Chapter 11

1.5K 36 0
                                    

Walang ibang ginawa si Jayden kundi ang maghintay sa reply ni Clarie. Naka-ilang beses na siyang nagpadala ng text messages sa girlfriend pero ni isa wala pa ring sagot.

Kahit na sinabi na sa kanya ni Tita Melly kung nasaan si Clarie hindi pa rin siya mapalagay. Gusto talaga niyang puntahan ang bahay ni Jessie dahil naroon si Clarie, ang problema niya lang hindi niya alam kung saan iyon.

Iyon daw ang bagong apartment na nilipatan ni Jessie at tiyak niyang ngayon lang din makakapunta si Clarie doon. Sinubukan din niyang tawagan si Jessie pero hindi niya iyon ma-contact.

Nagpadala rin siya ng text messages dito pero kagaya ni Clarie wala ring reply.

Ngunit bukod pa sa pag-aalala niya kay Clarie, may iba pa siyang mas lalong pinangangambahan. Gaya ng sinabi ng Tita Ester niya na pumunta daw si Clarie sa sanktuwaryo, kung bakit hindi naman iyon tumuloy doon. May sumagi tuloy sa kanyang isip na posible ring hindi niya lang ito nakita. Hindi niya nais na malaman ni Clarie ang mga pinag-usapan nila ng mga kaibigan niya. Dahil kung mangyari man iyon, alam niya sa sariling lagot na siya.

Tumunog ang cell phone niya. Daglian niyang in-open iyon, hindi siya nadismaya nang mabasa niyang nag-reply si Jessie.

Sorry, late reply. Just done charging.
Medyo malayo din kasi itong bago kong apartment. Okay naman si Clarie, don’t worry.

Kahit na huwag siyang mag-alala base sa reply ni Jessie, hindi pa rin niya matiis na malayo si Clarie sa kanya. Kaya’t inalam niya kung ano ang eksatong address ng apartment ni Jessie. Ayaw pa nitong sabihin noong una pero dahil sa hindi niya tinigil na mangulit ay ibinigay na rin nito.

Kahit na maambon ang gabi ay sumugod pa rin siya para puntahan si Clarie. Ipinaalam niya sa tiyahing may pupuntahan lang siyang kaibigan. Tama nga ang sinabi ni Jessie na may kalayuan iyon at sa malas niya pa inabutan siya ng malakas na ulan.

Basang-basa siyang nakarating sa apartment na ikinagulat naman ni Jessie kaya’t kaagad siyang inasikaso nito. Nang hanapin niya si Clarie dito ay itinuro iyon ni Jessie sa loob ng kuwarto. Nilapitan niya iyon, tulog na tulog.

“Anong meron at amoy alak  si Clareng?” tanong niya kaagad kay Jessie na noo’y naglalatag na ng higaan nito sa sala.

“Get together lang naman. Kaunti lang naman ang nainom nyan. Sobrang konti lang! Sige na, hindi mo rin naman siya maiuuwi ngayon. Napakalakas ng ulan,” sagot nito na hindi man lang siya tinitingnan.

Tama naman si Jessie, napakalakas ng ulan kaya’t ang ibig sabihin, doon din siya magpapalipas ng gabi. Naramdaman din kasi niya ang biglaang pagbigat ng ulo kasabay ang panlalamig. Kaya’t hindi na rin maganda ang kanyang pakiramdam. Kailangan nang magpahinga lalo na’t natahimik na siya sa pag-aalala.

May kaliitan lang ang apartment. Ang problema ni Jayden, hindi niya alam kung saan naman siya hihilata.


Hindi makapaniwala si Clarie sa posisyon niya nang magising siya kinaumagahan. May nakayakap sa kanyang lalaki. Ang masaklap, pati siya nakayakap din dito! Kaagad niyang ibinaba ang sarili niyang brasong nakayakap sa katawan ng lalaking katabi niya.

Kung gaano siya ka-nerbiyos sa loob-loob niya, mainit naman ang katawan ng lalaki sa pakiramdam niya. Not romantically hot, kundi iyong init nito para bang inaapoy sa lagnat.

Kinukutuban na siya kung sino itong nakayakap na lang sa kanya pero nagdasal siyang sana ay mali ang kutob niya. Dahil mas nanaisin niya pang nasa bisig siya ng isang estrangherong nakayakap kaysa doon sa kasintahan niyang makasariling balot na balot ng pagpapanggap.

At nang ialis niya ang mukha sa dibdib ng lalaki, kaagad niyang iniangat ang ulo para makita kung sino ito. Biglang umakyat ang dugo niya sa ulo nang tumama ang kutob niya, si Jayden nga itong nakayakap sa kanya. Kaya’t madali niyang inalis ang kamay nito sa katawan niya at saka bumangon.

“Kamusta?”

Nang nilinga ni Clarie ang nagsalita, si Jessie iyon nakasilip sa nakaawang na pinto ng kuwarto. Kaagad naman niyang sinugod ito at lumabas ng kuwarto. Hinatak niya ang kaibigan palayo.

“Bakit mo siya pinapunta dito?!” nanggigigil na hawak niya sa braso ni Jessie.

“Huwag naman ako ang pa-kapehin mo ng nag-iinit mong ulo, okay?” pumiglas ni Jessie. Binitawan naman iyon ni Clarie. Napansin niyang bihis na bihis pala ito.

“Ang kulit niya kagabi eh. Kaya pinayagan ko nang pumunta.”

“Pero galit nga ako sa kanya. Ayoko siyang makita!”

“Hindi! Ngayon mo siya komprontahin. Alamin mo kung talaga bang totoo ang plano na ‘yun. Tsaka, sumugod pa yan kagabi na malakas ang ulan. Hindi ba sumama ang pakiramdam niya?”

Nairita naman si Clarie sa inasta ng kaibigan. Sinabi na niyang hindi niya iyon gagawin dahil sigurado siyang ikakaila lang iyon ni Jayden. Kaya nga plano, hindi hahayaang mabuking. Gagawin ang lahat masakatuparan lang iyon.

“Pakialam ko sa nararamdaman niya! Ayoko. Pagbabayarin ko siya sa mga ginawa niya,” banta niya. “Aalis ka?”

“Oo. Ikaw nang bahala. Just promise no killing sa apartment ko,” paalam ni Jessie.

“Sure,” ngiti niya naman sa kaibigan at lumabas na si Jessie ng apartment. I’ll kill him outside your territory.

A Bittersweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon