Chapter 4

2K 43 2
                                    

Ang dating simpleng pahatid-hatid ni Jayden ng sariling lutong almusal sa pamilya ni Clarie ay hindi pa rin nagbago mula nang sagutin na siya nito. Masaya ang lahat ng kasapi sa pamilyang tinutuluyan ni Clarie maging ng mismong tiyahin ni Jayden na  si Ate Ester at pinsang si Goji. Alam naman ng mga ito na doon din ang patungo ng mga panunuyo ni Jayden sa dalaga. Matagal nga lang ang naging proseso ngunit masayang masarap nang anihin nito ang paghihintay kay Clarie.


Kahit na may mga araw na abala si Jayden sa mga trabaho sa Colser hindi siya nawawalan ng oras para sa kasintahan. At maging si Clarie na abala rin sa paghahanap ng trabaho as a fresh grad, lagi pa rin siyang may oras para sa nobyo. Napakasaya nila sa relasyong mayroon sila ngayon sa loob lamang ng ilang linggo. Batid nila parehas na sa tagal ng pagsusuyuan, ligawan, at pagkilala sa isa't-isa ay alam nilang magiging matatag sila anumang problemang hahagupit sa kanila. 


"Sabi ni Jayden, sintunado ka daw talaga eh!" pang-aasar ni Paul kay Clarie na noo'y napadaan lang sa rehearsal ng Colser Sirens. Kanina lang nang dumating si Clarie, isang babae ang topic nila na nag-audition para mag-perform sa Colser. Hindi naman  kagandahan ang boses nito ayon sa kanila. Hanggang napunta na ang usapan sa sintunadong boses ni Clarie na nauna na palang ipamalita ng magaling niyang boyfriend.


"Talaga? Sinabi niya 'yun?" salubong na kilay na paninigurado ni Clarie sa nang-asar na si Paul. Nilapitan niya pa iyon na inaayos ang hawak nitong gitara.


"Oo nga, Clarie. Bakit totoo nga ba?" sagot naman nito sa kanya na inaalam din kung talaga nga bang wala itong talent. Nagkakaroon din naman talaga ng mga pagkakataon na nakakasama niya ang mga band mates ni Jayden. Lagi siyang pinagkakaisahan ng mga iyon... dati. Ngunit ngayon na naging magkasintahan na sila ng leader of the band, mukhang hindi naman na mababago ang sitwasyon niya sa mga ito.


"Hoy, ikaw!" duro niya sa boyfriend na nangingiti lang sa bandang sulok. Lumayo si Jayden sa mga kasamahan dahil ayaw nitong makisali sa mga trip ng mga ka-banda. Kahit na natutuwa itong inaasar ang girlfriend niya, binabawas-bawasan naman na nito ang kapilyuhan. "Ang sama mo talaga! Nagpapakalat ka pa ng tsismis na hindi ako marunong kumanta. False accusation 'yun!"


"Yo! Nasa court ba tayo?" singit naman ni Mak na nilalaro ang cymbals sa drum set nito. "Ganto na lang! Try us, Clarie. Kumanta ka, then kami ang huhusga kung wala ka ngang talent sa singing."


"Okay yan, Mak!" sang-ayon naman ni Gail na inaayos din ang bass guitar na hawak niya. "Are you in, Clarie?"


Kinabahan si Clarie sa hinahamon sa kanya ng mga iyon. Pero saglit siyang nag-isip. Tiningnan niya muna ang reaksyon ni Jayden. Abala iyon sa pagsusulat sa isang maliit nitong notebook na hindi niya alam kung para saan. Siguro'y nagkukwenta ng mga pinag-utangan, kutob niya. Minsan naririnig naman talaga siya nitong kumakanta kapag nagkakasama sila sa tuwing nasa mood siyang kumanta-kanta. Pero alam niyang hindi ganoon ka-pangit ang boses niya dahil napapakinggan naman niya ang sarili sa mga ni-rerecord sa tuwing trip niyang kumanta.
"Go!" nasigaw niya sabay taas pa ng kanang braso. "I'm in."

Sintunado pala, ha? I'll prove na nagbibiro ka lang.


"Jayden!," pagtawag kaagad ni Paul sa nagsusulat pa ring si Jayden. "Watch and listen! May mini concert labidabs mo." Iniangat naman ni Jayden ang ulo. Nandoon na si Clarie sa gitna ng mini stage ng studiong inupahan nila malapit sa Colser. Inangasan ni Clarie ng mukha si Jayden na nagpapahiwatig ditong patutunayan niyang hindi talaga siya sintunado.


"Good luck guys!" pang-aasar na sabi pa ni Jayden sa mga kasama na nasa stage rin hawak ang kani-kanilang instrumento. Tinago na nito ang hawak na notebook at tumungo sa gitna malapit sa stage. "I-ready na natin ang mga eardrums natin!"


Boyfriend ba talaga kita? Inirapan lang ni Clarie si Jayden.
"Game guys," baling niya sa mga ka-bandang hiram. "Forever and always. Taylor Swift."
Walang ibang audience. Tanging si Jayden lang. Dito lang ang tuon ng mga mata niya. May pagpintig sa dibdib niya... Mukhang nagpalit sila ng sitwasyon ngayon. Habang patuloy ang intro, may binulong ang isip niya sa kanya.
Mabighani din kaya siya sa pagkanta mo, gaya ng ginawa niya dating pagtugtog at pagkanta sayo?

A Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon