21: The star's night.

14 0 0
                                        

Charlie

"You look really pretty, hija." Hinagod ni Tita ang buhok ko.

This night is the family reunion and the big night.

I wore a gown with the colors of fire on it. It was a ball gown with the mix of orange, yellow, and red on the top and the sparkling flame on its bottom. Ang style ng mismong gown is parang nakataob na bulaklak na nakasayad sa sahig, ang likod nito ay dalawang dipa ang haba.

"Let's go now, hija. The limousine is ready. And don't forget the papers."

"Yes tita, I will never forget those."



Pinaka magandang author sa balat ng lupa's pov

Pagbaba nina Charlie at Sylvea sa kanilang limousine ay nagkagulo ang mga photographers at masisilaw ka sa flash ng mga camera.

Nabalitaan nilang may sasabihing importante si Sylvea Hernandez, ang pinaka-sikat na artista sa Russia at fashion designer ng buong Europe at Asia. Ang sasabihin niya ay magpapayanig sa buong business industry.

Mangilan-ngilang pakilalahan at nagsimula ang party.

Sayawan at kainan ang unang ginawa. Kilalahan ng mga kamag-anakang hindi na gaano nakilkilala.

Habang abala sa panonood ng mga sumasayaw, nahagip ng mata ni Charlie ang dalawang imahe.

Lumingon siya sa gawi nito at nagulat na makita si Icy. Tumayo siya at pumunta sa likod nito at nakinig sa usapan ng kaniyang nobyo, ex ng kaniyang boyfriend at iba pang tao.

"Yeah, he's really a good fiancee, tita. Nixon is really lucky to have me, same goes mine." Confident na kwento pa ni Icy.

"Bagay na bagay nga kayo, hija."

Sa narinig ni Charlie ay hindi niya napigilan ang sarili niyang magsalita at ikinagitla ito ng dalawa.

"Engaged na kayo?" Prangkang tanong nito.

"Charlie?!" Gulat na tanong ni Nixon.

"Oh, Charlie, you're here." Nakangising sabi pa ni Icy.

"Tinatanong ko kayo."

"Yes, dear. We're engage--oww!!" Hindi napigilan ang sampal na ginawa ni Charlie na animo'y galing sa impyerno.

"Nixon?"

"Magpapaliwanag ako."

"Magsimula ka na paliwanag mo." Walag emosyon pero tumutula ang luha niyang tinanong si Nixon.

"In-arrange kami ng p-parents namin."

"At hindi ka man lang nakipag-break o kumausap saakin?!"

"Bi-biglaan."

"Ganon ba kabigla at hindi mo ako naalala? Ah oo nga pala,dahil di-ne-lete mo ang number ko sa cellphone mo."

"Charlie intindihin m--"

"Pwede mo iyong tanggihan kung mahal mo talaga ako, Nixon." Hindi mapigilan ang luha sa mata ni Charlie.

"Wala akong magagawa."

"Meron, Nixon. Kung mahal mo ako meron at meron kang magagawa, maipagtatanggol mo ang relasyon natin kasehodang kailangan mo pang makipag-gyera sa pamilya mo. May magagawa ka kung hindi mo ito gusto."

Natahimik si Nixon.

"At sa simula pa lang ay mayroon ka ng magagawa, yun ay ang tumanggi at sabihin merong tayo. Pero kung talagang ginusto mo ito ay ora mismo papayag ka."

Pardon me, for loving you. Stories to obsess over. Discover now