Page 13-2
Gumising ako sa umagang iyon na tulog pa rin ang mga kaibigan ko. Eksakto rin namang lumabas si Jhazel sa kanyang kwarto kaya tumayo agad ako at lumakad palapit sa nakapikit paring kaibigan.
"Jha!" mahina kong sambit para di makagawa ng ingay na makakagising sa pagkahimbing na tulog ng mga kaibigan. "Ahh. Kase , may aasikasuhin ako sa bahay, mga kapatid ko lang andun. Uuna na muna akong uuwi ha. Salamat sa oras at pakisabi nalang rin sa mga kaibigan natin... Sige salamat" nagkamot ako ng batok dahil nga sa hiya na mauuna akong umuwi.
"Hala,okay lang yun Kenj, sige! Ikamusta mo nalang ako sa mga kapatid mo ha?" tumango ako at tumuloy na nga pauwi ng bahay.
Pagdating naman ng bahay ay kagaya noong nakaraan ay si Loyd na nga ang nagluto.
Sinalubong naman ako ni Patpat ng isang tasang mainit na kape.
"Kuya, ito kape mo, alam namin hangover ka. Tinext kase si Kuya Loyd kagabi ni ate Jhazel na wag daw kami mag alala dahil nasa bahay ka daw niya. May pagtitipon lang." mahabang pahayag ni Patpat sa akin, at matapos kong tanggapin ang kape ay lumapit rin ako kay Uweng at humalik.
"Patpat ihanda mo na ang mesa, luto na ang kanin at ulam. Kuya, maupo ka nalang po. May sabaw ang niluto ko ngayon para sa sakit ng ulo mo. Sabi rin daw ni Kuya Alexus na wag ka na daw muna mag trabaho ngayon, siya na daw bahala." imporma sa akin ni Loyd. Kaya nag hila ako ng upuan at umupo na rin.
Ang araw na iyon ay natulog lang ako.
........
Ngayong mag iisang buwan na nga ang nakalipas simula noong nag imbita ako ng isang date kay Sabrina, pero until now ay wala paring progress. Di ko alam. Bumabalik ako ng bar after ng work pero lagi lang daw siyang busy.
Sasabihin ko kay Martin pero pati siya di niya mahagilap si Sabrina. Kaya di na muna ako pumupuntang Bar. Baka busy lang rin sa trabaho niya.
Sabi niya kase graduating daw siya ngayong taon kaya todo pursige siya sa pag tatrabaho. Di ko rin naman maaring itanong kung anong trabaho niya, baka sabihing masyado na akong pakealamero.
.......
Sabado ngayon, walang pasok sa trabaho.
Napagpasyahan kong mamili ng mga kakailanganin sa bahay. Matagal-tagal rin akong di nakapamili sa bahay. Marami-rami na rin kase akong ipon kaya pwede na akong gumasta ng pang grocery at stock sa bahay.Nasa isang malaking Mall na ako, dito sa malapit lang sa tinatrabahoan ko. Napakalawak ng mall kaya maaari kang maligaw kung di mo alam ang pasikot-sikot dito.
Nasa groundfloor lang naman ang mga groceries kaya no need na sumakay ng escalator. Tumungo agad ako sa may canned goods, eggs tray, tsaka sack of rice. Mas mabuti ng sinako ang bilhin ko para ma budget sa isang buwang kainan.
Kasunod naman ay sa Meat station, tsaka mga gulay. Bumili na rin ako ng mga checherya at mga inuming pambata para sa mga kapatid ko.
Nang natapos sa groceries area ay may naisipan akong bilhin. Ibinilin ko muna ang aking pinamili sa may bilinan ng mga gamit. At tsaka binigyan naman ako ng number para pagbalik at pagkuha ko ng gamit ay madali nalang.
Sumakay akong escalator paitaas patungong secondfloor. Nakita ko ay ang malawak na kainan..kaya nagpatuloy ako sa thirdfloor kung saan andoon ang mga bilihing pang aksesorya. Mga damit, sapatos at kung anu-ano pa.
May bahagya akong nabunggo sa may escalator, dahil maraming tao ngayon sa mall. Rush hour.
"Ay, pasensya na po!" yumuko ako at nag bigay paumanhin sa nasagi ko. .
Ngumiti lang ang babaeng matanda kaya nawala ang nakadagang konsensya sa aking puso.
Hoooo! ~
Napasinghap ako matapos makawala sa mga nagsisiksikang mga tao sa escalator.
Nasa gawi na ako ng isang stall na may mga nakadisplay na relos, singsing, earrings at kwentas. Pagtingin ko'y nilapitan agad ako ng babaeng nagbabantay doon.
"Ano pong sa inyo Sir?" magalang na tanong ng babae.
Di ko sinagot ang babae at nag gesture lang ako na 'wag na' matapos siyang mag offer ng kung anu-ano.
Dinala naman ako ng aking paa sa isang stall rin na may pangalang 'Jewel'UMarryMe' .
Hmmm! Ang corny naman ng nakaisip ng pangalan ng shop na ito. Natawa ako ng bahagya. At napansing marami rin palang bumibili dito. Kaya pumasok na rin ako kahit may bahid parin ng tuwa sa utak ko dahil sa pangalan nitong stall.
"Hello Sir. Good afternoon. How may I help you?" magalang at malumanay na tanong ng isang sales lady dito sa stall.
"Naghahanap sana ako ng simple lang na kwentas, yung pasok lang sana sa budget ko." pagsasalita ko habang ang aking mata'y nagmamasid parin sa mga nagkikinangang mga alahas sa fiber glass na lagayan.
"Oh, mayroon kami ng hinahanap mo Sir, This way Sir." iginiya niya ako sa pwesto kung saan may mga kwentas at singsing rin.
"May mga couple necklace tayo Sir. May mga pang isahan lang....pang babae ba Sir? Para sa girlfriend niyo po?" pang uusisa ng tindera.
"Liligawan pa lang" maikli kong sagot.
"Hmm, so kung ganoon Sir, may isang simple and good po ito sa panregalo sa nais ligawan. 10karat ito. Kaya kahit na basain ay di pupughaw ang kulay. Ito Sir, take a look at this!" pagbibigay niya sa akin ng kwentas tsaka inusisa ko naman.
"Pretty and simple. I like this, how much?" tanong ko. Gusto ko ang kwentas pero pasok kaya ito sa budget ko?
"5,599 po Sir!" pagbitiw ng babae sa presyo ng kwentas.. Nabigla ako sa kamahalan.
"Naku Miss, ang hanap ko lang sana is yung kahit simple worth 1k lang sana." pag-amin ko.
"Meron rin naman sir.. Pero 3karat lang po ito. " ibinigay niya ang kwentas sa akin at tinignan ko. So very simple. May pendant pero maliit lang.. Ang pendant niya ay maliit na infinity.. Kulay silver at gold. Parang pinaghalo.
.......
Matapos kong bilhin ang kwentas ay tumunog ang hilab ng kalamnan ko.
'Gutom na ako' sabi ng utak ko, dahil sa naging reaksiyon ng tiyan ko.
Dinala ako ng aking paa pababa ng secondfloor sa floor kung saan puro kainan lang ang andoon.
Nasa may labas ako ng Mang Inasal, pero di muna ako pumasok. Mas pinili ko ang bubuyog. Nag linya na ko para makaorder. At ng ako na ang nasa counter at nakapag order tsaka nakapagbayad.
Inihatid naman ng lalaki ang aking inorder sa mesa kong nasaan ako.
Ako'y masaganang kumain ng malapit nang matapos at napainom na ako ng cokefloat ay may dumaang babae at isang lalaking naka wheelchair sa aking mesa. Sinundan ko nang tingin ang dalawang tao at nang nasa labasan na sila ay bahagya silang lumiko nakita ko naman ang mukha ng babae. Pwera nalang sa lalaki dahil naka sumbrero at naka jacket kaya di ko gaanong mamukhaan.
Tumayo na ako kahit di ko pa tapos ang kinakain ko ay tinakbo ko ang labasan nitong fastfood at nilingon ang banda kung saan lumiko ang babae at lalaking naka wheelchair.
Nang makita ko ang babae na tulak-tulak ang wheelchair ay tinawag ko ito. Walang pakealam sa mga taong nakarinig.
"SABRINA!"
Isinigaw ko ng lahat..pero di siya lumingon...
BINABASA MO ANG
K16 SERIES - Kenjie Garcia #2-COMPLETED
RomansaI want you. All of you. Your flaws. Your mistakes. Your imperfections. I want you. And only you. -Kenjie Garcia.