Charlie
Isang araw makalipas ng makilala ko si Tita Sylvea, napag-decisionan ko rin na samahan si Tita sa bahay niya at pinayagan naman ako nila mommy at suportado naman sila.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, di kalakihan kumpara sa kwarto ko sa kinalakhan kong bahay pero komportable.
Vintage ang ilaw, may veranda at queen sized bed.
Itim at pula ang interior, sa taas ng headboard ng kama ko ay may portrait ng strawberry.
Pinasadya daw ni Tita hahaha.
Habang nakapulupot ako sa kumot ko habang naglalayag ang isip ko ay pumasok si Tita.
"Shyne?" Tawag niya.
Yan ang tawag niya saakin dahil yan naman daw ang ginawang nickname saakin ng mga magulang ko.
Nalinawan na rin ako kung bakit at paano ako napunta sa mga Yoshida.
Lasing noon ang tatay ko at hindi ako namalayan, nasa probinsiya sila noon dahil nagtatago daw kami sa mga gustong pumatay saamin. Laking pasasalamat daw ng parents ko ang pagkup-kop saakin ng mga Yoshida dahil napalabas na patay na ang heir ng tatay ko.
Sa katotohanan nga ay may nagtatangkang magpakilala sa siya ay ako.
"Yes, tita?" Naupo ako sa kama.
"Gusto ko lang sabihing gusto ko sanang isama ka sa family reunion natin bukas?" Matanda na si tita at kita na ang mga wrinkles niya at ang pagkulubot ng balat niya, pero litaw parin ang ganda niya at pula ng labi niya. Sa katunayan ay parang lola ko na siya.
"Wala pong problema tita." Payag ko.
"Gusto ko ring isuot mo ang isa sa mga magarang gown na gawa ko. Gusto kong gulatin mo silang lahat sa pagpapakita mo." Ngiti niya.
"Gagawin ko po."
"May gusto rin sana akong ipakita sayo?"
"Sige po, ano yun?"
"Sumunod ka."
---
Khaile
Noong panahong nagpunta kami sa Daranak falls ay nakilala ko ang isa sa mga pinsan ni Kuya Nixon.
Si Viccini Zeo. Pinsan niya si Kuya Nixon sa ama.
Nagbigayan kami ng account at nag-chachat parati.
Sa loob ng ilang araw ay nahulog kami sa isa't isa at nililigawan niya na ako. Wala pang may alam sa relasyon namin at sina Step at Typa palang ang may nalalaman.
Sa tingin ko ay sa engagement party nalang nila Ate Shyne ko na lang sasabihin.
Charlie
"Kuya Herms?" Bati ko noong sumagot siya sa tawag ko.
"Yes Tubia?" Sagot niya.
"Can you meet me?"
"Oo naman, saan mo ba nais makipagkita?"
"Sa Starbucks na lagi nating tinatambayan."
"Sige."
Naligo na ako at nag-ayos.
Sinuot ko yung regalo saakin ni kuya na puting turtle neck na medyo hapit, regular skinny jeans at pulang cardigan.
Pinusod ko ng magulo ang buhok ko at kinuha ko na ang pulang sling bag ko.
"Mayroon akong gustong sabihin sayo, Shanntal. Ang kaso ay naunahan mo akong tawagan." Sumimsim siya sa kape niya.
At hahaha take note matchy matchy kami ng suot.
Suot niya rin ang regalo kong puting turtle neck pero makapal at ginantyilyo ang kanya, brownish-orange na coat at ang relos niyang itim.
"Ano yun kuya?" Sumipsip rin ako sa frappe ko habang nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na babaeng may kulay blue'ng buhok.
"Ayaw ko si Nixon para sayo. Nararamdaman ko na sasaktan ka lamang niya. Hindi siya makabubuti para sa iyong puso." Dinig kong sabi niya pero ang paningin ko ay nanatili sa babaeng yon.
Siya ba? Hindi pwede.
"Bakit?"
"Nararamdaman ko lang. Sana ay sundin mo ako."
"Kuya, chill ka lang."
"Kailangan ko lang gumamit ng banyo sa kaunting oras. Ipagpaumanhin mo." Tumayo siya at naglakad palayo, noong nakita kong nakapasok na siya sa banyo ay tumayo ako at nilapitan yung babae.
Hindi ako lumapit ng masyado, nagtago lang ako sa gilid at nakita ang nakatagilid na si
Icy.
Sinasabi ko na nga ba.
Maigi siyang nagbabasa ng papeles habang umiinom ng kape. Tinignan ko ang kaharap ma upuan niya para tignan kung may kasama siya at meron nga.
Teka.
Parang nakita ko na yang bag na nasa kaharap na upuan niya ah?
Hindi pwede ang iniisip ko. Siguro kapareho lang?
Niloko ko ang sarili ko at bumalik na sa table namin. Sakto namang lumabas si Kuya Hermes sa banyo.
"Nakita ko si Nixon roon sa banyo." Halata ang pagtataka niya. "Tinanong ko siya kung ano ang kanyang ginagawa rito. At ikinagulat ko ng husto ang kaniyang sagot."
"Ansabe?"
"Naandito raw siya dahil lumabas daw kayo." Gulat na kwento niya
Lumabas kami?
Saka ko lang napansin na hindi pala kami nagkikita ng ilang araw.
Nagkatinginan kami ni Kuya na parehong may bakas na pagtataka sa mukha.

YOU ARE READING
Pardon me, for loving you.
Roman d'amourIt's all about how a man fulfill a lady's dream.