Chapter 10

1.5K 36 1
                                    

Wala  ibang naririnig si Clarie kundi ang paulit-ulit na mga katagang iyon. Sa sobrang lakas at sunod-sunod na atake hindi na niya namalayang pumatak na  ang luha niya.

Planado at paghihiganti lang... lahat? Hindi na nais pa ni Clarie na marinig pa ang mga susunod na sasabihin ni Jayden lalo kung mas ikasasakit lang iyon ng sobra ng kalooban niya. Kaagad na siyang tumalikod at ma-ingat na umalis upang hindi mapansin ang presensya niyang nakikinig sa mga manlolokong iyon. At nang nakalayo na nga siya’y nagsimula na siyang nagtatakbo.

Sandaling huminto sa gilid ng isang malaki at matandang puno. Doon na niya pinakawalan ang hindi na niya napigilan pang mga luha at ang sunod-sunod niyang paghikbi. Wala siyang ibang nararamdaman kundi sakit... napakasakit.

Si Jayden ang first love niya. Sadly, ito rin pala ang magiging first heartache niya na ni minsan hindi dumaan sa isip niyang paghihigantihan lang siya nito. Ito lahat ang naging first-best-amazing-man na nakasama niya sa halos most unforgettable moments ng buhay niya.

Kaya’t aminado siyang si Jayden ang umaliw sa pangungulila niya sa sariling pamilyang hindi niya kasama. Nang mga sandaling iyon, gusto niyang gumawa ng sariling quote tungkol sa first love.

Kontrahin ang popular na kasabihang, First love never dies. Instead palitan itong, First Love... must die, now! Iyon ang protesta ng isip niyang nagwewelga.


“Oh Jayden? Nasaan si Clarie? Iyong mga kaibigan mo, umuwi na ba sila?” tanong naman ng tiyahin ni Jayden na si Ate Ester nang makauwi siya galing sa sanktuwaryo. Kasalukuyang nagluluto iyon ng hapunan.

“Umuwi na po ‘yung tatlong itlog na ‘yun. Wala po ba sa bahay nila si Clarie?” tanong din niya.

“Ay, hindi ko alam. Akala ko magkasama kayo. Hindi ka ba niya pinuntahan ‘dun sa may ilog na pinagtatambayan niyo?”

“Hindi naman po siya dumaan ‘dun. Hindi namin siya... napansin?” sagot niya na bigla ring napaisip. Sa itsura niya’y may halo din iyong pagtataka sa sinabi ng tiyahin.

“Eh, saan nagpunta ‘yun? Tawagan mo baka kung ano ng nangyari sa kanya.”

Tinawagan niya naman kaagad si Clarie. Nag-ring, pero hindi sinasagot. Inulit niyang tawagan. Ganoon pa rin.

“Ano? Nasaan na daw siya?”

“Hindi niya sinasagot.”

“Saan ka pupunta?”

“Sa bahay po nila.”


Kaya pa naman ni Clarie ang sarili dahil kasama niya naman si Jessie. Mabuti na nga lang bigla siyang tinawagan nito at nag-ayang makipagkita sa kanya. Sana ay masaya rin siya kagaya nito nang madamayan naman niya ang saya ng kaibigan na nagkukwento sa mga nangyari sa buhay nito.

Sinisikap niyang itago ang lungkot at sakit maging ang galit, pero sa oras na iyon hindi niya talaga alam kung ilang minuto at oras niya pa iyon kayang itago sa kaibigan.

“Clarie you’re not okay,” sabi ni Jessie sabay abot ng tissue.

Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya. Kaya hindi na niya napigilan at napahikbi na naman siya. Kaya’t doon na nagsimulang mag-alala si Jessie at hindi na rin nito napigilan pang ungkatin ang iniiyak niya. Sinabi niya sa kaibigan ang mga narinig niyang pag-uusap ni Jayden at ang mga kaibigan nito.

Sa unang pagkakataon, noon niya lang naipakita sa kaibigan ang pag-iyak niyang iyon lalo na’t dahil lang sa isang lalaki na niloko lang naman pala siya. Dahil marami na ring nakakapansin sa kanya sa public park na pinag-kitaan nila ay inaya na siya nito sa bago nitong apartment.

“Kanina pa tumatawag sa’yo si Jayden baka nag-aalala na sa’yo pati na ang Tita mo,” pag-aalala ni Jessie kay Clarie na umiinom pa rin ng alak sa tinutuluyan niyang apartment.

“Hayaan mo siya. Alam naman ni Tita Melly na nandito ako sa poder mo ngayon, don’t worry.” Maayos pa naman ang mga salita ni Clarie. Pero sa loob-loob niya parang winasak ang buong katauhan niya.

“Hay... Clarie, hindi pa rin ako makapaniwala na ginamit ka lang niya at niloko? Pero, dapat kausapin mo na lang muna siya tungkol dito baka naman hindi ‘yun totoo.”

“Paano magiging hindi totoo?! Sa kanya nga mismo nanggaling, Jessie! Ako nga daw ang prospect niya! Bakit ko pa itatanong ulit sa kanya? Sigurado namang itatanggi na niya ‘yun.”

“Anong balak mo?”

“Balak ko?” Saglit siyang napatigil. Ano nga ba ang balak niya? “Hindi ko pa alam. Pero hindi ako makakapayag na mananalo ‘yung Jayden na ‘yun sa plano niya! Kung kailanganin kong baliktarin ang sitwasyon, gagawin ko!”

At may bigla ngang naisip si Clarie. Hindi siya patatalo. Hindi siya magmumukmok na lang at maglalasing. Hindi siya matutulungan nito. Aalis na sana siya pero pakiramdam niya hindi niya kayang umuwi ng gabing iyon. Gusto niyang umiyak na lang muna at ipagpabukas na lang ang paghihiganti sa manloloko niyang boyfriend.

A Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon