CHAPTER ELEVEN: Matching tattoos

13 0 0
                                        

Nasa byahe ang pamilyang Zeo at ang dalawang dalagang Yoshida papuntang Daranak Falls.

Nirentehan ni Nixon ang falls para sakanila sa buong araw, para ma-enjoy nila ito. Marami rami rin sila dahil nandoon ang pamilya ng nakababatang kapatid na babae ni Naethan.

"Sayang at hindi mo naisama si Hades. Wala tuloy kalaro si Claud." Malungkot na sabi ni Nixon.

"Nag-wala nga kagabi nung nalamang aalis kami ni Khaile. Nag-enjoy ata kalaro si Claud."

"Eh ikaw nag-enjoy ka bang kalaro ako?" Pilyong tanong ni Nixon.

"Sus, tumigil ka nga. Naiinis pa ako sayo." Alis ni Charlie sa kamay ni Nixon na nasa balikat niya.

"Oh? Anong ginawa ko?" Nag-aalalang tanong ng binata.

"Kaano ano mo si Icy? Ang lagkit tumingin sayo noong isang araw eh." Taas-kilay na tanong ni Charlie.

"Ah? Importante pa ba yun?" Naiilang na sabi ni Nixon.

"Aba, syempre."

"Ex ko." Malamig na sagot Ni Nixon.

Hindi sa nagiging sensitive si Charlie dahil alam niya naman na hind si Nixon ang nag-imbita kay Icy. Pero naramdaman niyang may kakaiba sa boses ng binata, naisip niyang siguro mapait ang nakaraan ng dalawa at masakit ang nagawang paghihiwalay. Hindi mo masisisi si Nixon kung masakit ang pangyayareng iyon at napa-alala ni Charlie ang nakaraan na matagal na rin sigurong nakalimutan ni Nixon.

Niyakap ni Charlie ang binata nang naisip niya ang mga iyon. Niyakap rin naman siya pabalik ni Nixon at tahimik na umupo habang nagba-byahe.

--

Ready na sila at naghihintay nalang si Nixon sa labas dahil nagbibihis pa si Charlie, pero noong lumabas ang dalaga naalarma si Nixon dahil naka one piece ito at kita ang maputing legs at ang hubog ng katawan ng dalaga.

"Magpalit ka. Mag-leggings ka or what basta mag-palit ka." Utos nito.

Napatingin naman si Charlie sa suot niya at para sakanya okay lang naman iyon. "Leggings? Mag-siswimming naka leggings? Wag na okay na to."

"Madaming tao, Charlie for fuck's sake. Ayokong pag-pyestahan ka ng mga pinsan ko at lalo ng puro lalaki ang mga iyon."

"O-okay." Tanging sagot na lamang ni Charlie dahil natakot siya sa malalim na boses ni Nixon. Tumalikod na siya at papasok na sana sa banyo ng may napansin si Nixon sa naka pinta sa sa likod na bahagi ng  balikat ni Charlie.

"Wait." Pigil nito. Napalingon naman ang dalaga. "Kailan mo yan pina-tattoo?" Tanong ni Nixon.

"Huh? Ang alin?" Tinuro naman ni Nixon ang tattoo. "Ah.. eighteenth birthday ko noon, nagpa-tattoo ako sa isang artist na at the same time fortune teller." Sabi ni Charlie.

"Kailan ang birthday mo?"

"December 3."

"Ilang taon ka na ngayon?"

"21?"

Napaisip si Nixon.

"So 2016 ka nag-pa tattoo niyan. Tanda mo pa ba kung anong oras at saan?"

"Uhmm, mga umaga pa ata yun sa Stylish font sa may Makati." Huminto siya. "Teka bakit ba?"

Pinakita ni Nixon ang tattoo niya sa likod. Isang chocolate factory na gawa sa chocolate.

Habang ang kay Charlie naman ay lettering na Nyx On na roman font.

Nyx On ang pinatattoo ni Charlie dahil ginamit niya ang Nyx make up niya na siyang naging favorite niyang brand.

"Naiisip mo naiisip ko?"

"Hinde?"

"We're meant to be Charlie." Masayang sabi ni Nixon.

"Huh? Ano bang sinasabi mo?"

"I visited that place way back December third twenty sixteenth in the afternoon para sana magpa-tattoo and nabanggit rin noong artist na fortune teller nga siya. So, I let him do the work and my tattoo is a Chocolate factory. Alam mo yung movie na Charlie and the chocolate factory? Ang sabi kasi nung artist related daw ang chocolate factory sa magiging true love ko."

"Weh? Yan rin ang sabi saakin ng artist noong sinabi ko yung ipapatattoo ko."

Ngumiti silang pareho.

Bumaba ang tingin ni Nixon sa labi ni Charlie at gayundin ang dalaga, ilang segundo ang lumipas at lumapat ang labi nila sa isa't isa at kalaunan ay nag-hiwalay rin at nag-yakapan.

"I love you, Charlie."

--

✈💔🍸

Pardon me, for loving you. Stories to obsess over. Discover now