Charlie
I walked out on the room of my class to proceed to the College department to teach literature on the BSED major in English students.
Pagpasok ko palang, naabutan ko si Vance, ang class president na nakatayo sa harap at parang may ina-announce. Napatigil silang lahat at napatingin saakin si Vance. Nagulat ako kasi yumuko siya at biglang umupo sa upuan niya, sa may second row sa tabi ng bintana.
Mas nagulat ako nung nagtilian ang mga kaklase niya.
"Yiieeee inspiration ni pres andito na." "Kanina lang galit ka Constello ah. Bakit nanlambot ka?"
"Dalaga na si Vance!"
Mga asar ng classmates niya, natawa ako ng bahagya kasi hindi ko alam kung anong tinutukoy nila.
"Okay, enough you're making Mr. Constello shy." Saway ko na mas lalong inasar ng classmates niya.
Mga buang.
"Okay I want you to open your books on page 127. We have a quiz comin' up."
Habang nagki-quiz kami, may nahahagip akong naghahagik-gikan.
"Ms. Hilary and Ms. Gretchen, mind sharing your topic there?" Masungit na tanong ko.
"I'm sorry Ate Shanntal but we are just laughing at drooling someone." Then Hilary giggled.
Yes, hindi maam or miss ang tawag nila saakin. I wanted to be unique so Ate Shanntal ang tawag nila saakin. Anyways, I furrowed my brows and send Gretchen a questioning look and she pouted at the direction of the class president.
Vance Constello is staring directly at me. Nang tignan ko siya ay bigla siyang yumuko.
I chuckled.
Sorry boy, I have someone now.
"So now, I want us guys to have fun. Ganito ang gagawin natin, you have to say something about the person you love. Total ang topic natin is Romeo and Juliet. Its up to you whether you tell his or her name or codename na lang."
Ganito akong teacher, fun and outgoing parang mga barkada ko lang ang students ko pero I keep my professionalism sa bawat galaw ko.
Fun fact lang, alam ng students ko ang favorites ko dahil talagang nakikipag-ingteract ako sakanila.
"Let us start from Ms. Ern."
Ern is my favorite student kasi nage-excel siya pero that doesn't mean na kahit favorite ko siya eh nami-mistreat ko na ang iba, hindi ako ganon.
"Uhm... This is for Vance, the class president." Nahihiyang sabi niya. Nagsigawan naman ang classmates niya at napangiti rin ako habang nakapangalumbaba.
"I've been loving you since Freshmen days and ngayon lang ako nagkaroon ng courage thanks to Ate Shanntal." Ngumiti ako. "Hindi ko alam kung bakit but yung simpleng pagtulong at pag-cheer up mo saakin dati siguro ang dahilan kung bakit ako nahulog sayo. Vance, I know I am not the girl you like because may iba kang gusto. But I'm still hoping that one day mapapansin mo rin ako. I hope this confession won't ruin what we have. Yun lang, thanks Ate Shanntal." Umupo siyang namumula and I found it cute.
Naalala ko ganyan din ang reaction ko nung mga panahong nag-confess ako sa crush ko nung grade 3 ako AHAHAHA.
Nagconfess silang lahat at may dalawang tao na ang naging couple, nakakagulat. Nang turn na ni Vance nagtaka ako kasi tutok na tutok siya saakin.
"There's this girl who captured my heart and I call her Red." Naghiyawan ang mga boys na probably barkada ni Constello.
"She's older than me and her dream is to travel around the world. She's sexy and beautiful at the same time. She's fun to be with and everyone is enjoying her company. She loves strawberries so much and napansin ko ring mahal niya ang Paris dahil nabanggit niya once na gusto niyang ma-engage sa harap ng Eiffel Tower at madami siyang figurines at keychains sa office niya ng Tower. Nainlove ako sakanya first day palang ng senior year ko. And honestly teacher ko siya sa English noong Senior year ko hanggang ngayon." Namumulang sabi niya.
