"Sa iyong pananaw, bakit siya nagsinungaling saakin?" Tanong saakin ni Kuya.
Andito parin kami sa café.
"Wala akong masasabi kuya eh. Wala rin akong nakikitang dahilan para sabihin niya yun." Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumingin sa sahig. "At kuya may nakita ako kanina."
"Ano?"
"Si Icy, yung sinabi ko sayong ex niya na may gusto pa sakanya."
"Masama ang nabubuong konklusyon sa aking isip, kapatid ko. Maari mo ba akong samahan at ipakita saakin ang babaeng iyan? Malaki ang posibilidad na sila ay magkasama."
"Ayokong saktan ang sarili ko kuya." Malungkot na sabi ko.
"Sinasaktan mo na ang sarili mo kapatid. Huwag mong sabihing hindi mo rin naisip na magkasama sila? Mas maigi nang masaktan sa katotohanan kaysa maging masaya sa kasinungalingan."
Napatingin ako sakanya at maya maya'y tumayo. Hinawakan ko ang kamay niya at sumunod sakanya.
"Pangako, susulyapan lang natin sila. Hindi kita pipigilan sa anumang magagawa mo." Sabi pa ni kuya na tinanguan ko lang.
Sinilip namin sila at tama ngang magkasama sila. Hinawakan ni Nixon ang kamay ni Icy at sinubuan ito. Mukhang masaya sila at nararamdaman ko na ang luha kong unti-unti ng tumutulo. Pinunasan ko iyon at pinilit maging maayos.
"Nixon." Bulalas ko na ikinagulat niya.
Napatayo silang dalawa at parang gulat na gulat.
"C-charlie?" Tanong niya.
Pinilit kong ngumiti at sinenyasan si kuya na manatili sa pwesto niya. "Anong ginagawa niyo dito?" Pinilit kong hindi maging sarkastiko.
"Na-nakipagkita lang si Icy, hindi ko ginusto." Hindi makatingin siya makatingin saakin ng diretso. "A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Drinking coffee in this coooold weather." Sarkastikong sabi ko.
"It's hot, stupid." Dinig kong bulong ni Icy.
"Icy!" Saway ni Nixon.
"Oh Im sorry. Talagang nanlalamig lang ang pakiramdam ko dahil sa galit. Ahaha, i better go. Enjoy." Ngumiti ako at hinila si kuya papalabas.
Pagtalikod ko ay doon na bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigalang bumuhos at narinig ko pang sinigaw niya ang pangalan ko.
Hermes
"Kuya, anong gagawin ko?" Nanghihinang tanong saakin ni Shanntal.
Kasalukuyang nandito kami sa taas ng bundok upang makapag-usap at ilabas ang mga emosyong kinikimkim ng aking kapatid.
Masakit isiping wala akong nagawa upang pigilan ang pagka-hulog niya sa lalaking iyon.
Noong una palang ay ramdam ko na may mali pero inisip ko ang nararamdamang saya ng aking kapatid kaya hinayaan ko sila.
Pero nitong makalawa lang ay nakita ko si Nixon sa kompanyang dinausan ng pagpupulong ng aking ama.
Sinamahan ko ang aking Daddy at nakita ko siyang nakikipag-usap sa babaeng nakita namin kanina.
At ikinagulat kong hinayaan niyang halikan siya nito sa pisngi.
"Mas mainam sigurong tapusin niyo na ang mga ano mang namamagitan sainyong dalawa." Suhestiyon ko.
"Kuyaa.." nanghihina ng sabi niya at inakap ko siya. "Hindi ko ata kaya eh." Umiyak na siya ng todo.
Bukod sa nakita ko roon sa kumpanya ay may nakalap rin akong impormasyon tungkol kay Icy.
Nagdadalawang isip rin ako kung ibabahagi ko ba sakanya ang mga nakalap kong impormasyon sa ngayong sitwasyon ng aking kapatid.
Sasabihin ko na lamang upang isang iyakan na lang.
"Kapatid, nalaman ko ring siya ang nagpapakilala sa iyong tiyahin na anak nina Mrs. At Mr. Wang. Kinukuha niya ang iyong pangalan upang mapunta sa kaniya ang lahat ng mana ng iyong itay."
Napatingin siya saakin at bakas sa kaniyang mga mata ang pagkagitla. "What?"
"Yes, I've been haunting some information about that Lyrica and your aunt also shared it with me."
Hinayaan ko lang siyang ibuhos ang lahat ng kaniyang nararamdaman dahil alam kong bukas makalawa ay hindi na siya iiyak.
Siya ang babaeng iiyak lahat ngayon at ipipilit na maging maayos.
--
