CHAPTER SIX

18 0 0
                                        

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko kay Nixon mula sa likod niya.

Nasa motor niya kasi kami at papunta sa susunod na destination.

"Dito." Huminto kami sa isang malaking mansiyon.

"Wag mong sabihin magnanakaw tayo?" Takot na tanong ko.

"Gago ka ba? Bahay namin to."

"A-anong gagawin natin dito?"

"Baka maglilinis." Natatawang sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas, "Ano nga?!"

"Ipapakilala kita sa magulang ko."

Napatigil ako.

"Charot lang! Basta may gagawin tayo."

Inaamin ko guys. Naging madumi isip ko doon sa word na gagawin.

Kayo rin naman siguro diba?

Diba?

"Dito tayo titira?" Nakakaloko kong tanong.

"Hindi, mas maganda pa dito ang bahay natin kung sakali." Seryosong sabi niya.

"H-huh?"

"Engineer ako kaya mas maganda bahay natin dito." Namumula na ako pramis. "Eto di mabiro!" At tumawa siya.

Apaka paasa netong gagong to. Tsk

--

Pagkapasok namin sa bahay nila lima-limang maid ang nagasikaso saamin. Binulungan ni Nixon yung dalawa at saka umalis. Naupo kami sa sala at nagkwentuhan ng konti nang may dumaang babae na nasa edad lang ni Kuya Hermes.

"Nixon, you're here and oh, who do we have here?"

Meroon siyang suot na white dress at may ribbon na naka-lagay sa gilid ng ulo niya na pini-pin ang kokonting side hair niya.

"Ate, this is Charlie Tubia Shanntal, from Yoshida Empire."

"Hello, please to meet you." Nakipag-shake hands ako at ngumiti.

"Hi! I am Nathalea Zeo, wife of Henry Corpuz the famous chef. But you can call me Nana nalang." At ngumiti siya ng pagka-tamis tamis.

Sayang may asawa na siya, reto ko sana kay kuya.

Sayang naman.

"C'mon honey sit down," pagpapa-upo niya saamin. "I've been hearing a lot about you Tubia, the heiress of your empire together with Hermes Sythrus."

"Yes, yes I am."

"And I also heard that you are a famous model in New York!" Gulat na gulat na tanong niya.

"Ahaha yes, I've been on the Time magazine's cover last month and I am planning to accept Chanel and Gucci's offer. " ngiti ko.

"Nixon, what is that phrase that millennials using nowadays?" Humawak siya sa tuhod ng kapatid niya na nasa harap niya.

"Which one?"

"Yung sana all ba?"

"Ah yes sana all."

"You guys are funny." Comment ko.

"Ma'am Nana, si Hirobrine po kanina pa umiiyak." Sabi nung maid

"Oh really?" Tumingin si Ate Nana saamin, "Excuse me for awhile. Enjoy your stay here Tubia. Feel at home."

At umalis na siya na parang nakikipag-away pa doon sa maid.

"Hirobrine? Yung sa Minecraft?" Natatawang tanong ko.

"Anak yun ni Ate." Kamot niya sa ulo niya.

"Oh? May anak na siya? Ilang taon na?"

"Mago-one year old na this December."

"Ah.."

"Halika na, sa kusina tayo." Aya niya.

"Ah? Okay."

--

"Saan ka natutong mag-bake?" Tanong ko at kumagat sa red velvet cupcake na kaka-bake palang niya.

"Sa mama ko." Ngiti niya, tumingin siya saakin at umirap, "Ikaw nga tumulong, kanina ka pa kain ng kain jaan."

"Di ako marunong mag-luto." Casual na sabi ko, kakagat pa sana ako nang may nahulog na mangko ang tumunog.

"Seryoso ka?" Nanlumo ata si Nixon sa sinabi ko.

"Mukha ba kong nagbibiro? Mukha ba?"

"Hinde."

"Ah saglet, cr lang ako. Asan ba?" Tanong ko.

"Diyan oh sa gilid ng faucet."

Agad akong tumakbo dahil masama na talaga tiyan ko.

Nixon

"Hugasan ko lang tong dedean ni Hiro ah." Pumasok pala si ate

"Sige lang ate."

Tahimik lang kami hanggang nagsalita si Ate.

"You like Tubia, do you?"
Napalingon ako sakanya at napaisip rin.

"No. She's just.. special." Napangiti ako.

"You like her. Omg! CL is going to have a mom!" She squealed.

"Shut up, woman."

"Bye, lover boy!"

--

"Hoy, salamat ha?" Palo saakin ni Charlie.

"Sige lang. Sa susunod ulet."

"Ge lang. Ingat ka byr lab-- hehe ingaaat!" Kumaway siya at tumakbo paloob ng bahay nila.

Pagkauwi ko isang anghel ang sumalubong saakin.

"Dada~"

---

Sorry sa typos

Pardon me, for loving you. Stories to obsess over. Discover now