na sinabi mong pinaasa ka lang niya." Mahinahon kong sabi.
At tumahimik naman siya bigla ng....
BANG! BANG! BANG!
A/N: LAST TWO PAGES NALANG TAPOS NA ITO! HUHU...SALAMAT SA PAGBABASA.
FOLLOW/VOTE/COMMENT
BINABASA MO ANG
K16 SERIES - Kenjie Garcia #2-COMPLETED
RomanceI want you. All of you. Your flaws. Your mistakes. Your imperfections. I want you. And only you. -Kenjie Garcia.