Chapter 2

2.7K 41 0
                                    

“Anong ginagawa?”

“Sa panlili-”

Natigil si Clarie sa sinasabi nang biglang may tumapik sa balikat ni Jayden, si Mak. Ang drummer ng banda nila. Matapos ang mga sinabi nito kay Jayden ay nanatili ng malungkot ang mukha ni Clarie. At hanggang pag-uwi suot niya pa rin ang ekspresyon na iyon.

“Ito na ‘yun eh!” bulalas niya habang naglalakad mag-isa pauwi sa kanila. “Sasabihin ko ng ‘Oo’ para kami na, tapos aalis siya? Kailangan daw siya ni Tessa sa Colser? Ano ‘yun, hero na din siya ni Tessa?!”

Malala na talaga ang feelings ni Clarie. Maging ang co-chef ni Jayden na si Tessa ay pinagseselosan na rin niya. Nagpaalam na din kasi kaagad si Jayden nang magkaroon ng emergency call sa Colser kaya’t heto siya mag-isang umuwi. Kung hindi nagkaroon ng problema ay magkasabay sana silang uuwi dahil magkapitbahay lang din naman sila. At nai-imagine na ni Clarie na pasan-pasan pa siya nitong ihahatid sa bahay dahil tiyak magtatatalon iyon sa tuwa kung naituloy niya lang sabihin ang dapat niyang masabi. Pero dahil sa nagkaroon nga ng aberya, nalugi ang mukha niya at may selos ring nakikisama sa feelings niya.  Ito ang ilan sa mga feelings at attitude na pinipigil niya kahit na alam niyang may karapatan siyang maramdaman ito dahil siya naman ang nagugustuhan ni Jayden, kaya nga siya nito nililigawan. Pero ayaw lang niyang maging kagaya ng iba na nagkakandarapa dito. In other words, pa-hard-to-get kahit unti-unti nang inuupos ng selos.


“Jayden!” napabalikwas niyang bangon at hingal na hingal. Nang mapansin niyang ala-siyete na ng umaga, kaagad niyang binuksan ang bintana. Sarado pa ang bintana ni Jayden. Dahil sa magkapitbahay lang naman kasi sila, magkatapat din ang mga kuwarto nila. Tinungo niya ang mesa at kinuha ang cell phone. Tinawagan niya si Jayden pero out of coverage area ayon sa operator. Makailang beses niyang tinawagan ulit ito pero parehas lang ang isinasagot sa kanya. Nangamba na siya. Nagmadali siyang naghilamos at nagbihis. Pinuntahan kaagad si Ate Ester, tiyahin ni Jayden sa katapat na bahay.

“Naku Clareng wala nga siya! Akala ko nandito lang siya, kasi nakarinig ako kagabi na may umakyat na sa kuwarto niya. Kaya akala ko siya ‘yun!” paliwanang ni Ate Ester na nangangamba rin matapos nitong akyatin ang kuwarto ng pamangking si Jayden.

“Saan naman po kaya ‘yun pumunta?! Hindi man lang nagawang tumawag o mag-text kung saan siya pupunta!” tumaas na boses na rin ni Clarie.

“Huwag na kayong mag-panic,” biglang singit naman ni Goji na kalalabas lang ng kuwarto nito. “Ma, ako ‘yung pumunta sa kuwarto ni Jayden kagabi. Chineck ko siya bandang alas-onse kung nakauwi na siya pero hindi pa pala. Tapos, biglang nag-text si Tessa sa’kin nagpaiwan daw si Jayden sa Colser at may tatapusin lang daw. Kaya siguro doon na ‘yun nagpa- Clareng! Saan ka pupunta?”

Parang walang narinig si Clarie at patuloy lang sa paglalakad ng mabilis. Hindi na niya pinatapos pa si Goji dahil iniwanan na niya ang mga ito. Wala na siyang ibang alam na lugar na pwedeng puntahan ni Jayden kung hindi niya ito makikita sa Colser. Wala siyang ibang iniisip at sinasabi sa sarili kundi sana ay maayos lang ang lagay nito.

Panaginip lang ‘yun. Maayos lang siya, walang masamang mangyayari sa kanya.
Kahit paulit-ulit niya iyong sinasaulo, taliwas naman iyon sa nararamdaman niya. Hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng takot. Kasunod ang galit, guilt, at kapag hindi niya pa napigilan pati mga luha niya kakawala na rin. Natatakot siyang baka may masama na ngang nangyari kay Jayden at biglaan itong mawala sa kanya. Hindi pa man din niya nasasabi ang mga dapat niyang sabihin at iparamdam dito ay baka mawala na ito kaagad sa kanya. Hindi niya iyon kakayanin. Alam niyang OA na siya sa mga oras na ito. Isang panaginip lang, ikinatataranta na niya? Pero dahil nang malaman niyang hindi umuwi si Jayden mula pa kagabi at hindi pa ma-contact ang cell phone nito, alam niyang dapat siyang mangamba at mataranta.

A Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon