22: Sisters

20 0 0
                                        


A/N: Nararamdaman kong lumilihis ang kwento ah? Okay lang ba sa inyo ang plot o masyadong confusing?


Charlie

Dalawang araw na simula nung nagpakuha kami ng DNA. Ngayon ay papunta na kami sa hospital para makuha ang result. Pagkarating ko ron ay nakita ko si Icy.

"Handa ka na?" Tanong pa nito.

"Matagal na."

Tinahak namin ang daan papuntang laboratory at di hamak na mas napansin ako ng mga tao kesa kay Icy.

Simpleng puting hapit na croptop, fitted jeans, shades, shades at pulang heels ang suot ko. Naka-curl ang brown at mahabang buhok ko.

Simple pero nakakapukaw-atensyon.

Nang makapasok kami ay nagbatian at nagusap ng kaunti. Humantong na nga sa pagsasabi ng resulta.

Sabay-sabay namin itong binuksan at pare-pareho kaming nagulat.

Match ang DNA ng nanay ko at ni Icy pero negative naman ang sa tatay ko.

Maya maya ay biglang bumukas ang pintuan. Doon ko lang rin napansin na umiiyak si Icy.

"I-icy.." utal na tawag ng medyo may edad na, na babae.

"Hindi mo ako, anak?" Bakas ang pagpipigil ni Icy ng galit sa tono ng pagtatanong niya.

"Icy, let me explain."

"Tinatanong kita Ynna!!" Biglang sigaw ni Icy.

"Hindi kita anak." Walang emosyong sabi ni Ynnah kuno. "Half sister mo siya." Turo niya saakin

"Half sister mo siya."

"Half sister mo siya."

"Half sister mo siya."

"Half sister mo siya."

Nagpaulit-ulit ang sinabi ni Ynnah at hindi ma-absorb ng utak ko iyon.

"A-ano?! Anong sinasabi mo?!"

"Kinuha kita sa nanay mo na nanay rin ni Charlie. Ni-rape ang nanay ko noon at ikaw ang bunga, tinulungan ni Daren si Lauren. Ang plano pa nga'y dapat si Daren ang kikilalanin mong ama--" Pinutol siya ni Icy.

"Hindi ako interesado sa kwento ng buhay ko, ang gusto kong malaman ay bakit ako lumaki sayo?!"

"Hindi mo pwedeng malaman yon."

"Kayang kaya kitang patayin, Ynnah. Alam mo yan."

"M-masyadong confeden--"

Icy

"Masyadong confidential o talagang may balak ka?!"

Para akong pinaglaruan, tumanda ng wala man lang nalalaman at higit sa lahat ay kapatid ko ang taong KINAMUMUHIAN KO!

"Wag mo akong sigaw--"

"Hindi kita sisigawan kung wala kang ginawa!"

"Oo! May balak ako! Dahil alam ko na na ikaw ang anak ni Lauren ay kinuha kita para makuha ang kayamanan ni Daren!"

"Hayop ka!" Dinakma ko ang buhok niya at ibinuhos sakanya lahat ng emosyong nararamdaman ko.

Naririnig ko ang mga tinig nila pero parang hindi ko ma-control ang sarili ko. Nararamdaman ko ring hinawakan na ako ni Charlie pero hindi ako nagpatinag.




Charlie

Pinahupa ko ang nararamdaman ng ate ko at dinala siya sa isang resto.

"Wag kang umasta na gusto ko rin ang nangyayari." Panimula ko. "Kahit kailan ay hindi ko matatanggap ang katotohanang  nalaman natin ngayon."

"Ipinapalabas mo na parang nagugustuhan ko ito lahat?" Inis na tanong niya.

"Kung dahil sa makukuha mong pera, pwede. Pwede mong magustuhan." Sumimsim ako ng iced tea.

"Sayo na ang pera mo dahil hindi ko kailangan yan."

"Wag kang magnalinis. Alam kong yan ang balak mo, ang magpanggap na ako at kuhanin ang kayamanan. Ngayon ay pwedeng-pwede ka maging successful lalo na at alam mo ngayon na pwede kang makakuha ng share ng walang pinupunasang luha."

"Hindi ako mukhang pera."

"Gold digger oo. Pina-bongga ko lang haha. Wag kang mag-alala, bibigyan kita ng 30 percent ng kayamanan ni Mama, baka multuhin ako non at sabihing wala akong awa sa kapatid ko."

"Mayaman ako, piso lang iyang 30 percent mo para saakin."

"Okay, ikaw na ang may sabi. Kailangan ko ng umalis, may kikitain pa ako."

"Nagtataksil ka sa nobyo mo." Ngumisi siya.

"No, Actually, it another way around."




"Hyugo, kailan ang alis ko?"

"2 weeks from now."

--

Ako nanaman hahaha! Sana ay nasisiyahan kayo sa flow ng story. Sabihin niyo lang kung masyadong confusing huh? Para malaman ko rin kung ano ang aayusin para masatisfied kayo hehehe. Pizzyow!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pardon me, for loving you. Stories to obsess over. Discover now